Hindi nakapagtimpi si Chie Filomeno na sitahin ang isang netizen na nag-iwan ng hindi kaaya-ayang komento sa Instagram post ng kapwa niya Kapamilya star na si Barbie Imperial.
Noong November 4, 2023, nag-upload si Barbie sa Instagram ng mga larawan niya habang nakasuot ng simple all-white dress kasama ang kanyang mga kaibigan.
Read: Barbie Imperial answers mean comments: “Grabe naman makalaspag, teh!”
Mababasang caption niya (published as is), “proof of life [heart emoji]."
Kung marami sa fans ni Barbie ang natuwa sa in-upload niyang litrato, mayroon din naman isang naligaw na tila mas gustong makita ang aktres na naka-swimsuit.
"Boring di naka tupis," komento ng isang lalaking netizen.
Bagay na hindi naman nagustuhan ni Chie, kaya agad niya itong nireplayan.
Sa inis, tinawag pang "manyak" ni Chie ang netizen na gustong makita si Barbie na nakasuot ng two-piece swimsuit.
Depensa ni Chie, "Naka ”tupis” man siya o hindi, hindi siya boring.
"Manyak mo, umalis ka dito."
Sabi naman ni Barbie: “@chiefilomeno tell him chie."
Ngunit hindi pa nagpaawat ang netizen at binuweltahan pa si Chie.
Sabi nito, “@chiefilomeno puro retoke ka kasi eh."
Read: Chie Filomeno slams basher for treating retoke 'like a crime': “Pera mo ba ang gamit ko?
Sinegundahan naman ng iba pang netizens ang pagtatanggol ni Chie kay Barbie.
"May kapatid ka bang babae paano [mo] nasasabi ang mga ganyan," saad ng isang netizen sa umano'y "manyak" na nagkomento kay Barbie.
Saway pa ng isa, "Kalalaki mong tao wala kang respeto."
Sabi pa ng isa, "Magiging manyak na lang mali pa spelling. Check mo muna kung tama spelling mo boi. ‘Tupis’ wth [what the heck]."
READ MORE:
- Barbie Imperial “very happy” after complaints filed by Debbie Garcia dismissed by fiscal’s office
- Paul Salas on ex-girlfriend Barbie Imperial: “Ngayon lang po nawala yung pagiging bitter ko sa kanya.”
- Chie Filomeno confident that she is not Jake Cuenca's rebound girl
- Chie Filomeno to basher claiming actress has sex video: “Dali send mo sa akin."
