Hindi makapaniwala ang aktres na si Arci Muñoz na mananakawan siya ng credit card habang sakay ng Korean Air pauwi ng Pilipinas.
Sa ini-upload na video sa TikTok ni Arci noong November 10, 2023, nagkuwento siya ng kanyang "horror story in the sky" noong nagbakasyon siya sa Japan, at nag-layover ang plance sa Incheon International Airport sa South Korea.
Read: Arci Muñoz clarifies real score with Seth Jamora
GUY NEAR ARCI'S CUBICLE
Sa video, idinetalye ni Arci kung paano nangyaring natangayan siya ng credit card sa business class.
Kuwento niya, nakatulog siya sa haba ng biyahe nang bigla siyang naalimpungatan at nakita ang isang hindi kilalang lalaki na nakatayo sa tabi ng kanyang cubicle.
Pagbabahagi ni Arci, "Hi, let me tell you a story about a bad experience I had going back home from Japan.
"I'm on board, Korean Air flight number KE704 bound to Incheon.
"So, I have a connecting flight going back home here in Manila, when a guy, while I was resting in my cubicle, so sa business class ito nangyari.
"When I was resting in my cubicle ,and then of course, when it's time to land, siyempre nagising ako, naalimpungatan ako.
"May lalaking nakatayo doon sa cubicle ko tapos kinukuha niya yung magazine sa cubicle ko.
"Knowing that all cubicles in the business class has magazines, di ba, so ako naman, inisip ko lang na baka wala siyang magazine na [kagaya noong] nandoon sa cubicle ko."
Read: Arci Muñoz begins journey to become future pilot
WOMAN WITNESSED WHAT HAPPENED
Isang babae raw ang nagmalasakit na nagsumbong kay Arci na pinakialaman ng lalaki ang kanyang mga gamit.
"Buti na lang this woman, she’s very nice, she’s like sent by God [and] asked me, ‘do you know that guy?’ And I was like, ‘No.'
"And then she stood up and she confronted the man.
"Sabi [nung woman], ‘Why did you touch her bag?’ Ako naman, sabi ko, ‘Bakit nawawala yung bag ko?’
"And then I saw my bag on the floor near the aisle, e, sa window seat ako nakaupo."
Kinumpronta raw ni Arci ang lalaki sabay tawag sa flight attendant para siya'y matulungan.
"So we called the flight attendant, and the woman na nakakita, she said na ginalaw [nung lalaki] yung bag [ko], and that's not right.
"And yung guy, dine-deny niya."
Noong una, hindi raw halos makapaniwala si Arci na magnanakaw ang nasa harap niya lalo't mukhang matino naman daw ang lalaking idinidiin at itinuturo ng babaeng witness.
Aniya, "This guy nakaayos, nakaporma, nakagarbo na mga luxury items.
"So I was thinking, ano to modus talaga nila? Sumasakay sila ng mga business class, they fly."
Read: Arci Munoz shrugs off "walang ginagawa ang reservist" comment of bashers
Naibalik naman daw ang bag ni Arci sa kanya, ngunit ang hindi niya inakala ay nakuha pala nito ang kanyang credit card.
Dalawang araw matapos ang insidente, nag-notify daw kay Arci ang bangko ng kanyang credit card na ginagamit ito sa mga transaksiyon sa iba’t ibang bansa.
Lahad niya, "At first, I didn’t notice something is missing in my bag kasi compiled lahat ng cards ko, e.
"And then after two days, may notification na sa bank ko na someone was using my credit card sa Ho Chi Minh sa Vietnam at saka sa Jakarta."
ARCI'S REMINDER TO ALL TRAVELLERS
Dahil sa nakakatakot na karanasan ni Arci, nanawagan at nagpaalala siya sa publiko na maging alerto at mag-ingat sa mga ganitong klase ng modus.
Saad niya, "I'm doing this video to warn you na there is a dangerous world out there.
"So, you have to be safe, you have to be alert, to be careful, mindful of your things.
"I'm just really grateful sa BDO kasi they acted really quickly, they acted fast.
"I'm doing this video lang para lang you guys are aware na may mga ganitong modus kahit sa eroplano.
"The world is not a safe place."
Sabi pa ni Arci, hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na ang eksenang napapanood lang niya sa mga pelikula ay mangyayari sa kanya.
“It’s just really weird. Akala ko sa movie lang nangyayari yung ganito.
"I didn’t have time kasi to report him kasi connecting flight ko one hour lang yung layover ko sa Incheon, e.
Sa huli, hiling niya sa Korean Air, na sana maaksiyunan agad ang insidente para hindi na maulit ito sa ibang tao.
Sabi niya, "Sana Korean Air, I left my email with you, and you said you’re gonna follow up in this case.
"I hope to hear from you guys, and I hope this doesn’t happen to anyone else because if he did this one, for sure, he’s gonna do it again.
"Not until we do something to stop it. So please, I hope to hear from you."
Read: Arci Munoz on bashers of Ellen Adarna, Derek Ramsay: "Inggit lang yung mga yun"
