PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Padilla Wishes Claudia Barretto on Birthday

Dennis Padilla to Claudia Barretto: "Hope to see you soon love you anak."
by Arniel C. Serato
Published Jul 26, 2023
Dennis Padilla reaches anew to daughter Claudia Barretto on her birthday
Dennis Padilla not tired of reaching out to daughter Claudia Barretto especially today, July 26, 2023, her 24th birthday.
PHOTO/S: Courtesy: File / Instagram

Ngayong araw, July 26, 2023, ang ika-24 kaarawan ni Claudia Barretto, pangalawang anak ni Dennis Padilla sa estranged wife nitong si Marjorie Barretto.

Sa pamamagitan ng Instagram, binati ni Dennis ang anak gamit ang lumang baby picture nito.

Halatang nangungulila si Dennis sa pagpansin at kalinga ng anak.

Sa caption ay sinabi ni Dennis na umaasa siyang magkikita sila sa lalong madaling panahon.

Buong caption niya, “@claud9s Dear Claui... Happy birthday 24th bday... Hope to see you soon love you anak"

Bago pa nito, July 24 pa lamang ay nagparamdam na si Dennis kay Claudia.

Sabi niya sa isang post, “So beautiful anak... Miss you!! God bless you more [emojis] advance happy birthday claui"

Sabi naman niya sa kasunod niyang post, “Advance happy birthday anak... Love you Claui –Papa [emojis]"

Kahapon, July 25, nag-advance birthday message na rin siya kay Claudia.

Mensahe ni Dennis, “Dear claui... Happiiii bday anak... God bless you more! Love you – Papa [emojis] with baby gavin and Leon)"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapansin-pansin na kabilang sa naka-tag sa post ni Dennis ang isa pa niyang anak kay Marjorie na si Leon, at ang kapatid ni Marjorie na si Claudine Barretto.

@genepadillaaaa @jenny_ontheblock @katkawaiii @dianegbalmes @luweezyyyy @theleonbarretto @claubarretto

Isang netizen naman ang nakapag-obserba na hindi talaga siya pinapansin sa dami ng mensahe niya para kay Claudia.

Ayon dito, "Sayang naman po ang greetings nyo laging dedma!"

netizen comments on Dennis padilla's message to Claudia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng PEP Troika kay Dennis na lumabas nitong nakaraang July 23, sinabi ntiong umaasa siyang magkaayos na sila ng estranged children niyang sina Claudia, Julia, at Leon Barretto.

Sabi niya, "Yan ang sana sumunod, kasi I'm not getting any younger, e. Sana soon."

Dagdag pa sa ulat, hindi na raw siya ang magri-reach out sa mga nakatampuhang mga anak.

Matagal na raw siyang lumalapit, at sana nga raw ay gawin rin ito ng kanyang mga anak.

Dagdag pa niya, "I've been reaching out since ano pa e, 2014, medyo matagal na rin. Ilang years na ba yun? Almost 10 years na... nine years, I've been reaching out, so I hope sila naman.”

Nakahanda naman daw siyang maghintay at hindi pa din siya nawawalan ng pag-asa.

Pagtatapos ni Dennis, "Pagka-tatay ka, mahaba yun... sabi nga nila, nung ako, suwail din naman ako sa tatay ko nung araw. Hindi naman ako all the way mabait na anak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, dun ko naintindihan yung mga sinasabi ng magulang ko na... lalo na si Tatay, sabi sa akin, 'Kayo, matitiis niyo kami. Pero kayo, hindi ko kayo matitiis.’”

Read: DENNIS PADILLA, HINIHINTAY PA RING MAG-REACH OUT ANG MGA ANAK KAY MARJORIE BARRETTO

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla not tired of reaching out to daughter Claudia Barretto especially today, July 26, 2023, her 24th birthday.
PHOTO/S: Courtesy: File / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results