PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KathNiel Comeback? Daniel Deletes Breakup Post

Is Daniel Padilla trying to reconcile with Kathryn Bernardo?
by Arniel C. Serato
Published Dec 14, 2023
Danie Padilla removes breakup message
Eagle-eyed netizens notice that Daniel Padilla removed his breakup message to ex-girlfriend Kathryn Bernardo earlier today, December 14, 2023.
PHOTO/S: File

Binura ni Daniel Padilla ngayong araw, December 14, 2023, ang kanyang breakup message sa ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Napansin ng mapanuring mata ng netizens na nawala ang kanyang mensahe sa Instagram noong nakaraang November 30, 2023.

Read: Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."

Matatandaang tila tula ang madamdaming breakup message ni Daniel para kay Kathryn na may titulong "Ikaw at ako."

Habang isinusulat ang artikulong ito, ang title na lamang ang natira sa mahaba niyang mensahe.

View this post on Instagram

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)

Ang buong mensahe ni Daniel, noong halos sabay nilang inamin sa publiko ni Kathryn ang kanilang hiwalayan ay ganito:

"11 years.

"K [sunflower emoji] D

"Pagibig.

"Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito, isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka. At mahalin mo.

"Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows.

"Our lives may drift away, but our love will still ride that tide.

"Kathniels, maraming salamat sa pagmamahal ninyo. Maraming salamat sa napakagandang pinagsamahan natin. Hinding hindi namin ipagpapalit at hindi makukumpara kahit anong pang gawin nila. Hinding hindi nila pwedeng sirain yun. This is beyond show business. Pamilya kayo at mga kaibigan. Magiging mahirap pero kailangan natin yakapin ang kinabukasan.

"I pray for us to grow, and heal.

"Bal, ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan."

Daniel Padilla breakup message

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."

Samantala, nanatili namang nasa Instagram pa ni Kathryn ang kanyang breakup message.

Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla

Umaasa naman ang KathNiel, ang fans ng dalawa, na may balikang nagaganap.

Nagkasama muli sina Kathryn at Daniel sa Asia Artist Awards na ginanap ngayong gabi sa Philippine Arena sa Bulacan.

Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla on friendly terms as they accept awards at AAA 2023

Noon lamang December 13, unang pinakita nina Kathryn at Daniel na kaya nilang makipagtrabaho sa isa't isa sa kabila ng breakup.

Read: Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinatunayang kaya nila magsama on stage sa kabila ng breakup

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eagle-eyed netizens notice that Daniel Padilla removed his breakup message to ex-girlfriend Kathryn Bernardo earlier today, December 14, 2023.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results