Dahil lubos na pinagpala, marunong mag-share ng blessing si Alden Richards.
Sa katunayan, may foundation siya, ang AR Foundation scholarship program, na magdadalawang taon nang sumusuporta sa mga estudyanteng may kaalaman pero walang sapat na pamamaraang pinansiyal para makapag-aral.
Masayang pagbabahagi ni Alden, “We already have twenty-seven scholars at the moment, and I think we already have three graduates po and then by the end of the year, I think additional three more, tatlo pa po ulit na ga-graduate this year ng college.”
Read:
The ladies linked to Alden Richards
Alden Richards-Winwyn Marquez rumored romance noong 2019, napatunayang totoo pala
Alden Richards finally reveals what happened between him and Julie Anne San Jose
Naikuwento ito ni Alden nitong July 21, 2023, sa online mediacon para sa month-long stint niya bilang bida sa apat na bagong episodes ng Magpakailanman o #MPK.
Gumanap at gaganap si Alden sa apat na iba-ibang klase ng karakter para sa Alden August ng #MPK na nagsimula ang unang episode noong August 5.
Aniya, “Challenging po siya sa akin and at the same time gusto ko ring masubukan kung hanggang saan ko ba kayang panindigan itong pagiging aktor ko pagdating po sa mga iba-ibang character na gagampanan ko.
“And I think this is the opportunity. Gusto ko na po kasi lately tsina-challenge yung sarili ko pagdating sa mga ganyan para hindi laging kumportable.
“Ayoko po ng nare-relax when it comes to acting kasi that’s the death of an actor, when you just want to get roles na kumportable ka.
“So I want something different, ‘Sige sino po yan? Game!’
“And ang ipinagpasalamat ko po is I was given the opportunity to choose roles, ng stories po, for this month-long special and pinili ko po yung mahihirap talaga.
“Para of course, since this is the first gusto natin na maging maganda ang impact nito siyempre sa makakapanood po.”
Sa Sabado ay mapapanood ang pangatlo sa apat na MPK episodes ni Alden at ito ay ang “The Lost Boy” (sa direksyon ni Irene Villamor) kung saan gaganap si Alden bilang si Allan, isang lalaking napilitang sumapi sa isang grupo ng mga kriminal para mailigtas ang buhay ng kanyang magulang.
At ang pang-apat naman na ipapalabas sa August 26 ay may pamagat na “Sa Puso’t Isipan: The Andrew Cantillana Story” sa direksyon naman ni Gina Alajar.
Ang month-long special ng Magpakailanman ay napapanoood tuwing Sabado, 8:15 ng gabi sa GMA.
Naka-livestream din ito nang sabay sa official YouTube channel at website ng GMA Network.
Read:
Alden Richards asked how rich he is: “I am perfectly contented with money.”
Alden Richards' new gaming rig costs nearly half a million
Alden Richards admits he once let success go to his
ACTING, GAMING, AND PRAYING
Samantala, para kay Alden, ang acting o pag-arte sa harap ng kamera “is an escape” mula sa mga stress ng buhay.
Bakit niya ito nasabi? Ano ba ang mga stress ni Alden sa kanyang buhay?
“Minsan kasi, of course tayo tao lang, dun nga po pumapasok yung, ‘Tao lang tayo’ kahit gaano mo katagal i-shield yung sarili mo dito sa mga bagay na ‘to na present sa paligid.
"You know, mga tao sa paligid mo na hindi ka gusto, who create false news about you, na ayaw mong mag-react… I never really react to these people because I know myself.
"I know the truth and I don’t really have to explain myself every now and then pag nagkakaroon po ng issues.
“Of course, may family problems as well, andiyan din po yan and then yung different kinds of pressure.
“So dumadating po talaga sa point na nahahabol niya po ako nang sabay-sabay.
“And with acting, kahit papaano every now and then, acting and gaming, natatakasan ko po sila.
“And then after a while, kasi minsan kapag nalulunod tayo sa problema hindi natin naiisip yung solusyon dun dahil masyadong malaki yung problema para makapag-isip tayo nang tama.
“So with the things that I love to do, which are acting and gaming, at least nagkakaroon ako ng time off.
"Nae-eject ko yung sarili ko dun then nakakapag-isip ako ng mga solusyon.
“Kasi, of course, andiyan ang prayers para tulungan tayo pero minsan po kasi may mga problema na hindi kayang ma-solve ng kahit sino sa paligid mo other than yourself.
“Ikaw ang tutulong, ikaw ang magso-solve. So yun po yung mga life lessons ko po na natutunan dito sa industriya at sa pagtatrabaho ko po sa showbiz.”
