Kinagiliwan ng netizens ang Instagram post ni Pokwang tungkol sa banana bread kahapon, August 23, 2023.
Makikita sa banana bread na alsang-alsa ito ngunit nagkaroon ng hiwa sa gitna na sa green-minded persons ay kakaiba ang hitsura.
Caption ni Pokwang, “ayoko na wala na akong gana! gusto ko lang naman ng banana bread!!! parang iba ito? bat ganon? #Notmyphoto #credittoowner”
View this post on Instagram
Tawang-tawa naman ang ilang celebrities dito gaya nina Vina Morales, Rico Robles, at Gisselle Sanchez.

Suhestiyon naman ng isang follower ni Pokwang, ipadala ng comedienne ang banana bread sa kanyang ex-partner na si Lee O’Brian.
Aniya, “[laughing emoji] ipadala mo kay Lee! Joke hahaha”
Nagpahiwatig si Pokwang na meron nang bagong karelasyon si Lee kaya hindi na kailangan.
Sagot ni Pokwang, “wag na meron na sya nyan bago! ganyan na ganyan hahahahaaa”

Sabi ng isa pa, "ISupalpal na sa mukha ng kabit yan idamay mna rin makapal na mukha ni kano!"
Tawa lang ang sagot ni Pokwang.

Saad naman ng isa, sigurado siyang “fresh” ang pagkababae ng Kapuso host-comedienne.
Tugon ng TikToclock host, kahit daw nanganak na siya, sigurado siyang hindi pa siya laspag.
May isang anak si Pokwang kay Lee, si Malia O’Brian.
Aniya, “may anak ako pero di laspag bwahahahahahaa CS ako!!”

Komento ng isa pang netizen, "I think Lee send to you [laughing emoji] hey this is what I got now"
Tawa lamang ang isinagot ni Pokwang dito.

Samantala, sa panayam kay Pokwang sa Dapat Alam Mo! na umere sa GTV noong August 9, 2023, inamin niyang hindi pa talaga siya tuwirang nakaka-move on sa hiwalayan nila ni Lee.
Paliwanag niya, “Hindi ganun kadali. Kapag wala na siya sa Pilipinas, yan ang super move on ko na talaga.
“Sa ngayon, hindi pa. Ayokong i-share ang hangin ng Pilipinas sa kanya, hindi niya deserve.”
Read: Pokwang admits she hasn't moved on from ex Lee O’Brian: “Kapag wala na siya sa Pilipinas.”
Sa ngayon, patuloy pa ring gumugulong ang imbestigasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa inihain ni Pokwang na deportation complaint at cancellation of visa laban kay Lee noong June 13, 2023.
Read: Pokwang files deportation complaint, visa cancellation vs ex-partner Lee O’Brian
Umaasa naman si Lee na maging patas ang BI sa pagdinig ng reklamo ni Pokwang.
Read: Lee O’Brian files counter-affidavit in deportation complaint by Pokwang
