Anim na buwan matapos silang naging Instagram official, muling nasilayan ng publiko na magkasama ang rumored couple at news personalities na sina Atom Araullo at Zen Hernandez.
Noong October 2022 pa ang huling beses namataang magkasama ang rumored couple.
Si Atom ng GMA News ang nag-post ng sweet photo nila ni Zen ng ABS-CBN News sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang personal Instagram account.
Hawak ni Atom sa kanyang kamay ang printed copy ng candid shots nila ng dalaga mula sa isang photo booth.
"Happy 28th birthday po," simpleng mensahe ni Atom para kay Zen.
Read: Jowa reveal! Kapuso Atom Araullo posts couple photo with Kapamilya Zen Hernandez
Matapos noon ay naging mailap na ulit ang dalawa sa pagbabahagi ng mga larawan nilang magkasama.
Pero noong April 6, 2023, Maundy Thursday, muling nagkasama sina Atom at Zen, kasama ang iba pa nilang malalapit na kaibigang reporters.
Kabilang sa mga ito sina Adrian Ayalin, Niko Baua, Gretchen Malalad, Ryan Chua, at Jeff Canoy.
Sa post ni Zen, makikitang nakapuwesto sila sa poolside ng isang private resort.
Summer na summer din ang dating nila dahil may makukulay silang suot na lei o garland sa kanilang mga leeg.
Simpleng caption ni Zen, “Stuck in Metro Manila! But lovin’ it [sun emoji]”
View this post on Instagram
Walang post si Atom ukol sa kanilang get-together.
Kinilig naman ang netizens na nag-comment ukol kina Zen at Atom sa comments section.
Komento ng isa, bagay na bagay si Zen sa taong nakatayo sa kanyang likuran sa kanilang pictorial—si Atom.
Ayon dito, “Bagay na bagay kayo nung gwapong lalaki na nasa likod mo, will be more than glad if Forever na kayo”

Pabirong komento ng isa, “Nmanhikan n po b c Atom ms. Zen?”

Parang may kilig na komento ng isa pa, “Iba talaga pag magkasama kayo ni Atom hahah”

“Ayeeehhh...bsta kinikilig po ako sa inyong dlawa ni mam Zen,” dagdag ng isa pa.

Tinawag namang "TomZen" ng isa ang tambalan ng dalawa.
Saad niya, “Ang mag loveteam n tomzen, sana kyo n po”

LOW-KEY RELATIONSHIP?
Hindi kaila sa showbiz insiders na tila matagal na ang relasyon nina Atom at Zen.
Noong 2021 ay pasimpleng tinukso ni Pinky Webb ang dalawa nang makita niya ang mga ito na nagbabakasyon din sa Balesin.
Read: Are news anchors Atom Araullo and Zen Hernandez in a relationship?
Sadyang low-key lamang umano sina Zen at Atom.
Pero sa mga pagtitipon kasama ng kanilang mga malapit na katrabaho ay kapansin-pansing sweet ang dalawa.
Tulad na lamang noong June 2022, kunsaan kasama nilang nag-lunch ang mga kaibigan nila sa news industry mula sa iba-ibang istasyon.
Read: News anchors Atom Araullo, Zen Hernandez spotted together anew
Si Atom ay 13 taong broadcaster sa ABS-CBN bago siya lumipat sa GMA-7 noong 2017.
Si Zen ay nasa bakuran ng ABS-CBN hanggang sa kasalukuyan.
