Nagsalita na ang former GirlTrends member na si Maika Rivera hinggil sa relasyon ng ex-boyfriend niyang si Bobby Ray Parks Jr sa YouTube vlogger na si Zeinab Harake.
Sa pamamagitan ng video sa TikTok, ibinahagi ni Maika ang saloobin sa pagkakaroon muli ng girlfriend ni Bobby matapos magwakas ang kanilang relasyon na nagtagal din ng ilang taon.
Ayon kay Maika, matagal na siyang kinukulit ng netizens na magbigay ng reaksiyon sa relasyong Bobby at Zeinab, matapos itong isapubliko ng dalawa noong May 8, 2023.
Read: Zeinab Harake, former PBA player Bobby Ray Parks Jr. flex each other on Instagram
"I'm sure matagal niyo na itong hinihintay... itong question na to," panimula ni Maika habang itinuturo ang komento ng netizen na (published as is), "Ano po masasabi nyo sa couple na sina Ray Parks at Zeinab?"
Ayon sa dancer-actress, masaya siya kung anong relasyon mayroon ngayon sina Bobby at Zeinab.
Aniya, "I'm genuinely happy for them.
"It doesn't really matter what I think, it doesn't matter."
Dagdag pa niya, "I'm happy that they're happy, that's it."
Read: Bobby Ray Parks Jr. tells Zeinab Harake: "Sagutin mo na ako soon please."
NETIZENS REACT
Ang pahayag na ito ni Maika ay umani ng positobong komento mula sa netizens. Marami sa netizens ang humanga sa pagiging "mature" at hindi umano "toxic" ni Maika.
Komento ng isang netizen, "Yay! Proving that women can be happt for other women."
Saad pa ng isa, "Ganito dapat hindi yung toxic na ex na mang-aaway pa ng present."
Sabi pa ng isa, "Mukha naman kasi talagang na ka move on na siya at masaya na siya ngayon."
Dagdag pa ng isa, "This kind of mindset of a woman makes them more beautiful."
Read: Maika Rivera denies third-party allegation in Aljur Abrenica-Kylie Padilla breakup
