Tinawag ni Pokwang na "kapal ang mukha" ang dating live-in partner na si Lee O’Brian matapos umapela ng American actor sa Bureau of Immigration (BI) na tingnan ang merito ng counter-affidavit niya bago magdesisyon ang ahensiya ng gobyerno sa deportation complaint na isinampa ng Kapuso comedienne laban sa kanya.
Sa Instagram ngayong araw, June 27, 2023, ibinahagi ni Pokwang ang ilan niyang napanalunang awards at ang paghirang sa kanya bilang Mrs. Universe Queen Celebrity Icon Ambassadress 2023.
Sabi niya sa caption, “Lahat ng ito dahil sayo [two index fingers pointed upwards] #toGodbealltheglory isa nalang po ang hiling ko at alam mo na po iyon kayo na po bahala Amen [praying hands emoji]”
View this post on Instagram
Sa comments section ng kanyang post ay marami ang bumati kay Pokwang.
May ilan namang nagkomento tungkol sa paghain ni Lee ng counter-affidavit sa deportation case na isinampa ni Pokwang.
Ayon sa isang netizen, “Sabi ni kano sana daw wag tignan ang kasikatan mo ng Immigration para pumanig sayo. He believes daw na pakikingan ng immigration ang side nya. OVERSTAY SYA KAYA DAPAT DEPORT SYA”
Pasaring ni Pokwang sa dating partner, “kapal ng mukha diba?? pinangungunahan ang batas natin?”

Tanong naman ng isa pang netizen, “mamang anong thoughts mo na nag counter affidavit si Afam? Just watched the news last night. Shokot siya kasi wala siya career sa US kapag jumuwi. LOL”
Laughing emojis lamang ang isinagot dito ni Pokwang.

Nanindigan naman ang abogado ni Pokwang na si Atty. Ralph Calinisan na dapat nang ma-deport si Lee pabalik sa bansa nito.
Pinapaikutan daw kasi nito ang Philippine Immigration laws sa Pilipinas.
Buong pahayag ng abogado, “We maintain that Mr. William Lee O’Brian must be deported immediately from the Philippines.
“Undesirable aliens have no place in this country.
“With this case we are pursuing, we are putting a stop to the gross manipulation of Philippine Immigration laws and the acts of abuse against our client, Ms. Marietta Subong.
“The Philippines must be a safe place for everyone, especially us Filipinos.”

Naghain si Lee ng kanyang counter-affidavit sa BI office sa Intramuros, Manila, kahapon, June 26.
Bahagi ng pahayag ni Lee sa panayam sa kanya ng media, "And I’d like to say also, given the fact that the complainant is very well-known, widely known throughout this country and very, very influential, I am basically asking and pleading with the Philippine government and the Bureau of Immigration to look at my case, my deportation case, fairly and with justice, according to the merits of the case.
"And whatever I filed here, I would plead with them to look at it justly."
Read: Lee O’Brian files counter-affidavit in deportation complaint by Pokwang
Sinampahan ni Pokwang ng deportation complaint at cancellation of visa si Lee sa BI noong June 13, 2023.
Read: Pokwang files deportation complaint, visa cancellation vs ex-partner Lee O’Brian
