It's confirmed!
Ang Kapamilya star na sina Kim Chiu at Paulo Avelino ang bibida sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela series na What's Wrong With Secretary Kim?.
Kinumpirma ito mismo ng ABS-CBN Entertainment matapos i-post ng Viu Philippines sa Instagram nitong Martes, November 21, 2023, ang hiwalay na "Get Ready with Me” video clips nina Kim at Paulo para ipakilala ang kanilang mga gagampanang karakter.
Si Kim ang gaganap bilang si Secretary Kim, habang si Paulo naman bilang Vice Chairman.
Mababasa sa caption ng Viu sa video ni Kim, "Get ready with Kim Chiu as Secretary Kim! Watch out for ABS-CBN and Viu's collaboration as they bring you the #ViuOrigianalAdaptation "What's Wrong With Secretary Kim." To be produced by Dreamscape Entertainment, the highly-anticipated rom-com series is coming this 2024!"
Caption naman sa video ni Paulo, "Get ready with Paulo Avelino as Vice-Chairman! Watch out for ABS-CBN and Viu's collaboration as they bring you the #ViuOriginalAdaptation "What's Wrong With Secretary Kim." To be produced by Dreamscape Entertainment, the highly-anticipated rom-com series is coming this 2024!"
Ang What's Wrong With Secretary Kim? ay base sa 2018 hit K-drama series na pinagbidahan nina Park Seo Joon (Lee Young Joon) at Park Min Young (Kim Mi So).
Read: How Park Seo Joon reacted to Pinoy fans asking for hugs on stage
Nagkaroon na rin ng Tagalized version ng naturang South Korean series nang ipalabas ito sa Kapamilya Network noong 2018.
Ito rin ang pangalawang pagkakataong magsasama sina Kim at Paulo sa isang proyekto matapos ang successful run ng kanilang Prime Video series na Linlang.
Read:
- Kim Chiu on lack of remorse of Juliana in Linlang: "Kalaban ko lagi ang sarili ko."
- Four Reasons to watch Prime Video series Linlang
Nakatakdang ipalabas ang Philippine adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim?, mula sa sanib puwersang kolaborasyon ng ABS-CBN, Dreamscape Entertainment, at Viu Philippines, sa 2024.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na iba pang detalye gaya ng kung sinu-sino ang makakasama nina Kim at Paulo sa Philippine adaptation ng hit K-drama series.
READ MORE:
- Kaila Estrada overwhelmed by positive feedback for her roles in "Linlang" and "Can't Buy Me Love"
- Linlang: Trending scenes with quotes
- Kim Chiu on 'sampal' scene with Maricel Soriano in 'Linlang': "Bucket list, check!"
