PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid: Mamahalin si Bianca Umali

GMA-7 hails Ruru Madrid as Bagong Bayani ng Primetime
by Rose Garcia
Published Nov 5, 2023
Bianca Umali Ruru Madrid relationship
Ruru Madrid (right) on what made him fall in love with girlfriend Bianca Umali (left): “Parang nakita ko na siya ang katapat ko. Parang nahanap ko na ang katapat ko,”
PHOTO/S: @bianxa (photo by @dookieducay) and @rurumadrid8 (photo by @mykyco) on Instagram

Napakakaswal ng Kapuso actor na si Ruru Madrid na magkuwento tungkol sa relasyon niya sa girlfriend na si Bianca Umali.

Limang taon na rin sila bilang girlfriend at boyfriend, at marami na rin silang mga napagdaanan at nalampasan.

“Before kasi, when we were starting, Bianca kasi was an introvert,” pahayag ni Ruru. “Sometimes, kapag may mga problema siya, kinikimkim niya. Hindi niya sinasabi sa akin. Ang tendency, lumalaki na pala ang problema.

“So I guess, natutunan naming dalawa kung paano pag-usapan ang mga bagay.

"Like for example, nagkaroon kami ng problema, bago matapos ang gabi, kailangan naming pag-usapan yan para at least, okay.”

Read: Ruru Madrid says breakup with Bianca Umali made him realize she's "The One"

Sa ginanap na mediacon noong October 27, 2023, para sa Black Rider sa GMA Studio, aminado naman si Ruru na sa kanilang dalawa raw ni Bianca, siya talaga ang mas madaldal.

“Ako ang mas madaldal sa relationship,” natawang pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So parang ako yung mas nag-o-open up. I can see yung effort din ni Bianca pagdating sa mga ganoon. Nag-o-open up na rin siya. Siya ang magsisimula ng usapan pagdating sa mga nagiging problema naming dalawa.

“So yun, parehas. Parehas kaming nag-mature pagdating sa mga bagay na dapat kaming mag-mature.

“I mean, before, wala akong preno. Talagang walang stop. Siya yung nagpapakalma sa akin.

"Tapos si Bianca naman, sobrang tahimik. Ako naman ang nagpapadaldal sa kanya.

“Mas naging palangiti siya, mas bumabati siya sa mga tao.

"So mas nagtutulungan kaming dalawa. Kahit na hindi kami magkatrabaho, I know na may naitutulong at naidudulot kaming maganda sa bawat isa.”

Read: Ruru Madrid pulls off "sweetest" surprise for homecoming of girlfriend Bianca Umali

RURU AND BIANCA: HOW POLAR OPPOSITES MAKE A RELATIONSHIP WORK

Diretsahan naman naming tinanong si Ruru kung hindi na ba siya na-a-attract sa ibang babae?

“Hindi, e,” natawang sabi niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Well siguro, imposibleng hindi ka magandahan. Sa industriya, ang daming magaganda. Ang daming mababait. Ang daming mga sexy, di ba? But for me, alam ko sa sarili ko na isa lang ang mamahalin ko habambuhay.”

Nakikita na niyang talaga na si Bianca na talaga ang babae para sa kanya?

“Why not, kung ako lang ang papapiliin, of course, naglalakbay pa rin naman kami sa napakagulong mundo na ito. Marami pa naman kaming pagdadaanan na pagsubok.

“Pero, I can assure her na gagawin ko ang lahat para ilaban ang pagmamahal ko sa kanya. Babalikan ko lang naman kung bakit ko siya minahal, at matatandaan ko na…”

Read: Ruru Madrid admits courting female celebs in the past for "ego booster"

Bakit nga ba niya minahal si Bianca?

“Parang nakita ko na siya ang katapat ko. Parang nahanap ko na ang katapat ko,” saad niya.

Dugtong pa ni Ruru, “Before kasi, hindi mo talaga ako mako-control. Kung ano ang gusto ko, yun lang ang susundin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero siya, kaya niya, e. Kaya niya akong kontrolin. Kaya niya akong kontrolin in a way na mapapabuti ako.

“I’m very passionate kasi. Iba ang fire sa akin, yung drive ko. And sometimes, kapag puro buhos ka, medyo nagkakaroon ng problema. So siya yung nagko-control. Siya ang nag-aayos noon.

“Ako naman, kabaligtaran, ako naman ang nagpapa-light.”

Pinabigyang-linaw kay Ruru na base sa mga pahayag niya, maituturing ba niya ang sarili na may pagka-mainitin ang ulo?

“Hindi naman po mainitin ang ulo,” mabilis niyang sagot.

“Agresibo. Kasi, I’m very aggressive. Extrovert ako, e. So sometimes, may mga bagay na kinukuwento ko na hindi na dapat kinukuwento. Nagagamit pa sa akin.

“So si Bianca ang nagtuturo sa akin na pag mga ganyan, dapat alam mo kung paano ipi-place ang sarili mo.”

Read: Ruru Madrid admits almost quitting showbiz because of Lolong

RURU GRATEFUL FOR NEVER GIVING UP ON HIS CAREER

Sa Lunes, November 6 na ang pilot episode ng bagong prime-time series ng GMA-7 na hatid ng GMA Public Affairs, ang Black Rider. Isa itong action-serye na pinagbibidahan ni Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpapakilala pa lang sa kanya sa ginanap na mediacon ng Black Rider, mararamdaman na kung gaano kalaki na ang pangalan niya at pagtitiwala ng network.

Sa katunayan, ipinakilala nga siya bilang Bagong Bayani ng Primetime.

“Naku, nakita niyo naman ako [sa umpisa pa lang]….

“I’m very, very, grateful. Sabi ko nga, buti na lang hindi ako nag-give-up noong panahon na pasuko na ko. Kasi may dahilan, e.

“Sometimes, kailangan mo talagang dumaan sa matinding pagsubok para matupad mo ang pangarap mo. At ito yun. It’s all worth it.”

Sabi pa niya, “Dati, araw-araw umiiyak ako. Bago matulog. Gigising ako, umiiyak ako. Pagka-gising ko. Dahil nga hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa buhay ko.

“Pero ngayon, ganun din. Iiyak ako bago matulog at magigising ako na umiiyak ako dahil sobrang grateful ako.”

RURU ON WORKING WITH HIS DOPPELGANGER, MATTEO GUIDICELLI

Makakasama ni Ruru si Matteo Guidicelli na unang teleserye nito sa pagbabalik-Kapuso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta silang dalawa?

“Ay, naku, salbahe po si Matteo,” natatawang biro niya.

Saka sinabi na, “Sobrang bait. Para po akong nakahanap ng...para nga kaming kambal.

"Ang daming nagsasabi na magkamukha kami kapag nasa kalye. Yung personalities namin, sobrang parehas, maloko, palabiro, at mapagmahal. At iisa lang ang minamahal.

“Idol ko ho siya, e,” nakangiting sabi niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid (right) on what made him fall in love with girlfriend Bianca Umali (left): “Parang nakita ko na siya ang katapat ko. Parang nahanap ko na ang katapat ko,”
PHOTO/S: @bianxa (photo by @dookieducay) and @rurumadrid8 (photo by @mykyco) on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results