PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryan Bang reveals relationship status: “May girlfriend na ako.”

Ryan: "Ang tagal kong naging single tapos ngayon may girlfriend na ako."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 31, 2023
Ryan Bang reveals relationship status
Ryan Bang on his relationship status: “Gusto kong sabihin sa aking 'Showtime' family... may girlfriend na ako. Sobra kong saya kasi ang tagal kong naging single tapos ngayon may girlfriend na ako."
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Proud at masayang inanunsiyo ni Ryan Bang na “in a relationship” na siya matapos ang ilang taon niyang pagiging single.

Naganap ang rebelasyon ni Ryan sa live episode ng It’s Showtime, kung saan co-host siya, nitong August 29, 2023.

Pagmamalaki niya, “Gusto kong sabihin sa aking [It’s] Showtime family, sa harap ninyo, Mommy, Daddy, kay kuya ko, ate ko, Tyang, may girlfriend na ako.”

Nagtalunan at agad siyang niyakap ng kanyang co-hosts na sina Vice Ganda, Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Amy Perez, Jugs Julueta, Teddy Corpuz, Ion Perez, Jackie Gonzaga, MC Muah, Lassy Marquez, at Cianne Dominguez, na indikasyon ng kanilang kasiyahan para kay Ryan.

Ryan Bang reveals relationship status

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ryan Bang, aminadong crush si Kim Chiu pero di daw niya liligawan

Maging ang nanay-nanayan ni Ryan na si Vice ay hindi naitago ang tuwa.

Ibinuking pa nitong naiyak pa ang South Korean TV host-comedian nang ibalita sa kanya ang tungkol sa bago niyang natagpuang pag-ibig.

Ani Vice, “Ang saya-saya. Alam mo kahapon, ang sama-sama ng pakiramdam ko tapos nag-text siya sa akin, ang saya-saya niya.

“Sabi niya, ‘Mommy, ikaw una kong sasabihan.’ Tapos tinawagan ko siya, umiiyak siya.”

Read: Ryan Bang on “Magpasikat” win: “Akalain niyo champion ako?!”

Sagot naman ni Ryan sa kanya, “Siyempre, gusto ko ikaw unang makakaalam, Mommy.”

Kasunod nito, nagpasalamat si Ryan sa kanyang It’s Showtime family sa suporta at words of encouragement na ibinigay ng mga ito.

"Sobra kong saya kasi ang tagal kong naging single tapos ngayon may girlfriend na ako.

"Thank you so much sa support niyo sa pag-ibig ko,” saad ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda shows close bond with It's Showtime kids amid MTRCB issue: "I am their Meme!"

Hirit naman ni Amy, “August 28 ang anniversary niyo.”

Agad naman itong sinundan ni Vice.

Sabi niya, “Madlang people, si Ryan Bang may dyowa na. Ang tanong, ikaw kaya, when?”

Dagdag pa niya, “Alam mo ipagdarasal natin, na iyang pag-ibig na yan maging pag-ibig habambuhay.

“Hanggang sa kung anumang edad meron kayo, maging one hundred fifty [150] years old man kayo, magkasama pa rin kayo.”

Ang OPM singer na si Yeng Constantino ang huling napabalitang niligawan ni Ryan.

Read: Yeng Constantino, Ryan Bang put closure to their "love story"

Ngunit naudlot ang kanila sanang "getting-to-know-each other" stage nang bigla na lamang huminto si Ryan na suyuin si Yeng sa pag-aakalang ayaw siya ng singer sa kanya.

Read: Yeng Constantino reveals how husband Yan reacted to her closure with Ryan Bang

RYAN WANTS TO STAY IN THE PH WITH HIS FUTURE WIFE

Sa panayam ni Ryan ng Fast Talk with Boy Abunda noong August 8, nabanggit niya ang loyalty at pagmamahal niya sa Pilipinas kahit siya'y taga-South Korea.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagsimula ang showbiz career ni Ryan sa Pilipinas nang maging official housemate siya sa reality show ng Kapamilya Network na Pinoy Big Brother (PBB), noong 2010, kung saan itinanghal siya bilang second big placer.

Read: Ryan Bang declines acting, hosting offers from Korean label SM Entertainment

Ayon kay Ryan, sa Pilipinas na rin niya balak manirahan habambuhay kasama ang kanyang magiging asawa at pamilya.

Sabi niya, “Dito ako lumaki, dito ako mamamatay. Habambuhay ako dito kasi mahal na mahal ko ang Pilipinas.

"Yung ugali ko, Pilipino. Gusto kong bumawi sa pagmamahal nila sa akin.

“Nakaipon na ako, Tito Boy. Bata pa lang, sinabi mo sa akin, ‘Ryan, mag-ipon ka.’

“Ngayon, nakaipon na ako, Tito Boy. I wanna live my life forever here in the Philippines with my forever Filipina.”

Read: Ryan Bang, hindi na-meet ang expectation sa unang tapak niya sa GMA-7?

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang nababanggit si Ryan tungkol sa pagkakakilanlan ng kanyang kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryan Bang on his relationship status: “Gusto kong sabihin sa aking 'Showtime' family... may girlfriend na ako. Sobra kong saya kasi ang tagal kong naging single tapos ngayon may girlfriend na ako."
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results