Diretsahang sinabihan ng dating senador na si Juan Ponce Enrile ang TV host-comedian na si Vice Ganda na "bastos."
Laman ng diskusyon ng programang Dito sa Bayan ni Juan ng SMNI News Channel noong Sabado, September 9, 2023, ang latest development sa ipinataw na 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Read: MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days
Tinawag ni Enrile na “salacious” o mahalay ang ginawa ni Vice at ang partner nitong si Ion Perez sa “Isip Bata” segment ng It's Showtime noong July 25, 2023.
Ayon sa 99-year-old politician, na in-apppoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang chief presidential legal counsel, hindi kaaya-aya ang naging aksiyon ng dalawa dahil nasa noontime slot ang kanilang programa at may kasama silang mga bata habang ginawa nila ang "cake icing incident."
Ang nasabing insidente ang isa sa naging basehan ng MTRCB sa unanimous decision nilang patawan ng suspension ng It's Showtime.
Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment
Saad ni Enrile, “Ang problema dito sa bansa natin, kung meron kang power—political, social, economic or whatever—halos hindi mo na iniisip yung kapwa.
“Sarili mo na lang ang iniisip mo. Akala mo maganda ang ginagawa mo, pero bastos ka, super bastos kang tao!”
Sa naging takbo ng kanilang usapan, nasabi ni Enrile na napanood na niya si Vice at minsan daw ay hindi maganda ang istilo ng pagpapatawa nito.
Batikos ng beteranong pulitiko sa komedyante, “Hindi lang walang decency kundi abusado. Alam ko na mapagpatawa yang binabanggit mo na babae [Vice] magmula pa ng araw, ganyan na yan…"
Pagtatapos pa ni Enrile, “You’re earning your living and popularity sa kabastusan.”
Sa loob ng halos anim na dekada ay humawak ng iba't ibang kapangyarihan sa gobyerno — mula sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. hanggang sa administrasyon ng anak nitong si Marcos Jr.
Kabilang sa mga naging posisyon ni Enrile sa gobyerno ay Commissioner of Bureau of Customs (1966-1968), Acting Secretary of Finance (1966-1968), Secretary of Justice (1969-1970), Minister of National Defense (1970-1986), Assemblyman (1978-1986), Cagayan Representative (1992-1995), Senator (1987-1992, 1995-2001, 2004-2016), at kasalukuyang Chief Presidential Legal Counsel.
Nang ideklara ni Marcos Sr. ang martial law, kung saan sinikil ang karapatan ng mga mamamayan, ay si Enrile ang nasa puwesto bilang National Defense minister.
Wala pang reaksiyon si Vice ukol sa naging pahayag ni Enrile.
Samantala, sinabing kampo ng ABS-CBN na aapela sila sa MTRCB kaugnay sa 12-day supension na ipinataw sa It's Showtime.
Mariin namang itinanggi ni MTRCB Chairperson na si Lala Sotto na pinag-iinitan nila ang It's Showtime.
Read: Lala Sotto denies MTRCB targetting ‘It’s Showtime’: “No, that is not true.”
Related Stories:
- Vice Ganda, pasabog ang entrance sa 'It's Showtime' sa gitna ng 12-day suspension mula sa MTRCB
- Vice Ganda on “Wala Akong Pake” music background: “Very timely.”
- MTRCB, wala pang natatanggap na pormal na reklamo laban sa 'E.A.T.'
- MTRCB Chair Lala Sotto on parents Tito Sotto, Helen Gamboa's kiss on 'E.A.T.': “Wala po silang nilabag.”
- MTRCB Chair Lala Sotto affirms decision that 'It's Showtime' committed a violation: "Magalit na kung sino man ang magagalit."
- What PEP.ph thinks of It's Showtime being slapped with a violation by MTRCB; what about E.A.T?
- Netizens, kinalampag ang MTRCB sa pagmumura ni Wally Bayola sa 'E.A.T.'
- ABS-CBN to submit motion for reconsideration following 'It's Showtime' suspension
