Masaya ang puso ni Janine Gutierrez sa muli niyang pagpirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN.
Opisyal na na naging Kapamilya si Janine noong January 2021 matapos ang sampung taong pananatili sa GMA-7.
Read: IT'S OFFICIAL: Janine Gutierrez now with ABS-CBN after 10 years with GMA-7
Pumirma ng kontrata si Janine kasama ang kanyang manager na si Leo Dominguez at ang mga ABS-CBN top brass na sina Carlo Katigbak, Rick Tan, Mark Lopez, Lurenti Dyogi, at Cory Vidanes.
Bagamat walang masyadong ine-expect si Janine sa bago niyang kontrata, excited siya sa mga susunod na proyektong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.
Ayon kay Janine, “Excited akong i-share kung ano yung nga nagawa ko after Dirty Linen. Kasi siyempre, nanggigigil na ata sa akin ang ibang fans kasi hindi ko makuwento.
“Pero hopefully, this month or before the year ends, ma-share ko na rin sa kanila ang aking bagong project.”
Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Janine pagkatapos ng mediacon ng contract signing niya sa Dolphy Theater sa loob ABS-CBN compound kamakailan.
REMARKABLE PROJECTS WITH ABS-CBN
Nagmarka ang mga proyektong ginawa ni Janine sa unang pagsabak niya sa ABS-CBN.
Una niyang proyekto ay ang romantic-comedy series na Marry Me, Marry You. Sumunod ang LGBTQ-themed film titled Sleep With Me. At ang pangatlo ay ang pinag-usapang thriller-drama na Dirty Linen.
Read: Paulo Avelino, ibinuking na matagal nang gustong maging Kapamilya ni Janine Gutierrez
“Hindi ko sure kung ka-level din ng Dirty Linen ang susunod ko na project. I’m not sure po talaga. Hindi ko po talaga alam,” saad niya.
Hindi rin masabi ni Janine kung ano ang gusto niyang role or genre sa susunod na seryeng gagawin niya.
“Yun nga po, e, mahirap na ring magsabi for me, kasi parang mas higit pa yung naiisip ng ABS para sa akin. Na parang, like Dirty Linen, na I would have never thought of it.
“Pero dream role ko siya. Pero hindi ko maisip kung paano ba sasabihin to.
“So, parang anything that they give me is maganda talaga, na I will happily accept it. Sila po kasi ang nagde-decide noon, e.
"And like I said, anything na they will have done for me, super game ako. So, whatever it is, I will do my best,” pangako ni Janine.
Since nagkakaroon na ng collaboration ang ABS-CBN at GMA-7, posibleng makasama si Janine sa mga proyektong pagsasaniban ng dalawang TV giants at makatrabahong muli ang Kapuso stars na nakasama niya dati.
“Working with GMA again? Of course, go po ako. Happy to work with GMA artists,” nakangiting reaksiyon ni Janine.
“Uhm, sino kaya? Kahit sino. Lahat sila. Hahaha!
“Na-train, e. Kasi lumaki ako sa showbiz.”
INTERNATIONAL PROJECTS
Ina-aspire kaya ni Janine na magkaroon ng offer sa kanya for an international release?
“What I love [about] working with ABS-CBN is na parang very global talaga yung vision natin.
"Na yung content natin, talagang alam mong Pilipino siya, and Philippines yung mga isyu. Pero it’s global yung pagkagawa. Yung pagka-release.
"Kaya ito na rin talaga yung pangarap ko na, you know, ma-expose tayo doon sa... para makasama ako doon sa mga projects na exposed talaga sa ibang bansa.
“Like, yung Dirty Linen was part of Content Asian Awards. And alam ko naman na all the partnerships of ABS with Prime [Video] kung saan nandoon ang Dirty Linen.
“And then, yung Sleep With Me is starting on Netflix...
"So, excited talaga ako that yung vision ng ABS is global and that I get to be part of it.”
Sinabi pa ni Janine na hindi siya naga-audition para lumabas sa Hollywood films.
“Well, I dunno. I just haven’t really thought about it. Pero parang what I would prefer is to, yun nga, do projects that we do here.
“Tapos yung makilala na, ‘Ah, Pilipinas yan,’ ganyan.
"Pero siyempre kung may dumating na Hollywood, di ba? Why not?”
Kumusta naman kaya ang love life niya.
“Ay! Goodbye po. Kayo, ha,” biro ni Janine.
Pero happy naman ang puso niya?
“Of course! Kasi kaka-contract signing ko lang. Yes po,” sagot ni Janine, na huling na-link sa aktor na si Paulo Avelino.
Read: Janine Gutierrez hints at relationship with Paulo Avelino
