PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sikat na Personality secret love ni Mayamang Politician?

Kaka-bakasyon grande raw ng dalawa.
by PEP team
Published Jul 10, 2023
Blind item sikat na personality, mayamang politician
Mukhang ang nagpapasaya sa buhay ni Mayamang Politician of late ay isang Sikat na Personality? Sino sila?
ILLUSTRATION: Igi Talao

Mukhang happy sa life si Mayamang Politician.

Dahil ba ito sa makulay niyang love life?

Ang alleged dyowa niya ay isang Sikat na Personality.

Nung ikinuwento ito ni Legit Maritess, o LM, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), shookt na shookt ang PEP squad kasi napakabata ni Sikat na Personality para kay Mayamang Politician.

Read:

How young?

Puwede na bang maging anak ni Mayamang Politician si Sikat na Personality?

Hindi daw.

So, apo?

Hindi rin daw.

Apo sa tuhod?

Iiling-iling lang ang ulo ng PEP squad.

Read:

Pero mukha namang dedma ang dalawa sa age gap nila, although mukhang secret muna anumang meron sila.

Kamakailan, nag-bakasyon grande sila, pero wala ni isang picture si Sikat na Personality sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dati naman, basta anything na milestone o luxurious ay magpi-flex sa post si Sikat na Personality.

Basta may bagong house o car o alahas o outfit, i-social media iyan.

Read: Aktres, namamalimos ng pag-ibig sa ex-boyfriend

Pero recently, parang walang anything bonggacious sa life ni Sikat na Personality. Nagpapaka-low-key ba siya?

We can’t help but ask LM tuloy if si Mayamang Politician ang nasa likod ng lahat ng bonggacious sa life ni Sikat na Personality.

Kumbaga, hindi sila gastos ni Sikat na Personality kundi gifts from Mayamang Politician?

Ang sagot ni LM, hindi nakapagtataka dahil galante si Mayamang Politician.

Magtagal kaya ang anumang secret ng dalawa? Abangers na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mukhang ang nagpapasaya sa buhay ni Mayamang Politician of late ay isang Sikat na Personality? Sino sila?
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results