PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Divine Aucina forms unlikely friendship with Celia Rodriguez

“At first talaga, natatakot ako lumapit kay Tita Celia baka tarayan ako."
by Ruel J. Mendoza
Published Nov 23, 2023
Divine Aucina with inset showing her and Celia Rodriguez singing "Never Enough"
In reel world, Divine Aucina usually plays BFF to female leads. In real life, her set of friends now includes Celia Rodriguez. Inset: Divine sings "Never Enough," a favorite song of Celia.
PHOTO/S: @divs on Instagram

Nagpapasalamat ang Kapuso comedian na si Divine Aucina na nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho at maging kaibigan ang veteran actress na si Celia Rodriguez.

Gumaganap na BFF (Best Friend Forever) si Divine ni Carla Abellana sa GMA Afternoon Prime teleserye na Stolen Life.

Pero hindi inakala ng komedyana na magiging close din siya kay Celia.

“At first talaga, natatakot ako lumapit kay Tita Celia baka tarayan ako. Pero in real life, mabait at nakakatawa pala talaga siya,” sabi ni Divine sa mediacon ng Stolen Life noong November 9, 2023, sa Seda Hotel Vertis North.

Tinawag nga ni Divine na “woman of substance” ang veteran actress dahil sa pagiging generous nito sa pag-share ng mga naging experiences niya sa mundo ng showbiz.

Aliw na aliw naman si Celia kay Divine, na madalas awitin ang paboritong song na una na "Never Enough” mula sa 2017 Hollywood film na The Greatest Showman.

“Kapag walang ganap, Pinapakanta ako lagi ni Tita Celia sa standby area ng kanyang favorite Song na 'Never Enough.' Go naman ako, kakantahan ko siya ng mga gusto niyang songs para sumaya siya,” kuwento ni Divine na pinakita pa niya sa mediacon kung paano niya awitan ang four-time FAMAS awardee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinatuwa naman ni Divine na sa isang taping day ay may niregalo sa kanya si Celia na sobrang na-appreciate niya.

“One time may biglang inabot si Tita Celia na plastic bag. May dalang mga bangles. May mga bangles akong pagmamay-ari ng nag-iisang Celia Rodriguez!

“I think in my years in the industry, aside from memories, I value the gifts, especially random gifts from colleagues.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“It’s like sharing a piece of them, extension siya ng appreciation nila sa iyo, and I think that is beautiful.”

Read:

DIVINE AUCINA: BFF NG BIDA

Kabilang si Divine sa mga character actresses na parating nabibigyan ng best-friend role.

Naging best friend niya sa TV sina Eugene Domingo, Heart Evangelista, Andrea Torres at Alice Dixson.

Sa pelikula naman, naging best friend siya nina Julia Barretto at Maine Mendoza.

Ngayon ay nakasama na sa BFF list niya si Carla.

“Oo nga ano, grabe, ang dami ko na palang nagampanan, thank you po sa mga nag-cast sa akin.

“First time ko makatrabaho si Carla at grabe siya! She’s really a dedicated actress kasi pagdating sa set, memorized niya na halos lahat ng scenes, e, ilan yun? I think 30 sequences.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I once asked her paano niya ginagawa yun, at sa bahay pala, she memorizes it by writing down sa manila paper.

“Grabe yung focus sa work, Pag madaling araw, pagod na siya, pero wala kang maririnig kay Carla na reklamo. Ganun siya ka-committed and focused.”

Read: Carla Abellana shocked by P600K credit card charge: “Lord, how will I pay for the $11,087.33?”

Biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Divine kung nakakahawa ba ang ganda ni Carla?

Naiisip niya ba minsan na nakawin ang ganda ni Carla para mas lalo siyang maging kaakit-akit sa mga boys?

Natatawang sagot ni Divine: “Nalilito na nga yung mga tao sa location, napagkakamalan akong Carla. Paglingon ko, natatauhan naman agad sila!

“Kaya naman hindi ko na masyadong ginagandahan pa kasi baka magkagulo lang, Char!”

Bukod daw kay Carla, naging BFF din niya ang kontrabida ng Stolen Life na si Beauty Gonzalez.

“Dito sa Stolen Life, magkakaagawan ng katawan sina Beauty at Carla dahil sa astral projection. So marami rin kaming eksena ni Beauty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“With Beauty, every eksena, I feel connected with her, Even outside taping mabuti siyang kaibigan. Na-surprise ako na nag-click kami ni Beauty.

“I think getting the chance to know Beauty ang highlight ng 2023 ko. I love that woman!”

Sa personal na buhay ni Divine, waley pa rin daw siyang love life. Pinapaubaya na raw niya ito kay Lord.

“Naku, babalitaan ko kayo pag nakamit ko na ang tagumpay. Ramdam ko naman na pini-prepare ni Lord ang magandang plot twist ng buhay ko. Ang magpapakilig sa cupcake ko!

“Ayoko naman pakialaman ang desisyon ni Lord. Sabi ni Lord as a Disney princess lang daw ako, wag daw akong pala desisyon.”

Read Next
Read More Stories About
Divine Aucina
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In reel world, Divine Aucina usually plays BFF to female leads. In real life, her set of friends now includes Celia Rodriguez. Inset: Divine sings "Never Enough," a favorite song of Celia.
PHOTO/S: @divs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results