Pokwang admits she hasn't moved on from ex Lee O’Brian: “Kapag wala na siya sa Pilipinas.”

Pokwang: "Gusto kong magpayaman para sa anak ko. Period!”
by Arniel C. Serato
Aug 15, 2023
pokwang dapat alam mo
Pokwang on moving on from breakup with ex-partner Lee O'Brian (not in photo): "Hindi ganun kadali. Kapag wala na siya sa Pilipinas, yan ang super move on ko na talaga. Sa ngayon hindi pa. Ayokong i-share ang hangin ng Pilipinas sa kanya, hindi niya deserve.”
PHOTO/S: GTV

Sumalang sa lie-detector test ang Kapuso comedienne na si Pokwang sa “Not Gonna Lie” segment ng Dapat Alam Mo! na umere sa GTV noong August 9, 2023.

Ang host ng nasabing segment ay sina Kim Atienza at Susan Enriquez.

Isa sa unang mga tanong kay Pokwang ay kung naka-move on na siya sa kanyang pinakahuling heartbreak.

Hindi man pinalangalanan, alam naman ng buong bayan na ang American actor na si Lee O'Brian ang kanilang pinag-usapan.

Sagot ni Pokwang, “I’m not gonna lie, Kuya Kim and Madam Susan, no.”

“Truth” ang lumabas na resulta sa lie-detector test.

Paliwanag pa ni Pokwang, “Hindi ganun kadali. Kapag wala na siya sa Pilipinas, yan ang super move on ko na talaga.

“Sa ngayon, hindi pa. Ayokong i-share ang hangin ng Pilipinas sa kanya, hindi niya deserve.”

Sunod na tanong sa kanya ay kung yung pinagdaanan ba niya ay "more of pain or more of anger or both?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diretsong sagot ni Pokwang, “Both. Kasi alam mo yun, ang dami kong ibinigay na chance, e, to visit the child, pero wala.”

Ang tinutukoy na "child" ni Pokwang ay ang five-year-old daughter nila ni Lee na si Malia.

Tungkol naman sa pera ang kasunod na tanong kay Pokwang.

Tanong sa TiktoClock host, “Money matters ba ang reason ng hiwalayan?”

Sagot ni Pokwang, “I’m not gonna lie, Kuya Kim and Madam Susan, yes.”

“Truth” na naman ang lumabas na resulta sa lie-detector test.

Dagdag pa ni Pokwang, “Nasagot ko na naman yan sa unang interview ko with Tito Boy [Abunda]. Nasabi ko naman doon so bakit ko naman iibahin ngayon?

“Dun ang isang dahilan kung bakit nagkasira kami, pera.”

Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."

Sa panayam kay Pokwang noong Hulyo, sinabi ng komedyana na mahal pa niya si Lee.

Kaya naman tanong ni Kim, “Tatanungin ko ulit, mahal mo pa ba ang iyong ex-partner na si Lee? Yes or no?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Pokwang, “I’m not gonna lie, Kuya Kim and Madam Susan, no.”

“Truth” din ang resulta sa lie-detector test.

“It’s too late. Sabi nga ni Justin Bieber,” sabi pa ni Pokwang nang tanungin kung magsusumamo si Lee na bumalik sa kanilang buhay.

Paano kung sabihin ni Lee na mamahalin siya nang todo-todo, aalagaang mabuti si Malia?

Sagot ni Pokwang, “May yaya naman si Malia. Bakit ngayon lang, di ba? Inyong-inyo na po yan.”

Ano ang masasabi niyang meron na raw bagong girlfriend si Lee?

Aniya, “Sabi meron na raw, I don’t care. Gusto kong magpayaman para sa anak ko. Period!”

Sa ngayon, patuloy pa ring gumugulong ang imbestigasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa inihain ni Pokwang na deportation complaint at cancellation of visa laban kay Lee noong June 13, 2023.

Read: Pokwang files deportation complaint, visa cancellation vs ex-partner Lee O’Brian

Umaasa naman si Lee na maging patas ang BI sa pagdinig ng reklamo ni Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lee O’Brian files counter-affidavit in deportation complaint by Pokwang

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang on moving on from breakup with ex-partner Lee O'Brian (not in photo): "Hindi ganun kadali. Kapag wala na siya sa Pilipinas, yan ang super move on ko na talaga. Sa ngayon hindi pa. Ayokong i-share ang hangin ng Pilipinas sa kanya, hindi niya deserve.”
PHOTO/S: GTV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results