PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda to Bianca: Maagang Pumasok

Vice Ganda: "GMA young stars ang mga barkada ko ngayon!"
by Rachelle Siazon
Published Aug 1, 2023
Bianca Umali on It's Showtime
Vice Ganda teases Bianca Umali saying "It's Showtime" cameramen were mesmerized by the Kapuso actress' beauty: "Parang close na close mo yung mga cameramen. Close-up na close-up! 14 years na ako dito, apat lang ang close-up ko."
PHOTO/S: @bianx Instagram / Screengrab from ABS-CBN Entertainment

Mainit ang pagtanggap ng It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Kim Chiu, at Ogie Alcasid sa Kapuso actress na si Bianca Umali.

Si Bianca ang Kapuso guest sa Kapamilya noontime show ngayong Martes, August 1, 2023.

Read: Bianca Umali: The Real Deal

Puring-puri ni Vice ang sexy dance production number ni Bianca na "Dangerous Woman" ni Ariana Grande.

Nakasuot si Bianca ng leather crop top, leather shorts, at thigh-high leather boots para sa okasyon.

Nakangiting sabi ni Vice, "I'm sure madaming madlang people ang naka-appreciate ng prod mo. Ang galing mo and ang ganda mo!

"Lahat kami happy dito. Hindi lang mga cameramen, kaming mga staff, mga host."

Humirit si Vice na marami raw sa cameramen ng noontime show ang nabighani sa kagandahan ni Bianca base sa camera shots ng production number ng Kapuso actress.

"Parang close na close mo yung mga cameramen. Close-up na close-up!

"Fourteen years na ako dito, apat lang ang close-up ko. Kasi yung mga cameramen namin inspired kapag nakakakita sila ng maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung mukha ko, andami nag-resign dahil sa mukha ko. Pero sa mukha mo, andami pumasok nang maaga!" pambubuska ni Vice sa mga katrabahong cameramen.

Sabay sabi niya uli kay Bianca, "We're so happy that you are here!"

Bianca Umali on It's Showtime

ON ABS-CBN AND GMA-7'S COLLABS

Lubos din ang tuwa ni Bianca na makatungtong sa It's Showtime studio sa ABS-CBN compound sa kauna-unahang pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kinakabahan talaga ako mula kagabi pa. Naisip ko, pag makita ko na sina Meme Vice kakabahan ako lalo, pag nakita ko sina Kuya Vhong, sila Ate Kim.

"Pero nung nakatungtong na ako, ang saya. Kasi it's new doors, new opportunities opening for everyone," masiglang pahayag ni Bianca.

Dagdag niya, "Ngayon, eto, sama-sama tayong lahat. Ang sarap po sa puso."

Sabi naman ni Vhong, "Huwag ka mahihiya. Extension ito ng bahay mo sa GMA."

Dito muling binanggit ni Vice ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA-7 para sa ilang collaborations, kabilang ang pag-ere ng It's Showtime sa GTV, isang GMA-affiliated free-TV channel.

"Ito magandang nangyari sa pagpasok natin sa GTV. Andami nating mga bagong kaibigan. Na-extend.

"Lumaki nang lumaki, tapos nae-expose na yung madlang people sa mga talents nila, at tayo nakikita din tayo ng audience ng GTV.

"Nakakatuwa. Share-share!"

Watch: PEP TEAM BEHIND THE SCENES AT GMA GALA 2023

ON bianca's "ultimate dream" to work with papa p

Nang tanungin kung sinong Kapamilya star ang gusto niyang makatrabaho kung mabibigyan ng pagkakataon, agad na isinagot ni Bianca na "ultimate dream" leading man niya si Piolo Pascual.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi naman ni Kim, "Mahaba pila dun, Bianca!"

Paliwanag ni Bianca kung bakit gusto niya si Piolo, "Kasi sobrang idol din siya ng lola ko.

"Pag makatrabaho ko siya, mahihingan ko ng video greet lola ko."

Read: Bloopers, sidelights, sweet moments at GMA Gala 2023

VICE ganda on BEING FRIENDS WITH KAPUSO STARS

Una nang naka-bonding ni Vice si Bianca kasama ng ibang Kapuso stars noong July 5.

Kaya binati ni Vice sa It's Showtime kanina ang mga bago niyang "Gen Z friends" kabilang sina Ruru Madrid, Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, at Ken Chan.

Sabi ni Bianca ukol kay Vice, "Leader of the group namin ito."

Hirit ni Vhong kay Vice, "Mothering ka?!"

Sagot ni Vice, "Ayan na naman, mothering! Isa siyang mother ng group!"

Sabay sabi ni Vice sa bonding nila nina Bianca at ibang Kapuso stars, "Nililibre nila ako. Spoiled ako sa kanila."

Kunwa'y nagseselos na nagbiro naman si Kim, "Kaya pala di mo na kami isinasama sa mga lakad mo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang sagot ni Vice, "GMA young stars ang mga barkada ko ngayon!"

Bago si Bianca ay nag-guest na rin sa It's Showtime ang kapwa niya Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Pokwang, Gabbi Garcia, Richard Yap, Christian Bautista, Mark Bautista, Ken Chan, at Julie Anne San Jose.

Read: Vice Ganda bonds with Kapuso stars Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Ken Chan, Rodjun and Rayver Cruz

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda teases Bianca Umali saying "It's Showtime" cameramen were mesmerized by the Kapuso actress' beauty: "Parang close na close mo yung mga cameramen. Close-up na close-up! 14 years na ako dito, apat lang ang close-up ko."
PHOTO/S: @bianx Instagram / Screengrab from ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results