Aprubado kay Pokwang ang pahayag ng It’s Showtime co-host na si Ryan Bang na sa Pilipinas niya nais manirahan habambuhay at dito na rin siya mamamatay.
Walang dugong Pilipino ang 32-year-old Korean TV personality pero napamahal na sa kanya ang bansa.
Sabi ni Ryan sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda noong August 8, 2023, “Dito ako lumaki, dito ako mamamatay. Habambuhay ako dito kasi mahal na mahal ko ang Pilipinas.
"Yung ugali ko, Pilipino. Gusto kong bumawi sa pagmamahal nila sa akin.
“Nagpe-pray ako gabi-gabi kay Lord Jesus Christ na, ‘Lord, gamitin Ninyo po ako.’
"Dati kasi gusto kong magpasaya ng mga Pilipino. Ngayon, gusto ko, maraming-maraming Pilipino ang yumaman dahil sa akin.”
Read: Ryan Bang, hindi na-meet ang expectation sa unang tapak niya sa GMA-7?
Kaya naman sabi ni Pokwang sa social media app na X (dating Twitter), deserving si Ryan manirahan sa Pilipinas.
Pero hindi niya maiwasang magparinig sa isang taong hindi niya pinangalanan.
Gayunpaman, malinaw na si Lee O’Brian ang tinawag niyang “oportunista” at “user” dahil makailang beses na niyang binanatan ang ex-partner na aniya'y nagamit lamang siya sa loob ng anim na taon nilang pagsasama.
Buong mensahe ni Pokwang kahapon, August 10, 2023, “si @ryanbang deserve nya tumira at manatili sa Pilipinas kasi mabuting tao at hindi manggagamit at oportunista (heart emoji) yung iba dyan USER lang ang peg! No no no!!!! (thumbs down emojis)”
Sabi sa kanya ng isang follower na ang tinutukoy ay ang anak nila ni Lee na si Malia O’Brian, “At the end of the day, you still have a future Ms Universe.”
“Tama hahhahahaa,” pagsang-ayon ni Pokwang.

May isa naming netizen ang hindi nagpaawat at may banat ito sa TikToclock host.
Ayon dito, dapat ay manahimik na lang si Pokwang dahil hindi na siya babalikan ng ex-partner.
Dapat daw mag-move on na si Pokwang at iwasan na ang pagpaparinig.
Buong komento nito, “HAHAHAH ANG PAIT..!!! ANG AMPALAYA INUULAM HINDI INUUGALI… MANAHIMIK KNA PANGET WALA NG MGYAYSRI HIDNI KNA BABALIKAN NG PUTI MO NA X MOVE ON MOVE ON DN PAG ME TIME IWAS NA MGPARINIG HAHAHAH”
Minura naman siya ni Pokwang at tinawag na "tanga."
Pinapalayas na raw kasi niya sa Pilipinas si Lee.
Aniya, “UL*L!!!! Pinapalayas ko nga diba? tanga?”

Gumugulong pa rin ngayon ang imbestigasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa inihain ni Pokwang na deportation complaint at cancellation of visa laban kay Lee noong June 13, 2023.
Read: Pokwang files deportation complaint, visa cancellation vs ex-partner Lee O’Brian
Umaasa naman si Lee na maging patas ang BI sa pagdinig ng reklamo ni Pokwang.
Read: Lee O’Brian files counter-affidavit in deportation complaint by Pokwang
