PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

It's official: Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega exclusively dating

Miguel to Ysabel: "Kahit na hindi ako pasensiyosong tao, hinahabaan ko for you."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 12, 2023
Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega confirm they're exclusively dating
Ysabel Ortega on how Miguel Tanfelix makes her happy: "Siguro yung patience niya. Well, kasi halos araw-araw magkasama kami. Even kapag hindi kami magkasama, lagi niya akong kinakausap and palagi akong nagra-rant sa kanya about my problems. Super grateful ako na palagi siyang nandiyan para makinig sa lahat."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Pagtatapat ng dalawang Kapuso stars sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, December 12, 2023, higit pa sa magka-love team o magkaibigan ang turingan nila dahil "exclusively dating" na sila.

Hindi raw nanliligaw sa iba si Miguel at hindi rin nagpapaligaw sa iba si Ysabel.

Pagtatapat ni Miguel sa host na si Boy Abunda, "Napag-usapan po natin kanina, may business [si Ysabel], nagpi-film school naman ako. So, hindi po kami in rush ni Ysabel.

"Alam naman natin na once na nagmadali ka sa isang relasyon ay puwedeng masayang yung isang magandang bagay."

Mabilis naman itong sinang-ayunan ni Ysabel.

Aniya, malaki ang pasasalamat niya sa Kapuso actor dahil sa pagtitiyaga at pagmamahal nito sa kanya.

May isang segment kunsaan binigyan ng pagkakataon ni Boy sina Miguel at Ysabel na tanungin ang isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ni Miguel kay Ysabel, "I just wanna know kung genuinely happy ka ba sa kung anong meron tayo ngayon?"

Sagot ni Ysabel, "Honestly, yes, of course. Super.

"Hindi mo alam how much you make me happy."

Read: Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega reveal memorable gifts to each other

Sundot na tanong ni Boy, "Ysabel, is there specific thing that really makes you happy?"

Sa puntong ito, naging emosyunal na si Ysabel nang isa-isahin kung paano siya napapasaya ni Miguel.

Ayon sa dalaga, "Siguro yung patience niya.

"Well, kasi halos araw-araw magkasama kami. Even kapag hindi kami magkasama, lagi niya akong kinakausap and palagi akong nagra-rant sa kanya about my problems.

"Super grateful ako na palagi siyang nandiyan para makinig sa lahat."

Read: Miguel Tanfelix admits dating Barbie Forteza, Bianca Umali, Kyline Alcantara in the past; currently courting Ysabel Ortega

Hindi rin pinalampas na tanungin ni Ysabel si Miguel.

Tanong niya sa binata: "How long are you willing to love me?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mabilis na sagot ni Miguel, "Ako, tama yung sinabi ni Tito Boy kanina, na yung love makes you stronger. And ako, never kong nakita yung sarili ko na ganito before.

"So, nagugustuhan ko yung version ng self ko ngayon kaya I'm willing to wait.

"Yung patience ko kahit na hindi ako pasensiyosong tao, hinahabaan ko for you."

Read: Miguel Tanfelix, naka-pogi points dahil sa sinabing willing maghintay kay Ysabel Ortega

Noong February 9, sa Fast Talk With Boy Abunda rin nang ibunyag ni Miguel sa publiko na nililigawan niya si Ysabel, kasabay ng panliligaw niya sa ina ng young actress na si Michelle Ortega-Pimentel.

Read: Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega grilled about real score between them

Sabi noon ni Miguel, "Kailangan po kasi nating sundin yung nanay ni Ysabel, medyo strict po si Tita.

"Respeto din po sa desisyon niya sa anak niya, dahil kahit papaano kailangan din pong ligawan yung magulang ng nililigawan mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nililigawan ko po silang dalawa. Nililigawan ko po si Ysabel at yung nanay niya po."

Read: Ina ni Ysabel Ortega, kinumpirmang nanliligaw sa anak si Miguel Tanfelix

Ayon pa kay Miguel, gusto niyang mag-focus si Ysabel sa kurso nitong law, kaya't handa raw siyang maghintay hanggang sa maging okay na ang lahat at makatapos ito sa pag-aaral.

Read: Ysabel Ortega on suitor Miguel Tanfelix: "Sinasamahan niya akong mag-aral."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ysabel Ortega on how Miguel Tanfelix makes her happy: "Siguro yung patience niya. Well, kasi halos araw-araw magkasama kami. Even kapag hindi kami magkasama, lagi niya akong kinakausap and palagi akong nagra-rant sa kanya about my problems. Super grateful ako na palagi siyang nandiyan para makinig sa lahat."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results