PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MTRCB Condemns Assault on Chair Lala Sotto

MTRCB board members defend Chairperson Lala Sotto against online attackers.
by Arniel C. Serato
Published Sep 14, 2023
MTRCB board expresses support to chairperson Lala Sotto amid online attacks, threats
MTRCB board stands by its Chairperson Lala Sotto (in photo) amid attacks on her person: "No Filipino deserves such kind of unfounded personal attack. We must not resort to personal attacks because our agency is just doing its mandate. We are happy that our Chair is very active in discharging the functions of our office based on existing laws.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Naglabas ng pahayag ang mga kasapi ng Movie and Television Review and Classification Board ngayong araw, September 14, 2023, ukol sa “alarming online attacks” laban sa Chairperson ng ahensiya na si Lala Sotto.

Naging puntirya ng bashing at batikos ang MTRCB, partikular na ang chairperson nito, matapos pumutok ang isyu tungkol sa cake-icing incident na kinasangkutan ng It’s Showtime hosts at real-life couple na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment

Mas lalo pang tumindi ang pagtatanggol ng mga tagasuporta ng ABS-CBN noontime show matapos patawan ng MTRCB ang It’s Showtime ng labindalawang araw (12) na suspension ng live airing nito.

Read: MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days

mtrcb officials support chairperson

Sa pamamagitan ng isang official statement, na ipinamahagi sa news outlets ngayong Huwebes, September 14, 2023, inihayag ng mga bumubuo ng MTRCB ang kanilang suporta kay Lala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad dito ang mga pahayag nina MTRCB Vice-Chairman Njel de Mesa at Executive Director II Atty. Mamarico Sansarona Jr.

Ayon sa kanila, hindi katanggap-tanggap ang “disturbing threats” laban sa kanilang chairperson.

Kabilang daw sa mga bantang natatanggap nila ay "explicit rape and death threats" na nakadirekta kay Lala.

Dahil dito, nababahala raw sila sila sa kaligtasan at seguridad ng MTRCB chairperson.

Bahagi ng pahayag ni De Mesa, “Netizens have taken to the official social media pages of the MTRCB to express their grievances in an inappropriate and harmful manner, raising serious concerns about the safety and security of the Chairperson.

“Over the past weeks, we have experienced an unfortunate surge in threatening messages on our official social media pages, including explicit rape and death threats directed at Chairperson Lala Sotto."

Papuri pa ni De Mesa sa MTRCB chairperson: “Chairperson Lala Sotto is a dedicated public servant who has spent her career advocating for responsible and inclusive media content.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“She has consistently championed the importance of media content that respects cultural sensitivities while contributing positively to the Philippine entertainment industry.”

Nakiusap naman si Sansarona na huwag gawing personal ang atake kay Lala dahil ginagampanan lamang daw nito ang tungkulin.

Saad niya, “No Filipino deserves such kind of unfounded personal attack. We must not resort to personal attacks because our agency is just doing its mandate. We are happy that our Chair is very active in discharging the functions of our office based on existing laws.”

Kinikilala raw ng MTRCB ang importansiya ng “constructive criticism and open dialogue,” ngunit hindi raw katanggap-tanggap na samahan pa ito ng banta, pangha-harass, at iba pang uri ng pananakot online at offline.

Taliwas daw ito sa prinsipyo ng ahensiya kaya patuloy lamang daw silang magtatrabaho para sa kapakanan ng mga manonood sa telebisyon at sa malaking telon.

Patuloy rin daw silang manghihikayat ng progresibong dayalogo kung saan mangingibabaw ang kahalagahan ng “civil discourse and responsible criticism.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"DISTURBING THREATS"

Kalakip ng opisyal na pahayag ng MTRCB ay ang screenshots ng ilan sa mga nakolekta nilang "disturbing threats" mula sa ilang netizens.

Mababasa sa mga ito ang mga salitang "karma," "tanga," "bobong inutil," "bobo," at "bias."

Mayroon ding mga nagmura at sinabihan si Lala na "mag-resign na" sa kanyang puwesto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilan ding netizens ang nagbanggit ng tungkol sa kamatayan at may gumamit din ng hashtag tungkol sa rape.

Netizens alarming message for MTRCV, Chairperson Lala Sotto

Netizens alarming message for MTRCV, Chairperson Lala Sotto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens alarming message for MTRCV, Chairperson Lala Sotto

Netizens alarming message for MTRCV, Chairperson Lala Sotto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens alarming message for MTRCV, Chairperson Lala Sotto

Netizens alarming message for MTRCV, Chairperson Lala Sotto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comments of the PEP team

Una: Base sa screenshots ng comments, tahasang masasabing galing ito sa fans at loyalists ng It's Showtime na palabas sa GTV, A2Z, at Kapamilya Channel. Saradong-sarado ang utak nila.

Malamang ay hindi nila matatanggap ang ipinataw na 12-day suspension sa paborito nilang noontime show anuman ang paliwanag ng MTRCB sa pag-call out at suspension ng It's Showtime.

Ngunit kung tunay silang fans—na inaasahang may talino at mahusay na asal— gugustuhin nilang magwagi ang paborito nilang noontime show. Kaya mas malamang na makita nilang nakakasama sa programa at hosts ang mga salitang "rape," "f--- you," at "mamatay na sana ang angkan niyo."

Tuloy, pwede ngang pagdudahang galing ito sa trolls ng lehitimong It's Showtime fans. Ngunit dahil sa anonymity sa social media, walang magawang mahusay na pagsisiyasat maliban na lang kung gamitan ng legal procedures.

O dili kaya'y tanggapin na lang na ang kultura at lengguwahe sa social media—pro man o kontra sa anumang show—ay ganito talaga kababa. Hindi sibilisado ang karamihan. Natatabunan ang mga gumagamit ng kurtesiya at rason.

Kung ganito nga ang kalakaran, hindi kaya ng isang MTRCB, o anumang natatanging ahensiya, ang baguhin ang mga kaganapan. Isang mahusay na pangkalahatang educational system ang kinakailangan.

Pangalawa: Maaari ring sabihing maiintindihan at matatanggap ng kahit fans at loyalists ang aksyon ng MTRCB kung sa paningin nila'y patas ang review board.

May naging infractions din ang E.A.T., ang katapat na programa ng It's Showtime sa TV5, ngunit wala pang nakitang ganitong katinding callout at lalong walang pagsususpindi sa show ng MTRCB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdagan pa ito ng isyu ng delikadeza: si Lala ay anak ni dating Senador Tito Sotto, isa sa tatlong main hosts ng E.A.T. at spokesperson pa ng programa kapag may gusot itong kinahaharap.

Itanggi man ni Lala na may bias siya sa mga isyung sangkot ang It’s Showtime at E.A.T., hindi sapat ang kanyang salita. Tama lamang na lumayo siya at hindi pamunuan ang MTRCB pagdating sa ganitong mga isyung dawit ang kanyang personal at family ties.

Sa government service, mahalagang makita ng publiko na may namamayaning delikadeza. Ito na rin ang isang pwedeng panggalingan ng mas sibilisadong lengguwahe sa social media—kung nakikitang may nangungunang mahusay na kilos at ugali ang mga nakatataas.

Read: MTRCB chair Lala Sotto insists "no bias" in dealing with 'It's Showtime,' 'E.A.T.' alleged violations

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MTRCB board stands by its Chairperson Lala Sotto (in photo) amid attacks on her person: "No Filipino deserves such kind of unfounded personal attack. We must not resort to personal attacks because our agency is just doing its mandate. We are happy that our Chair is very active in discharging the functions of our office based on existing laws.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results