Muling nagkasama sa isang restaurant ang magkakaibigang reporters ng magkabilang istasyon: sina Atom Araullo at Mark Salazar ng GMA Integrated News at sina Jeff Canoy, chief of reporters ng ABS-CBN News and Current Affairs, at si Zen Hernandez, anchor ng TV Patrol weekend.
Kahapon, August 8, 2023, nagtipun-tipon ang magkakaibigan para sa birthday ni Jeff.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Jeff ang selfie nilang magkakaibigan.
Si Zen mismo ang kumuha ng larawan.
Caption niya, “So kailan na nga ba ang Cuba? (laughing emoji)
“Usapang matanda sa lugar na pang-matanda.”
View this post on Instagram
Sa kanyang account, ibinahagi ni Zen ang nasabing larawan at dalawa pang ibang kuha nila sa kanilang pagkikita.
Nakasulat sa kanyang caption, “This rare gen z(en) assemblage deserves a post”
View this post on Instagram
Masaya naman ang TomZen fans nina Atom at Zen sa comments section ng post ng huli.
Sabi ng isang netizen, “Happy to see na mgksama po ulit ni sir Atom”

Dagdag ng isa pang netizen, “Wahhh my TomZen”

Saad ng isa pa, “sana magkatuluyan kau ni @atomaraullo”

Komento ng isa pa, “@zenhernandez : may nakita akong cutie sa among the group, ikaw ba yan?@atomaraullo"

Tanong ng isa pang netizen, “Kelan po ba ang wedding bells? sir @atomaraullo igalaw mo na ang baso”

Puro naman heart reacts ang iba sa post ni Zen.

Huling nagkasama ang grupo nina Zen at Atom ay noong Holy week, April 2023.
Read: Rumored couple Atom Araullo and Zen Hernandez bond with other reporters last Holy Week
Naging Instagram official sina Atom at Zen noong October 2022.
Read: Jowa reveal! Kapuso Atom Araullo posts couple photo with Kapamilya Zen Hernandez
Unang napansin ng netizens ang closeness ng dalawa dahil sa post ng kapwa nila news anchor na si Pinky Webb nang maispatan niya ang dalawa na nagbabakasyon din sa Balesin, isang private beach resort sa Polillo, Quezon.
Read: Are news anchors Atom Araullo and Zen Hernandez in a relationship?
