PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tessie Tomas on 'Dirty Linen' rape scene inspiration

"He actually left me. I tried to recall that, no matter how painful it was."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 24, 2023
Tessie Tomas on Dirty Linen
Veteran actress Tessie Tomas may be portraying the most hated character in the Kapamilya prime-time series 'Dirty Linen' as Doña Cielo Fiero, but in her most raw moment onscreen, she recalls her own heartbreak in real life.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Aminado ang veteran actress na si Tessie Tomas na very challenging ang karakter na ginagampanan niya sa ABS-CBN primetime series na Dirty Linen bilang Doña Cielo Fiero.

Kahit na siya’y batikan na sa larangan ng pag-arte, may pagkakataon pa rin daw na minsan ay nahihirapan siyang ibigay ang emosyon na dapat niyang ipakita sa isang eksena.

Read: Kilalanin ang Dirty Linen cast: sinu-sino ang may itinatagong sikreto?

Sa mga pagkakataon daw na ito, epektibo kay Tessie na i-relate ang eksena sa totoong pangyayari sa kanyang buhay.

Katulad na lamang ang isang scene niya sa Dirty Linen na nagpa-challenge nang todo sa kanya.

Kuwento ni Tessie sa ginanap na finale mediacon ng Dirty Linen noong August 16, 2023, may isang eksena siyang hindi makakalimutan dahil nagpabalik ito sa kanyang nakaraan.

Ang eksenang kanyang tinutukoy ay nang malaman niya ang taong gumahasa sa kanya ilang dekada na ang nakakaraan—ay si Alejandro (Soliman Cruz).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Tessie, “Meron isang eksenang parang ewan. Hindi yata ako nakapag-lunch noon.

“Sabi niya [director] kasi doon sa eksena namin ni Alejandro [Soliman], ‘Tita, I just want you to feel ganito-ganyan.’

“Parang ang sinabi niya, 'Ni-rape ka rito. Ni-rape ka, against you yan. I want to see that. I want to see your pain, your anger.'

“Parang mga five to 10 emotions all at the same time. Hindi ko na matandaan kung ano.”

Read: Dirty Linen "changing the landscape" of teleseryes

Nahirapan daw si Tessie na pangatawanan ang eksenang ito dahil in real life ay hindi naman niya ito naranasan.

Saad niya, “E, hindi ako na-rape sa buhay ko. So, parang hindi ko maisip kung saan ko huhugutin.

“'Tsaka dito, remember you only have 10 minutes to prepare because marami pang eksenang gagawin.

“Minsan, kapag hindi ka pa ready, gumaganun-ganon ang kamay ng mga tao or may nagdadaldalan, nagdadaldalan ang crew na ayokong-ayoko.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

crunch time on the set

Isang bagay daw ang naisip noon ni Tessie—ang gamitin ang malungkot at mapait niyang karanasan nang iwan siya ng dati niyang asawa na si Bert Tomas.

Si Bert ang ama rin ng unico hijo niyang si Robin.

Nagkahiwalay sina Tessie at Bert noong 1979 matapos ang mahigit pitong taon nilang pagsasama.

Pagpapatuloy niya, “Anyway, sabi ko, ‘Direk, actor’s cue, actor’s cue.’

“Ang in-imagine ko na lang, puwede ko namang sabihin ito kahit buhay pa siya, iba yung hugot ko doon sa ex ko.

“Pinipigil ko ang luha ko ngayon pero iyon ang isa sa pinakamasakit.

“Naramdaman ko, ginamit ko siya. Wala naman akong ikinakahiya.

“Alam naman lahat ng tao yun, e. Saka friends naman kami ngayon.

“Parang ginanun ko na lang. Parang I think I am sharing this technique, baka sakali magamit ng ibang actors.

“Kasi kapag ano, nagmamadali ang mga tao you could feel the pressure and you have to perform that particular obligation given to me by my director. So, sabi ko, papaano nga ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tessie Tomas's mother Laura Hermosa dies at 92

TESSIE'S SEPARATION FROM HUSBAND

Dito na raw nanariwa sa ala-ala ni Tessie kung paano nagpaalam sa kanya ang dati niyang asawa na iiwan na siya nito.

Aniya, “Parang sabi niya, ‘Iiwan na kita kasi meron na akong ibang pupuntahan. Pero babalik din ako.’

"'Ah, talaga, ha? P.I. na P.I. ka,' sabi ko talaga.

“Wala ka nang babalikan dito. Hinulog ko siya sa hagdan. Pero hindi nahulog. Ang taas niya e."

Kahit na masakit at mistulang bangungot ang kanyang karanasan, nakatulong daw ito sa beteranang aktres para maipakita at lumabas ang emosyong dapat niyang maramdaman.

Sabi niya, “I mean, he actually left me. I tried to recall that, no matter how painful it was.

“Sabi ko, masahol pa siya sa rape. Gagamitin ko ito. Iyon ang ginamit ko.”

Samantala, sa kasalukuyan ay may iba nang kinakasama si Tessie.

Taong 1994 nang ikasal siya sa British marine biologist na si Roger Pullin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Tessie Tomas may be portraying the most hated character in the Kapamilya prime-time series 'Dirty Linen' as Doña Cielo Fiero, but in her most raw moment onscreen, she recalls her own heartbreak in real life.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results