Naglabas ng pahayag ang ABS-CBN tungkol sa ipinataw na 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) laban sa Kapamilya noontime show na It's Showtime ngayong araw, September 4, 2023.
Read: MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days
Ayon sa pahayag, magpapasa sila ng Motion for Reconsideration sa ahensya dahil naninindigan silang walang nilabag na batas ang noontime show.
Nangako naman silang makikipagtulungan sa MTRCB para patuloy na makapaghatid ang palabas ng saya at ligaya sa noontime viewers.
Nagpasalamat din sila sa “Madlang People” sa suporta ng mga ito sa It's Showtime.
Narito ang buong pahayag ng ABS-CBN:
"We have received the ruling from the MTRCB, indicating that It's Showtime will be suspended for a duration of 12 days from finality of the decision.
"We will submit a Motion for Reconsideration as we humbly maintain that there was no violation of pertinent law.
"We are also committed to working with the MTRCB to ensure that It's Showtime can continue to bring joy and entertainment to our noontime viewers.
"We are truly grateful to the Madlang People for their unwavering love and support for It's Showtime."

VICE GANDA CRYPTIC POST
Samantala, isang cryptic post ang ibinahagi ni Vice Ganda sa X (formerly Twitter) matapos isapubliko ng MTRCB ang suspension ng It's Showtime.
Twelve-day suspension ang ipinataw ng ahensiya sa noontime show na kinabibilangan niya.
Ibinahagi ni Vice sa X ang kasabihan mula sa theoretical physicist na si Albert Einstein na, “In the middle of every difficulty lies opportunity.”
Caption lang niya dito ay star emoji.
Wala mang direktang tinukoy kung para saan ito at kung ano ang pinatutungkulan ni Vice, nagpaabot ng suporta ang maraming netizens sa kanya at sa show.


Ang ipinataw na suspension ng MTRCB ay hindi lamang umano sa “icing incident” sa “Isip Bata” segment ng It’s Showtime, kung saan may hindi umanong akmang nagawa sina Vice at partner nitong si Ion Perez, kundi dahil sa maraming reklamong naidulog sa ahensiya tungkol sa noontime show.
Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment
NETIZENS CRITICIZE LALA SOTTO
Trending topics sa X ang “MTRCB”, “It’s Showtime”, at “Lala Sotto” ngayong gabi matapos lumabas sa balita ang parusang ipinataw ng MTRCB sa ABS-CBN noontime show.

Hindi nakaligtas sa batikos ang tagapamuno ng MTRCB na si Lala Sotto-Antonio, anak ni dating Senate President Tito Sotto na isa sa mga host ng TV5 noontime show na E.A.T.
Direktang kalaban sa ere ng E.A.T. ang It’s Showtime.
Read: MTRCB Chairperson Lala Sotto, pinupuntirya ng netizens dahil sa suspension ng 'It's Showtime'
Ipinaalala ng netizens kay Lala ang pagmumura ni Wally Bayola sa live episode ng E.A.T. noong nakaraang August 11, 2023.
Read: MTRCB summons 'E.A.T.' for violation following Wally Bayola’s swearing in "Sugod Bahay"
Pati na ang pagpupog ng halik ni Tito sa asawa nitong si Helen Gamboa sa National Dabarkads Day celebration ng kanilang programa sa TV5 noong July 29, 2023.
Wala pang pahayag si Lala tungkol dito.
