Ayon sa masugid na fans ng bagong kasal na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, nagpalitan ng mamahaling regalo ang dalawa matapos ang seremonya ng kanilang wedding sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, Benguet, noong July 28, 2023.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are now married
Base sa posts ng fans, isang mamahaling sports utility vehicle (SUV), Toyota Land Cruiser ZX, umano ang ibinigay ni Maine kay Arjo.
Ayon sa website ng nasabing car company, lagpas sa limang milyong piso ang presyo nito.
Niregaluhan naman umano ni Arjo si Maine ng puting Hermes Mini Kelly.
Ang nasabing bag ay nagkakahalaga mula P500K hanggang P2M depende sa klase.
Post ng isa pang fan, “Bride & Groom gift exchange #AtaydeMendoza #MaineMendoza #ArjoAtayde”
View this post on Instagram
Dagdag ng isa pa, “Bride & Groom gift exchange.
#AtaydeMendoza-07.28.2023- #ArjosMaineEvent #TheJuanForMaine
#MaineMendoza #ArjoAtayde"
View this post on Instagram
Ginamit na ni Maine ang regalo sa kanya ng asawa sa kasal ng kaibigang si Maja Salvador kay Rambo Nuñez sa Bali, Indonesia, noong July 31, 2023.

Read: Maja Salvador and Rambo Nuñez tie the knot in Bali, Indonesia
“WELCOME TO THE FAMILY MAINE!!!”
Samantala, bukambibig ni Sylvia Sanchez na tanggap na tanggap niya at ng kanyang pamilya si Maine, kahit noong girlfriend pa lang ito ng anak na si Arjo.
Kaya hinihintay niya talaga ang araw na ikasal at matali na ang manugang sa anak.
Read: Sylvia Sanchez to Maine Mendoza: “Tara na! Mag-‘Yes, I Do’ ka na para selyado na.”
Ngayong Huwebes, August 3, 2023, muling nag-post si Sylvia sa kanyang Instagram dahil selyado na ang relasyong Arjo at Maine kasi ikinasal na ang dalawa.
Mensahe niya (publsihed as is), “July 28,2023. Kailangan kong i let go ang anak kong si Arjo dahil bubuo na siya ng sariling pamilya. But im happy because i gained a daughter and that’s you, Maine.
“Maine, officially i can now call u my daughter. Yeyyyy!!!
“You will surely enjoy the ride because now you're one of us na.
“Enjoy your life together @mainedcm @arjoatayde.
“Love you both mga anak. Finally and officially!!
Welcome to the family Maine!!! Nakakahappyyyyyy
“#ataydemendoza kasal na #family #happiness #thankuLORD
“Happy morning, everyone”
View this post on Instagram
Winelcome din ng ama ni Arjo na si Art Atayde si Maine sa kanilang pamilya.
Read More:
- Maine Mendoza reacts to “misleading and FALSE” headline about Europe trip with husband Arjo Atayde
- Celebs upload photos of Maine Mendoza and Arjo Atayde a day after their wedding
- Noli de Castro gets flak for comment about Maine Mendoza-Arjo Atayde wedding
- Sylvia Sanchez thankful for good weather during Arjo-Maine wedding; newlyweds to travel to Europe
