PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TAPE to appeal IPO decision to cancel its Eat Bulaga! trademark

TAPE: "Anuman ang mangyari, ang nasimulan naming Tulong At Saya, tuloy-tuloy lang."
by Arniel C. Serato
Published Dec 6, 2023
TAPE to appeal IPO decision
TAPE: "Tuloy ang Tahanang Pinakamasaya. Tuloy ang Pasko na Pinakamasaya. Eat Bulaga!"
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Hindi susuko ang Television And Production Exponents (TAPE), Inc. nang ganun-ganun na lamang sa labanan sa "Eat Bulaga" at "EB" trademark na binawi sa kanila ng Intellectual Property Office (IPO).

Binawi ng IPO sa TAPE ang paggawad sa kanila ng trademark nitong nakaraang December 4, 2023, na nagsilbing daan din upang ibigay ito sa tunay na may likha na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ.

Read: TVJ wins Eat Bulaga! trademark case; IPO cancels Eat Bulaga!/EB trademark of TAPE

Sa ulat ng 24 Oras kagabi, December 5, 2023, sinabi ng isa sa mga abogado ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na hindi pa tapos ang laban.

Marami raw legal remedies na kanilang gagamitin upang makuhang muli ang "Eat Bulaga" trademark.

Pahayag niya, “TAPES’s handling lawyer for IPO cases, Atty. Siao, has not received copy of said decision yet.

“But if this is true, under the rules, TAPE can appeal this decision to the director of BLO of IPO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"TAPE Inc. will avail of all legal actions to reverse this decision.”

Read: Can TVJ now use Eat Bulaga! for their TV5 noontime show after IPO decision?

Sa post naman ng TAPE Inc. Facebook account ngayong Miyerkules, December 6, 2023, inihayag ng management na tuluy-tuloy lamang ang pagbibigay nila ng tulong at saya sa noontime show na Eat Bulaga!.

Kalakip nito ang balitang hindi pa raw maaring gagamitin ng TVJ ang titulong "Eat Bulaga" habang naka-apela ang kaso.

Buong post nila, "Anuman ang mangyari, ang nasimulan naming Tulong At Saya, tuloy-tuloy lang.

"Kayo ang dahilan at ito ang pinakamahalaga para sa amin.

"Tuloy ang Tahanang Pinakamasaya.

"Tuloy ang Pasko na Pinakamasaya. Eat Bulaga!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa katatapos lamang na presscon ng TVJ at legit Dabarkads ngayong araw, sinabi ng mga haligi ng E.A.T. na sina Tito, Vic, at Joey na maraming aabangan sa noontime show ngayong pinanigan sila ng batas.

At muli na ngang narinig ang iconic theme song na "E.A.T. Bulaga" sa opening ng programa.

Read: TVJ, Jeny Ferre file copyright infringement and unfair competition complaints vs TAPE, GMA-7

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TAPE: "Tuloy ang Tahanang Pinakamasaya. Tuloy ang Pasko na Pinakamasaya. Eat Bulaga!"
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results