Isang taon na ngayong buwan, July 2023, mula nang pumutok ang balitang hiwalay na si Pokwang sa dating live-in partner niyang si Lee O’Brian.
Read: Pokwang and Lee O’Brian broke up in November 2021—Ogie Diaz
Sa vlog ni Luis Manzano na Luis Listens na lumabas kagabi, July 11, 2023, tinanong niya ang Kapuso comedienne kung ano ang pinakaimportanteng leksiyon ang natutunan niya sa hiwalayan nila ng American actor.
Ayon kay Pokwang, naibuhos niya lahat ng kanyang oras at pagmamahal kay Lee. Kaya payo niya sa mga babae, huwag ibigay ang lahat at magtira para sa sarili.
“Huwag masyadong ano, 'I give my all,' huwag, hindi rin maganda.
“Kailangan anuhin mo din… balance. Dapat balance lang lahat.
"Kasi pag lahat give my all ka, ayan, tingnan mo anong nangyari. 'I give my all,' e. Dapat hindi pala ganun.”
Sa ngayon ba ay handa na siyang umibig muli?
Tugon ni Pokwang kay Luis, “Hindi kasi yan ang priority ko ngayon. Siguro tama na muna.
“Pero hindi ko isinasara ang chururut, ang puso, huwag ganun kasi may plano pa si God na maganda, e. So, hayaan mo lang siya diyan.
“So, magtatatrabaho lang muna ako nang magtatrabaho at mas focus sa negosyo namin at sa mga anak ko. Pero pag may dumating, e, di… Pero I’ll make sure na galing kay God.”
Kung may ibigay man ang Panginoon sa kanyang bagong pag-ibig, hindi lang daw sana ito blessing para sa kanya kundi maging blessing din sa mga anak niyang sina Mae at Malia.
Aniya, “Yun ang importante kasi babae po ang mga anak ko.”
Sa ngayon, hinihintay na lamang ni Pokwang ang resulta ng deportation complaint na isinampa niya laban kay Lee sa Bureau of Immigration.
Read: Pokwang files deportation complaint, visa cancellation vs ex-partner Lee O’Brian
