PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlo Aquino trends after MassKara 2023

Carlo Aquino is the latest actor to go viral for singing off-key in a pageant.
by Arniel C. Serato
Published Oct 20, 2023
Carlo Aquino performance in Bacolod goes viral
Actor Carlo Aquino's video serenading the candidates of Miss Bacolod MassKara 2023 goes viral.
PHOTO/S: Courtesy: Star Magic on Facebook / CTTO

Pinag-uusapan ng netizens ang tila wala sa tonong pagharana ni Carlo Aquino sa mga kandidata ng Miss Bacolod MassKara 2023 pageant na ginanap nitong nakaraang October 16.

Inawit ni Carlo ang sikat na kantang “Paraluman” ng singer na si Adie.

Pero base sa kumalat na video, off key siya sa kanyang performance.

Carlo Aquino in Bacolod performance

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, pinagpistahan ng netizens ang video ng kanyang performance.

Komento ng isang nag-post sa X, “Tawang tawa ako feeling nya ata sya si Neyo bwahahaha”

Pabirong komento ng isang netizen, “may problema yung mic..”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit ng isa pa, “Ako yung nahihiya mhie while watching it live jusko. Naninindig balahibo ko sa second hand embarrassment HAHAHHAHA”

Post naman ng isa, “carlo aquino utang na loob mag artista kana lang”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng isa pa, "Huy Carlo HAHAHAH magpalamon ka na lang sa lupa please (lauging in tears emoji] #carloaquino"

Tanong naman ng isang netizen, "Carlo Aquino bakit (crying in tears emojis)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad naman ng isa pang netizen sa Facebook, “Gikilig ba ang tanan? Samukas mga comments (laughing emoji) [Kinilig na ba ang lahat? Ang gulo sa comments [laughing emoji]"

Carlo Aquino in Bacolod

Sabi naman ng isang netizen sa TikTok, "Ambot nalang jud (crying emoji) [Ewan ko na lang talaga (crying emoji)"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
@aaakilll

Ambot nalang jud ????

? original sound - Bisaya????

Sabi ng isa pa, "Kahit pilit hahhaa"

@kirbyjohntsolcorites

Kahit pilit hahhaa

? original sound - aintnobodytakinmybaby

Wala pang komento si Carlo ukol dito.

Si Carlo ang bagong dagdag sa listahan ng mga aktor na nag-trending dahil sa kanilang wala sa tonong pagkanta sa mga local beauty pageant.

Nauna sa kanya si Marco Alcaraz sa Binibining Urdaneta City 2022 sa Urdaneta, Pangasinan, noong December 2022. Ito ay dahil sa off-key umano nitong pagkanta ng “Ngiti,” na orihinal na awitin ni Ronnie Liang.

Read: Video of Marco Alcaraz serenading candidates in a local beauty pageant goes viral

Sumunod sa kanya si Luis Hontiveros, na nag-viral nang husto ang pagkanta niya ng "Jopay," na original song ng Mayonnaise, sa Miss Pagadian 2023 noong June 19, 2023.

Read: Luis Hontiveros, deadma sa mga batikos sa pagkanta niya ng "Jopay"

Gayundin Albie Casiño na nag-perform naman sa grand coronation ng Mutya ng Cotabato 2023, noong August 25.

Sa mga nagsulputang videos sa social media matapos ang performance ni Albie, kung saan inawit niya sa harap ng mga kandidata ang “Habang Buhay” ni Zack Tabudlo, nagkomento ang ilang netizens na tila nilasing daw muna sa backstage ang aktor bago isinalang sa entablado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Albie Casiño's performance at Mutya ng Cotabato 2023 goes viral

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Carlo Aquino's video serenading the candidates of Miss Bacolod MassKara 2023 goes viral.
PHOTO/S: Courtesy: Star Magic on Facebook / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results