PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden defends Sharon from Maine fans.

Alden: "Nakukuwento rin po niya sa akin na fan po siya ng AlDub before..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 10, 2023
alden sharon maine
Alden Richards (left) on Maine Mendoza's (right) fans calling out Sharon Cuneta's (center) "insensitive" joke: "Sana lang po huwag po masyadong personalin. Kumbaga wala pong issue na gustong simulan yung pag-guest po ni Mama don, so, i-forgive na lang natin yung situation. Wag masyadong harsh."
PHOTO/S: Jerry Olea / TV5

Dinepensahan ni Alden Richards si Sharon Cuneta laban sa mga kritikong pumupuna sa Megastar dahil sa umano'y panunukso nito kay Maine Mendoza.

Sa pilot episode ng TVJ noontime show na E.A.T. noong July 1, 2023, isa si Sharon sa kanilang special guest.

Read: TVJ's new show on TV5 is called "E.A.T."; TVJ yet to reclaim Eat Bulaga! name

Binati ni Sharon si Maine, na isa sa mga co-host ng noontime show.

Ani Sharon, "Maine, congrats, ha. Nagsu-shooting ako ngayon. May kasama ako, yung anak kong bago, yung bago kong son. Ang pangalan niya Alden."

Sagot naman sa kanya ni Maine, "Congrats po sa movie ninyo, Ms.Sharon."

Dugtong pa ng Megastar, "Uy, pero congrats, ha. Hi Alden, nandito si Maine."

Umani ito ng samu't saring reaksiyon mula sa netizens, partikular na sa fans ni Maine at fiancé niyang si Arjo Atayde.

Read: Arjo Atayde officially asks Maine Mendoza's parents for her hand in marriage

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa iba, "awkward" at "insensitive" ang ginawa ni Sharon lalo na't matagal nang nabuwag ang tambalan nina Maine at Alden o mas kilala sa uniname na AlDub.

Read: Alden Richards speaks up on ridiculous rumors about him and Maine Mendoza

Sabi pa ng ilang netizens, hindi na dapat ito ginawa ni Sharon lalo na't alam naman daw nitong ikakasal na si Maine kay Arjo.

Nitong Linggo, July 9, 2023, sa ginanap na mediacon ng Battle of the Judges kung saan host si Alden, hiningan ng PEP.ph at iba pang reporters ng reaksiyon ang Kapuso TV host-actor.

Ayon kay Alden, wala siyang nakikitang mali sa ginawa ni Sharon. Alam din daw niyang wala sa intensiyon ni Sharon na bastusin sina Maine at Arjo.

Read: The breakup of AlDub: A timeline

Maaaring dahil lamang sa tuwa at excitement kaya nasabi raw iyon ni Sharon, ngunit naniniwala siyang wala itong ibang kahulugan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Alden, "Siguro parang masyado lang po... hindi ko rin po kasi alam kung paano maintindihan nung mga manonood yung delivery po ni Ms. Sharon, but I think she meant well.

"Siguro kung feeling po nung iba na nabastos in a way si Arjo at Maine, of course dahil ikakasal na, siguro naman po hindi yon yung intention ni Ms. Sharon.

"Sana naman po huwag nating husgahan agad, and kumbaga, of course, we pay respect to the couple kasi nga po ikakasal na sila.

"But siguro na-excite lang din si Ms. Sharon that time. Kasi nga, first balik niya sa Eat Bulaga! after that time.

"Nakukuwento rin po niya sa akin na fan po siya ng AlDub before so, feeling ko po, it's out of excitement."

Read: Sharon Cuneta on TVJ's exodus from 'Eat Bulaga!': "You don't fix what's not broken, di ba?"

Nakiusap din si Alden sa netizens na kung maaari ay huwag nang palakihin pa ang isyu.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, "Sana lang po huwag po masyadong personalin.

"Kumbaga, wala pong issue na gustong simulan yung pag-guest po ni Mama [Sharon] dun. So, i-forgive na lang natin yung situation. Wag masyadong harsh."

Video: Khryzztine Baylon (video), Rommel Llanes (edit).

like mother and son

Labis na kasiyahan ang nararamdaman ngayon ni Alden dahil sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Sharon. Higit pa raw kasi sa katrabaho ang turing ng Megastar sa kanya.

Read: Sharon Cuneta dismayed over TVJ split with TAPE Inc.: “You didn’t deserve that.”

Kasalukuyang nagsu-shooting sina Alden at Sharon para sa kauna-unahang pelikulang pagsasamahan nila, ang A Mother and Son's Story.

Kabilang ang A Mother And Son's Story sa official entries para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.

Read: Sharon-Alden, Dingdong-Marian starrers among first four official entries to MMFF 2023

Kuwento ni Alden, "Sobra pong bilis ng mga pangyayari at kulang na lang po ata birth certificate na parang whole-packed family na po kami ni Ms. Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto po niyang tawag ko sa kanya 'Mama.' kasi kapag tinawag ko po siyang Ms. Sharon, sinasabi po niya na 'Teacher mo ba ako?'"

Ang pagsasama raw nila sa isang proyekto ay dream-come-true para kay Alden, lalo na't isa si Sharon sa matagal na niyang gustong makatrabaho.

Pagbabahagi ni Alden, "Napakabilis po ng mga pangyayari. Biglaan po, parang nagpasa po sa amin ng script ang CineKo, then binasa po namin, inaral po namin yung laman.

"Ang ganda nung script pero hindi ko po alam kung sino makakasama ko, kung sino magpo-portray nung mother role.

"Mayroon na po akong idea, pero bago ko pa lang po ma-suggest yung idea ko ,yun na po yung lumabas sa kanila, na si Ms. Sharon po yung makakasama ko."

Dagdag pa ng Kapuso star, "Excited po ako kasi way back [2021] po, may nag-resurface pong video na during The World Between Us, interview po yun I think with PEP.ph, na yung bucket list ko po na sino sa mga veteran actors na gusto kong makasama pa, kasama po doon si Ms. Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And yun nga po yung manifesting lately, parang it's really working, e."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards (left) on Maine Mendoza's (right) fans calling out Sharon Cuneta's (center) "insensitive" joke: "Sana lang po huwag po masyadong personalin. Kumbaga wala pong issue na gustong simulan yung pag-guest po ni Mama don, so, i-forgive na lang natin yung situation. Wag masyadong harsh."
PHOTO/S: Jerry Olea / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results