Pitong buwang gulang pa lamang si Dranreb Belleza nang pumanaw ang ama nitong si Bernard Belleza noong March 7, 1970.
Lumaki siya na ang ninong niya sa binyag, ang yumao na ring King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. (FPJ) ang isa sa kanyang mga nakagisnang pangalawang ama.
Malaki ang impluwensiya ni FPJ kay Dranreb, hindi lamang sa career kundi pati sa personal na buhay ng kanyang inaanak na tinulungan niyang makapag-aral noon sa ibang bansa.
Ang ina ni Dranreb ay ang beteranang aktres na si Divina Valencia.
Read: Throwback: Divina Valencia vs. Rey dela Cruz—the ultimate mic hit that scandalized local showbiz
Ipagdiriwang ni Dranreb ang 54th birthday nito sa August 6, 2023 sa pamamagitan ng "It’s All Connected," ang kanyang 32nd solo exhibit sa Art Circle Gallery ng University of the Philippines Bahay ng Alumni sa Diliman, Quezon City.
Sa mga ganitong pagkakataon, hinding-hindi niya nalilimutan ang buong-buong suporta ni FPJ noong nabubuhay pa ito.
“My first painting ever in 1994 sa Music Museum exhibit, my first painting na binayaran was bought by FPJ," pagbabalik-tanaw ni Dranreb sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).
“Meron siyang lugar sa bahay na maraming paintings, tinanggal niya lahat ng paintings na yon tapos nilagay lang niya yung painting ko na maliit na kulay blue na abstraction, and he actually paid for it.
“Sabi ko, ‘Why are you paying for it? You sent me to school. Why are you paying for it?’
“Sabi niya, ‘Wala. Para suwerte.’
“During that time, sabi niya, ‘Name your price.’
“Ang inisip ko, I’m going to name a price, like hindi niya kakagatin kasi mataas. During 1994, mataas na yung P7,000.
“Sabi ko, ‘O sige, P7,000.’
“Sabi niya, ‘O sige, get your check in the house tomorrow. Daanan mo.’ So, binili niya."
Ayon pa kay Dranreb, malaki ang kinalaman ni FPJ kung ano siya ngayon.
Saad ng dating child actor, "I am very close to my ninong kasi. He has a lot to do with my morals. He has a lot do to with who I am right now.
"Yung morals ko, yung paninindigan ko, nanggaling sa kanya, sa kanila actually.
“I have great godparents. Ninong Erap [Joseph Estrada] is my godfather, Ninong Dolphy is my godfather, Amalia Fuentes is my godmother, and the King and the Queen [FPJ and Susan Roces].
"So, charmed life kasi lumaki ako na yung ninong mo at ninang, e, tinatrato ka na parang anak nila,” ang kuwento ni Dranreb.
Mataas ang paggalang ni Dranreb sa kanyang itinuturing na mga pangalawang magulang kaya nasasaktan siya sa mga sinasabi ng ibang mga tao na hindi iginagalang ang memorya ng Ninong Ronnie niya.
“Namulat akong ang tatay ko [si FPJ]. I call him Nong, masaya ako kapag napapanaginipan ko siya.
“Nagagalit ako kapag may bumabastos sa memory niya, like recently.
"I don’t wanna say who, but napakabastos. Puro kasinungalingan, because I would have known,” dismayadong pahayag ni Dranreb tungkol sa taong lumapastangan kay FPJ pero pinili niyang huwag banggitin ang pangalan.
DRANREB AS AN ARTIST
Kinikilala ng marami ang husay ni Dranreb bilang pintor. Pinag-aralan niya ito, pinagbuhusan ng pawis at panahon.
Saad niya, "Hindi naman ako nag-trip lang na parang artista ako, wala akong ginagawang pelikula, magpintura na lang ako, bolahin ko sila. Hindi naman ganoon.
“Jao Mapa went to school. I went to school. I mean, don’t take that away from us.
"I also paid my dues, blood, sweat, and tears. I’ve also had to contend with the gatekeepers of the art world who did not want to include me, who did not think I was worthy of being included with their names.
"But now, I’m part of it. I paid my dues…”
Ano ang presyo ng kanyang pinakamahal at pinakamurang artworks?
Ayon kay Dranreb, “Yung pinaka-expensive na artwork, umabot ng P500,000, 4x12 feet na nasa Baguio City ngayon.
“Pinakamura probably is 500 pesos. It depends, it really depends.
"Halimbawa, kaibigan ko ang pupunta, parang siguro mamimigay ako ng sapatos, sasabihin ko, 'Ibibigay ko na lang sa yo pero bigyan mo na lang ako ng piso.’
“Ang painting ko po, hindi by size. It’s by content.
"I can have a large painting, like a 4x8 painting that can cost P25,000. But I can have a small painting, which is 2 1/2x2 feet, that can cost a P100,000.”