PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Talent Manager Talks Sharon Cuneta & KC Rift

"A mother will never knowingly put any of her children in a bad light."
Text: Erwin Santiago Text: Rachelle Siazon
Published Sep 1, 2023
sharon cuneta daughter kc concepcion
A veteran talent manager close to Sharon Cuneta (left) and her family gives a statement to address the current issue between the Megastar and eldest daughter KC Concepcion (right): "Sharon is a mother first and last. Before she is a public figure, before her obligations to the most loyal of her followers, before any of her many roles in life — she is the mother of her children."
PHOTO/S: @kristinaconcepcion on Instagram

Kumpirmadong may panibagong sigalot sa pagitan ni Sharon Cuneta, 57, at ng panganay na anak na si KC Concepcion, 38.

Sa pagkakataong ito ay dawit din ang stepfather ni KC na si former Senator Francis "Kiko" Pangilinan, ang asawa ni Sharon, at ang half-sister ni KC na si Frankie o "Kakie," ang panganay nina Kiko at Sharon.

Ang ama ni KC ay si Gabby Concepcion, ang unang asawa ng kinikilalang Megastar sa local entertainment industry.

Kinumpirma naman ni KC sa isang panayam na in-unfollow niya sa Instagram sina Kiko at Frankie ngunit hindi nito tinukoy ang tunay na dahilan.

Read: KC Concepcion confirms unfollowing stepdad Kiko Pangilinan, half-sister Frankie: “I just want peace of mind, I want to be happy.”

Ngayong araw, kaugnay ng kusot sa mag-ina ay may ipinaabot na eksklusibong pahayag kay PEP.ph Editor-In-Chief Jo-Ann Maglipon ang isang talent manager na sa mahabang panahon ay nakilalang malapit kay Sharon at sa pamilya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw muna ng veteran talent manager na hindi ito nagsasalita sa ngalan ni Sharon, ngunit alam daw niya ang tunay na kuwento ng sigalot at, bago pa man daw dumami ang mga haka-haka, minarapat nitong magsalita.

Matipid kung tutuusin ang ipinamahagi ng talent manager, ngunit tinutuldukan nito ang mga espekulasyong peke ang sigalot at publicity lamang para sa hiwalay na upcoming projects ng mag-ina.

"This is a family matter," pagsusuma ng talent manager para sa Philippine Entertainment Portal, na nakapaglabas na ng panig ni KC base sa interbyu nito kay YouTube host Ogie Diaz.

Pagpapatuloy ng talent manager, dahil ito ay "family matter" reresolbahin daw ito ng mga Pangilinan bilang isang pamilya, hindi sa harap ng publiko at ng media, at sa panahong inaakala nilang tama.

Binigyang-diin din ng talent manager na si Sharon ay isang "mother first and last."

Higit daw sa pagiging public figure ni Sharon, higit sa obligasyon nito sa mga masugid at matagal nang mga tagahanga, at higit sa anupamang roles nitong ginagampanan sa buhay—si Sharon ay ina ng kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May apat na anak si Sharon: si KC, ang tanging anak sa kanyang first marriage; at sina Frankie, Miel, at Miguel, ang mga anak ng Megastar sa second marriage.

Sabi ng talent manager tungkol sa pagiging ina ni Sharon: "No situation, no challenge, and no provocation will change that. A mother will never knowingly put any of her children in a bad light."

Umaasa rin ang talent manager na hayaan sana ng entertainment press sina Sharon at KC na mag-promote ng kani-kaniyang mga bagong proyekto "with grace."

Si KC ay kasalukuyang nagpu-promote ng kanyang international movie na Asian Persuasion.

Read: KC Concepcion appeals to fans for financial help for Asian Persuasion’s post-production expenses

Si Sharon naman ay magkakaroon ng concert kasama ang ama ni KC na si Gabby, ang Dear Heart, na gaganapin sa SM MOA Arena sa October 27, 2023.

Read: KC Concepion hopes mom Sharon and dad Gabby will be friends after their concert: “Pag-pray natin.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod dito, mapapanood din si Sharon sa 2023 Metro Manila Film Festival entry na A Mother And Son's Story, kasama si Alden Richards.

Read: Sharon Cuneta at Alden Richards, nag-workshop para sa una nilang pelikula together

Sa huli, sinabi ng talent manager na, katulad ni Sharon, nirerespeto at sinusubukang intindihin ni Kiko at ng mga kapatid ni KC ang pinagdaraanan ni KC sa panahong ito.

WHAT TRIGGERED the KC vs. FAMILY fight?

Hindi malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng hindi pagkakaunawaan sa kasalukuyan ng mag-ina.

May pahaging lamang ang veteran talent manager sa PEP.ph editor-in-chief na hindi ito bagong kuwento at hindi niya ikinagulat pa.

Matagal na raw ang history ng tampuhan ng mag-ina, na kalimitan umano'y nagsisimula sa paghihimutok ni KC at nagtatapos sa pagbibigay-daan ni Sharon.

Sa panibagong kabanata ng sigalot, lumalabas na noong Agosto 24, mismong araw ng kaarawan ni Kiko, may mga mapanuring netizens ang nakapansing nag-unfollow si KC kay Kiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Usap-usapan—ngunit hindi kumpirmado ng PEP.ph—na may kinalaman ito sa napapabalitang relasyon ni KC sa negosyanteng si Mike Wuetrich.

KC Concepcion unfollows stepdad Kiko Pangilinan

Read: Did KC Concepcion unfollow stepdad Kiko Pangilinan, half-sister Frankie on Instagram?

Base sa nakalap ng PEP.ph mula sa dalawang sources, hindi lubusang tanggap nina Sharon, Kiko, at Frankie ang relasyon ni KC sa Filipino-Swiss boyfriend nito. Ngunit tila kailangan pang palamnan ang anggulong ito bago mapaniwalaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: KC Concepcion’s boyfriend Mike Wuethrich goes public with their relationship

Ganunpaman, ito umano ang dahilan kaya in-unfollow ni KC sina Kiko at Frankie sa Instagram.

Sa kabilang banda, walang nababanggit sina Sharon at Kiko sa usaping love life ni KC sa anumang social media.

Agosto 29 nang magsalita si KC tungkol sa pag-unfollow niya sa kanyang stepdad at half-sister.

Sinabi lamang ni KC na ginawa niya iyon para sa kanyang "peace of mind."

Aminado naman si KC na hindi siya perpekto at may pagkukulang din bilang anak.

Pero diin din ni KC, buong buhay niya ay sinunod niya ang gusto ng kanyang pamilya para sa kanya.

Sa huli, nanindigan si KC na siya ay nasa tamang edad na upang mag-set ng boundaries para sa sarili at unahin ang kanyang "mental health" at umiwas sa "drama."

FULL STATEMENT of talent manager on sharon-kc issue

Narito ang kabuuang pahayag ng long-time talent manager na ipinadala niya sa PEP.ph ngayong Biyernes ng umaga, September 1, 2023:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This is a family matter. It will be resolved within the family, and not before the public and not in the media, in due time.

"Sharon is a mother first and last. Before she is a public figure, before her obligations to the most loyal of her followers, before any of her many roles in life — she is the mother of her children.

"No situation, no challenge, and no provocation will change that. A mother will never knowingly put any of her children in a bad light.

"During this time, we hope her friends in the press allow both Sharon and daughter KC to promote their current projects in this light, with grace.

"Kiko and KC's siblings are there, like Sharon, as family. They are respecting KC's feelings and trying to understand."

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A veteran talent manager close to Sharon Cuneta (left) and her family gives a statement to address the current issue between the Megastar and eldest daughter KC Concepcion (right): "Sharon is a mother first and last. Before she is a public figure, before her obligations to the most loyal of her followers, before any of her many roles in life — she is the mother of her children."
PHOTO/S: @kristinaconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results