PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Diaz denies lying about Liza Soberano

Ogie to Liza: "Nandito lang ako, kapag kailangan mo ako..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 15, 2023
Ogie Diaz responds to Liza Soberano statement
Ogie Diaz (left) on former talent, actress Liza Soberano (right): "Kung kinukuwestiyon mo yung pagtawag ko sa yo na 'anak,' basta para sa akin, ikaw ang panganay kong anak. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako, kapag kailangan mo ako."
PHOTO/S: Ogie Diaz Instagram/GMA-7 YouTube

Mariing itinanggi ni Ogie Diaz ang akusasyon ng kanyang former talent na si Liza Soberano na binabahiran niya ang pangalan ng aktres sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kuwento.

Sa pangalawang bahagi ng panayam ni Liza sa Fast Talk with Boy Abunda, kinontra niya ang pahayag umano ni Ogie na hindi na ito kumukolekta ng komisyon sa aktres nitong nakalipas na dalawang taon.

Tanong ng Kapuso host na si Boy Abunda kay Liza: “Nabasa ko rin na in the last two years, correct me if I’m wrong, na hindi na kumukolekta ng komisyon si Tito Ogie mo. Is that right? Is that wrong?”

Umiling si Liza at mahinang sinabi, “It’s not right. That’s incorrect.

“It actually hurts me that he’s making up those lies about me...

“I feel like he’s trying to make it seem like I wasn’t profitable in the past two years that we were working together when he knows the truth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He knows my pains. He knows the things that I felt were... the things that were mishandled and stuff like that.

“It’s kinda unfair... I feel like he’s trying to tarnish my name. And he knows.”

Read: Ogie Diaz on alleged 40 percent cut from Liza Soberano's talent fee: “How I wish!”

Hindi rin daw alam ni Liza kung saan nanggagaling ang pahayag na ito ni Ogie dahil hanggang ngayon ay tumatanggap pa rin umano ito ng komisyon galing sa kanya.

Ani Liza, "I don't wanna bring this up but he still gets commissions from some of the endorsements of mine that still fell under the time that I was under the contract with him, even though he has no more obligations.

"We told him that he has no more obligations towards me in those endorsements.

"Literally last month we gave him a paycheck for the endorsement that was renewed before our contract ended.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit na wala na po siyang ginagawa for that, we gave him commission. Because that was right. I wouldn't breach my contract."

OGIE DIAZ ANSWERS LIZA SOBERANO'S STATEMENT

Sa pamamagitan ng vlog niya sa YouTube, kasama sina Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Tita Jegs, nitong Miyerkules March 15, 2023, sinagot Ogie ang akusasyon laban sa kanya ng dating alaga.

Ayon kay Ogie, wala siyang natatandaang sinabi niyang hindi na siya nakakakuha ng komisyon galing kay Liza.

Paglilinaw niya: "Unang-una, tinanong yan ni Kuya Boy, sabi ni Kuya Boy, 'Nabasa ko, puwede ko bang itanong na nabasa ko na hindi na tumatanggap ng komisyon ang Tito Ogie mo?'

"Wala ho akong sinasabi na hindi ako tumatanggap ng komisyon.

"Ang sinasabi ko po ay hindi na tumatanggap si Liza ng mga projects dahil nga papunta na siya doon sa ibang direksiyon.

"Naghihintay na lamang siya na matapos ang kontrata. Magkaiba po iyong hindi tumatanggap ng komisyon sa hindi na tumatanggap ng projects si Liza coming from me.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang tinatanggap na lang po namin, ako mismo ay yung mga existing contracts na bago mag-expire, e, nakapirma pa ako doon sa contract, e, naabutan ng expiration pero tumatanggap pa rin kami."

Diin ni Ogie: "Wala akong sinasabi na hindi ako tumatanggap ng komisyon.

"Yun naman ang malinaw, kasi nga doon ako nanggagaling sa, 'Anak, gawin mo na lang yung It's Okay Not To Be Okay, kahit wala na ako diyan. Gusto ko lang makita kayo ng LizQuen na maging active ulit."

Ang "LizQuen" ay ang tawag sa tambalan ni Liza at ng ka-love team at nobyo nitong si Enrique Gil.

Hindi raw alam ni Ogie kung paano nasabi ni Liza na gumagawa siya ng kasinungalingan para masira ang reputasyon nito.

Saad ni Ogie, "Ayun pa yung isa na sinasabi na I am making up lies. Anong lies? Wala akong lies."

Read: Liza Soberano admits being hurt by Ogie Diaz "making up those lies about me"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na agad namang sinegundahan ni Mama Loi, "Ang harsh nung pagkakasabi nun. Ang sakit nun, tagos sa puso yon noong sinabi niya na, 'I don't know why he is making up lies.'"

Pagkontra ni Ogie: "Hindi tumagos sa puso ko, Loi, sorry. Kasi alam ko kung ano yung sinasabi ko.

"Panoorin sana ng kampo ni Liza Soberano yung mga nakaraang videos ko. Hindi ko siya siniraan, hindi rin ako nagsabi na ungrateful ka.

"Ang sinabi ko lang ay huwag tayong makakalimot, ayun ang ipinapaalala ko. Huwag tayong magsusunog ng tulay, so be grateful.

"Iba yung be grateful sa wala kang utang na loob."

OGIE DIAZ SPEAKS UP ON COMMISSION ISSUE

Pinabulaan din ni Ogie ang pahayag ni Liza na halos thirty (30) percent na lang ang nakukuha niya sa kanyang kinikita sa dami ng co-managers na humahawak sa kanyang career.

Sabi ni Liza sa panayam niya sa Fast Talk: "I started with him [Ogie] at 12 [years old] and then up until I was... I believe 2015 or 2016, which was I was 17, 30 percent po yung commission niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"My Tita Joni was taking 20 percent, and Star Magic was taking 10 percent."

Ang "Tita Joni" na tinutukoy ni Liza ay ang tiyahin niya na tumatayo ring road manager at personal assistant ng aktres.

Dagdag pa raw rito ang hiwalay na tax na binabayaran ni Liza bilang U.S. citizen, kaya naman umaabot na lang sa 30 percent ang nakukuha niya.

Bahagi ng pahayag ni Liza: "My Tita Joni started feeling bad for me for that situation, so nag-usap po sila ni Tito Ogie na bawasan na lang yung commissions nila for me.

"Because they felt, like, I deserved more since I was putting in a lot of work.

"So, eventually naging 20 percent na lang si Tito Ogie, at si Tita Joni naging 15 percent...

"And Star Magic was still at 10 percent."

Read: Ogie Diaz reacts to Liza Soberano’s interview with Boy Abunda: “Sorry anak if in anyway na-offend kita...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin din ni Liza, noong una ay napagdesisyunan nila ng kanyang Tita Joni na bawasan ang komisyong nakukuha ni Ogie dahil hindi raw ito sumasama sa mga shooting at endorsement shoot niya.

Ang pahayag na ito ni Liza ay hindi nagtutugma sa pahayag ngayon ni Ogie.

Ayon kay Ogie, "Noong dumating po sa buhay ko si Liza Soberano, totoo naman na sinabi ko noon pa 30 percent po ako.

"Kontrata, buildup contract po. Literal na ibi-buildup mo siya kaya 30 percent, na eventually nababawasan yan kapag sumisikat na yung artista, kapag nakikilala na.

"Pero dumating sa point na iyong kontrata po ni Liza sa akin, hindi pa natatapos yung five years [nagiging sikat na siya].

"Kaya iyong sinabi ko na since ang Star Magic ay pumasok sa eksena at siyempre marapat lamang na kumuha sila ng 10 percent.

"So, imagine, co-manager... 30 percent ako, 10 percent sila [Star Magic], kawawa naman si Liza, kaya ako na po yung nagbaba ng 20 percent."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Liza Soberano opens up about people getting “disappointed” with decision to change management

Hirit na tanong ni Mama Loi, "Sinabi niya [Liza] na si Tita Joni daw yung nagsabi na babaan yung percentage mo, totoo ba yon?"

Mabilis na sagot ni Ogie, "Hindi, ako ang nagdesisyon na magbaba. Alam yan ng tatay ni Liza.

"Ako ang nagbaba, kaya nga, di ba, sinasabi ko na ako rin ang lumabag sa kontratang ginawa ko? Dahil nakita ko naman yung effort nung bata.

"Ngayon, gusto ko lamang bigyang linaw ito, hindi para idepensa yung Tita Joni ni Liza na siyang nagdala sa akin... dahil ako yung gusto ni Tita Joni na mag-manage kay Liza na noong araw, e, Hope Soberano pa ang pangalan."

Totoo naman daw na noong una ay 30 percent ang kabig ni Ogie kay Liza, ngunit siya na raw mismo ang nagdesisyong babaan ito.

Paglalahad niya, "Noong pagdala sa akin, 30 percent yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre si Tita Joni ang kumupkop kay Liza mula U.S. hanggang dito, hanggang sa Pangasinan at nag-aral sa pribadong eskuwelahan si Liza.

"So, si Tita Joni, noong umpisa may mayroon ding commission. Hindi ko alam ang usapan nila ni Liza, pero sinabi ni Liza dito sa interview na 20 percent si Tita Joni niya bilang siya yung naka-discover, nag-aalaga, kumupkop, RM [road manager], PA [personal assistant].

"Ako ay 30 percent, so, 50 [percent] na agad, tapos 10 percent pa yung Star Magic, e, di forty na lang yung nakukuha niya, plus yung 10 percent na napupunta sa U.S tax niya. So, thirty na lang daw.

"Ako na po ang nagsasabi, kung para kay Liza yun ang totoong natatandaan niya, para sa akin hindi po totoo yon."

Inisa-isang ipinaliwanag ni Ogie ang kompyutasyon ng naging hatian nila sa komisyon mula sa talent fee ni Liza para mas maintindihan daw ito.

Aniya, "20 [percent] ako, 10 ang Star Magic, so si Tita Joni kinausap ko. Sabi ko, 'Tita Joni, ang komisyon mo ay manggagaling sa 70 percent na natitira kay Liza. So, 10 percent si Tita Joni dun, kaya 7 percent lumalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung susumahin natin, si Liza used to get 63 percent. Kaya hindi ko alam kung saan galing si Liza na 30 percent na lang ang nakukuha niya.

"Ang ending, 50 percent na lang yung ending na nakukuha ni Tita Joni... hindi po totoo.

"For the longest time na magkasama kami, iyon ang setup namin. Ako pa nga ang nagsabi, e, 'Anak, gusto mo bang babaan natin si Tita Joni?' Kasi nagbaba ako, e, from 30 to 20.

"Sabi niya [Liza], 'Ay, hindi po, deserve po niya yon.'

"Yung 10 percent ni Liza sa U.S., obligasyon niya yon. Wala akong kinalaman dun kasi hindi rin naman ako U.S. citizen."

OGIE ANSWERS LIZA'S CLAIM ABOUT HIS ABSENCE IN TAPINGS AND ENDORSEMENT shoots

Hindi rin pinaligtas ni Ogie na sagutin ang tungkol sa diumano'y hindi niya pagpunta sa mga taping at endorsement shoot ni Liza.

Pang-uusisa ni Mama Loi, "Isa pa raw sa rason kung bakit pinapababaan yung komisyon mo, e, dahil hindi ka naman daw visible doon sa mga shoots sa mga endorsement, sa mga tapings, hindi ka raw pumupunta."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ni Ogie: "When you say hindi ka pumupunta, [ibig sabihin] never kang pumunta.

"Bilang manager po, dyusko, alam ng mga staff at alam niya [Liza] mismo na pumupunta ako sa set. Pero hindi naman madalas.

"Pumupunta ako sa Baguio nung Forevermore. Nagpunta ako sa Bulacan noong Bagani, nagpupunta rin ako sa ibang taping at shooting niya.

"Sinamahan ko pa siya sa New York, sarili kong pera yung ginamit ko para lang masamahan si Liza."

Sinang-ayunan naman ito ni Mama Loi, "Ako ang makakapag-testify po diyan, kasi minsan kapag dumadalaw si Nanay [Ogie], kasama ako."

Read: Liza Soberano: "Hindi po ako nagko-complain. I was just stating facts."

Kung hindi man daw nakakapunta si Ogie ay mayroon namang road manager na umaantabay kay Liza.

Aniya, "Kung wala naman ako doon, kaya nga po may sarili akong RM na binabayaran ko sa sarili kong pera para iyong road manager po, ibig sabihin, manager mo siya on the road.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag wala ang manager, siya yung manager."

OGIE DIAZ EXPLAINS WHY HE WENT PUBLIC INSTEAD OF TALKING PRIVATELY TO LIZA

Sa kabila ng nangyari, aminado si Liza na may tampo siya ngayon kay Ogie.

Kuwento niya, maayos naman siyang nagpaalam na aalis na siya sa poder nito bilang talent manager limang buwan bago matapos ang kanilang kontrata.

Nagpahayag pa raw noon ng suporta si Ogie sa kanyang personal na mga desisyon, kaya ngayon ay hindi maintindihan ni Liza kung bakit nagbibitiw ito ng masasakit na salita tungkol sa kanya.

Ayon kay Ogie, totoong maayos silang naghiwalay ni Liza.

Saad niya, "Tama si Liza, maayos kaming naghiwalay.

"Actually yung birthday ko at noong birthday niya, nagkabatian pa kami."

Totoo rin daw ang sinabi ni Liza na nagpadala si Ogie ng mensahe noong inakala niyang na-hack ang social media accounts ng aktres.

Ngunit, ayon kay Ogie, wala siyang natanggap na reply galing sa dating alaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Liza Soberano reacts to "ingrata" issue; Ogie Diaz to Liza: “Hindi ako galit sa yo.”

Isa pa sa mga sinagot ni Ogie ang dahilan ng pagtatampo ni Liza sa kanya.

Ayon kay Liza, ang pinanggalingan ng sama ng loob niya ay ang tila pagbalewala ni Ogie sa kanilang matagal na pinagsamahan.

Labis din daw siyang nasaktan dahil imbes na kausapin muna siya ni Ogie nang personal, pinili nitong magsalita agad sa publiko at itampok siya sa vlog nito.

Ani Ogie tungkol dito, "Ang pinagtatampo ni Liza sa akin, sinabi niya kay Tito Boy na hindi ako nag-reach out sa kanya or tinext siya, bakit daw nagsalita ako [in public].

"Saan ba ako nanggagaling dito? Kasi nag-vlog si Liza. Alin ba ang nauna, hindi ba yung vlog niya na "I am Hope"?

"Nag-react ako [sa vlog niya] kasi yung sa narrative niya, alam naman natin na na-bash siya nang husto doon, na-bash din naman kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kami yung lumalabas na kinahon namin siya. Na siya was never asked kung ano yung opinyon niya, kung ano yung gusto niya, kung ano yung isusuot niya, kung ano yung sasabihin niya.

"Parang kinontrol namin siya, since ayon yung nasa vlog niya.

"At hindi rin naman siya sumasagot sa akin at nai-public yung vlog niya, natural ipagtatanggol ko yung sarili ko at yung alam ko na naganap sa pagitan ni Liza at ABS-CBN at ng Star Magic.

"Sana siya yung unang nag-reach out sa akin. Kung sana kasi, bago ilabas ni Liza yung kanyang vlog ay ipinakita niya sa muna niya sa akin, pina-review niya sa akin... siyempre hindi ko naman ipapahamak yung bata."

Sabi pa ni Ogie, "Sobra akong ingat kay Liza kasi nga ang iniingatan ko relasyon.

"Ngayon, kung itatanong niya sa akin bakit hindi ako nagri-reach out kay Liza, e, siyempre kailangan ko iangat yung reputasyon namin kasi kami yung bina-bash. Kasi kami nga yung nagkulong sa kanya sa kahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Inilabas niya yun [vlog], e, siyempre ilalabas namin yung panig namin."

Read: Direk Laurenti Dyogi on Liza Soberano’s controversial vlog: “Dapat mag-move on na rin tayo”

OGIE'S MESSAGE TO LIZA

Sa huli, may mensaheng iniwan si Ogie sa kanyang dating alaga.

"Unang-una, sana lahat ng palabas namin dito ay napapanood mo, kung paano namin siya i-deliver para mas maramdaman mo na sincere kami sa sinasabi namin, na mahal kita, na ako ay nagmamalasakit sa yo.

"Ako naman, ang lagi kong hiling ay sana mas sumikat ka kung saan mo man gusto.

"Mas sumikat ka sa pinili mong management, sa pinili mong career path, at mas lampasan mo iyong nagawa namin ng Star Magic, ABS-CBN, at Star Cinema... ayun ang hangad ko para sa iyo.

"Pero huwag mo ring kakalimutan na nandito lang din ako. Open ang aking communication kay Liza, anak."

Anuman ang sama ng loob ni Liza kay Ogie, hindi raw mababago ang katotohang "anak" niya ito sa kanyang puso at isipan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Ogie, "Kung kinukuwestiyon mo yung pagtawag ko sa yo na 'anak,' basta para sa akin, ikaw ang panganay kong anak.

"Lagi mong tatandaan na nandito lang ako, kapag kailangan mo ako.

"Anak ko yan, kaya feeling ko lilipad pa yan nang napakataas.

"Lagi kang mag-iingat, anak.

"Lagi mong ipagtatanong lahat ng decisions mo sa mga taong alam mo na nagmamalasakit sa yo, dahil definitely sila yung makakapagpayo sa yo kung tama o mali ang iyong mga gagawin."

Dagdag pa niya, "Kasi mahal ka nila at mahal kita, anak."

Wala pang reaksiyon si Liza kaugnay ng bagong pahayag na ito ng dati niyang manager.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz (left) on former talent, actress Liza Soberano (right): "Kung kinukuwestiyon mo yung pagtawag ko sa yo na 'anak,' basta para sa akin, ikaw ang panganay kong anak. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako, kapag kailangan mo ako."
PHOTO/S: Ogie Diaz Instagram/GMA-7 YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results