Malaki ang pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa Diyos dahil umayos ang panahon, kahit may bagyo, sa kasal ng anak niyang si Arjo Atayde, 32, at ng actress-TV host na si Maine Mendoza, 28.
Ikinasal ang dalawa sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, Benguet, noong July 28, 2023.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are now married
Sa post ni Sylvia sa Instagram ngayong Martes, August 1, 2023, sinabi nitong dalawang araw niyang minu-monitor ang kalagayan ng panahon bago pa ang big day ng dalawa.
Kahit malakas ang ulan at hanging dulot ng bagyong Egay, hindi naman daw kinabahan si Sylvia.
Saad niya, “July 26 2023 ang lakas ng bagyo pero hindi ako kabado.
“July 27, 2023 ang lakas pa din ng ulan pero hindi pa din ako kabado.
“July 27, tinext ko si Maine.
“’Love you Maine.’
“’Love you titaaa sana po maging ok lahat tomorrow.’
“’Magiging ok yan Maine [praying hands emojis]
“'Ang dami daming nagdadasal [heart emoji]'”
Ayon pa sa aktres, idinaan niya sa pananampalataya na maging okay ang lagay ng panahon noong July 28.
At nangyari nga ito.
Aniya, "For the nth time pinatunayan ng DIYOS na sya ang DIYOS na makapangyarihan sa lahat, mapagmahal at walang imposible sa KANYA.
“July 28,2023. Mismong araw ng kasal nina ARJO at MAINE.
“Heto po ang panahon [heart emojis]
“Maraming, maraming, maraming salamat po
PANGINOONG JESUS Matthew 8:23-27
"#Faith naniniwala akong mas malakas ang DIYOS ko kesa sa Bagyo, mas malakas SIYA kaninuman!!! #ataydemendoza
“Happy morning everyone.”
View this post on Instagram
ARJO-MAINE TO TRAVEL TO EUROPE
Samantala, bibiyahe naman patungong Europe ang bagong kasal sa darating na August 5.
Ayon sa opisina ni Arjo, ang biyahe ng Quezon City congressman ay official trip bilang vice chairperson ng Special Committee in the Congress on Creative Industry and Performing Arts.
Dadalo rin ang mag-asawa sa 76th Locarno Film Festival sa Switzerland dahil gagawaran ng parangal ang pelikula ng aktor, ang Topakk na iidinirek ni Richard Somes.
Nalaman daw ni Arjo ang magandang balita tungkol sa Topakk ilang araw bago ang kasal nila ni Maine.
Pahayag niya, “Me, Maine and the rest of my family are so thankful to hear this announcement just a few days before our wedding day.
“I am so thrilled and excited together with my wife Maine to be recognized by Locarno Film Festival.”
Magtatagal ang dalawa sa Europe hanggang August 27. Ngunit, magtatrabaho raw ang actor-politician sa pamamagitan ng remote set-up. Binigyan din siya ng pahintulot ng Kongreso na bisitahin ang Filipino communities doon.
Malaki rin ang pasasalamat nina Arjo at Maine sa kanilang principal sponsors dahil sinuong ng mga ito ang masamang panahon para dumalo sa kanilang Baguio wedding.

Ninangs and Ninongs: (from left) Jeny Ferre, Rosabella Fernandez, Madeleine Tuviera, Celeste Tuviera, Novelita Gallegos, Maricel Soriano, ABS CBN executive Cory Vidanes, Quezon City Mayor Joy Belmonte and Rhea Anicoche-Tan, couple Maine Mendoza-Atayde and Cong. Arjo Atayde, House Speaker Martin Romualdez, ABS-CBN CEO Carlo Katigbak, Roldeo Endrinal, Joey de Leon, Miguel Atayde, former Senator Tito Sotto, Vic Sotto, and Antonio Tuviera
Hindi rin tumanggap ng anumang regalo ang mag-asawa dahil mayroon silang bubuuing donation drive matapos ang kanilang kasal.
Gagamitin nila ang malilikom na donasyon para sa indigenous groups sa Luzon na sila mismo ang mag-aabot ng tulong.
Sa ngayon, nasa Bali, Indonesia pa ang mag-asawa dahil dumalo sila sa destination wedding nina Maja Salvador at Rambo Nunez na ginanap kahapon, July 31, 2023.
Read: Maja Salvador and Rambo Nuñez tie the knot in Bali, Indonesia
