May nakakatawa, nakakamangha, nakakainis, at nakaka-inspire.
Ganito ang mga naitatampok ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa tinatawag naming Non-Celebrity Stories.
Kinabibilangan ito ng human interest stories—both local and foreign stories—na pinag-usapan nang husto at nag-trending sa social media, including TikTok videos.
Nariyan din ang mga kuwentong nag-generate ng iba't ibang reaksiyon at emosyon mula sa netizens, partikular ang inspiring stories.
Balikan natin ang ilan pa sa mga trending stories nitong 2023 na nailathala dito sa PEP.ph.
A DAM IS DRAINED TO RETRIEVE A FALLEN PHONE
Isa sa naging trending topics this year ay ang pagpapa-drain ng isang lalaki sa dam para ma-retrieve ang kanyang nahulog na mobile phone.
Ito ang kuwento ni Rajesh Vishwas, 32, na nakahulog ng kanyang Samsung S23 phone sa Kherkatta Paralkot reservoir, sa India, noong May 21, 2023.
Nagsi-selfie si Rajesh noon at aksidenteng nabitawan ang phone kaya nahulog ito sa tubig, ulat ng The Times of India.
Nag-panic si Rajesh dahil ang kanyang phone ay naglalaman ng sensitive government data.
Tumawag siya sa Irrigation Department, at may divers na sumisid sa reservoir para ma-retrieve ang phone, pero hindi nila ito nakita.
Ang ginawang sumunod na hakbang ay ang pagpapaandar sa 30-horsepower pump para limasin ang may two-million liters of water sa reservoir.
Nagtagal ng tatlong araw ang pag-drain ng tubig.
Nakuha ang phone, pero ayaw na nitong mag-power on.
Nagdusa si Rajesh sa kanyang ginawa.
Sinuspinde siya ng kanyang ahensiya, at ipinag-utos ng Water Resources Department na magbayad siya ng Rs 53,000 (PHP36,000) bilang multa.
Dahil ang ginawa ni Rajesh ay isa ring paglabag sa Irrigation Act of India, nagsagawa ng imbestigasyon ang departmento para alamin ang awtoridad na nagbigay ng go-signal kay Rajesh para mapa-drain ang reservoir.
Read: TRENDING: Dam pina-drain para makuha ang phone na nahulog habang nagse-selfie
THE PHOTOCARD-STEALING INCIDENT THAT NEVER HAPPENED
Noong March 2023, nag-trending ang isang screenshot ng pakikipag-usap ng isang K-pop fan sa kaibigan.
Himutok ng K-pop fan, hinablot umano ng isang magnanakaw ang K-pop photocard merchandise na nakasabit sa kanyang bag.
Ang screenshot ay ibinahagi sa social media ng iba pang K-pop fans kaya nag-trend. May malaking K-pop fanbase sa bansa.
Ang kumalat na screenshot sa social media ukol sa umano'y panghahablot sa K-pop photocard na nakasabit sa bag ng isang K-pop fan
Ang insidente ay isinisi sa pagkaka-feature ng kuwento ni "Bea" sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) noong March 5, 2023.
Si “Bea” ay isang K-pop fan na diumano’y nang-umit sa kanyang lola sa maraming taon hanggang umabot sa PHP2.7 million ang naumit niya para mabili lang ang merchandise ng kanyang K-pop idols.
Kabilang sa itinampok sa kuwento ni Bea ang binili niyang K-pop photocard merchandise na nagkakahalaga ng PHP50,000.
Iyon daw ang nagtulak para magkaroon ng insidente ng nakawan, sa pag-aakalang mabebenta ang photocard items sa malaking halaga.
Kinondena ng KMJS ang paninisi sa kanila sa pamamagitan ng isang official statement.
Binanggit din nila na sa kanilang pagsisiyasat ay walang police report ukol sa insidente ng nakawan sa binanggit na MRT station, kung saan umano nangyari ang panghahablot.
Read: KMJS issues statement about alleged K-pop photocard snatching incident report
A BROKEN SANDAL DURING GRADUATION
Noong June 2023 ay kumalat sa social media ang video ng isang mag-ina sa Negros Occidental. Magtatapos sa kolehiyo ang anak at sasamahan siya ng ina sa stage para sa graduation ceremony.
Pero nang papaakyat na sa entablado si Anne Rose Quinto, napigtas ang isa sa sandals ng inang si Girlie.
Humingi sila ng saklolo sa boyfriend ni Anne Rose na nasa venue. Pinakiusapan ni Nanay Girlie ang boyfriend ng anak na samahan si Anne Rose sa entablado.
Pero pagdating sa stage, sinabihan si Anne Rose ng kanyang guro na kailangan ay ang nanay niya ang magsabit sa kanya ng hood.
Nagmadali pababa ng stage si Anne Rose at pumunta sa kinaroroonan ng ina. Tinanggal ang kanyang sapatos at ipinasuot sa ina. Nagmadali sila sa entablado. Akay-akay ng nakayapak na si Anne Rose ang inang nakasuot ng sapatos na hindi sukat sa kanyang paa.
Tanging si Anne Rose na lamang ang hindi nakakaakyat sa entablado noon kaya ang focus ng mga tao ay nasa kanila ng ina.
Nagpalakpakan ang mga tao sa touching moment na ito—kaya mabilis itong nag-viral.
Sa kanyang graduation, tinanggal ni Anne Rose Quinto ang kanyang mga sapatos at ipinasuot sa inang napigtasan ng sandals
Dahil sa eksenang ito, isang review center ang nag-alok kay Anne Rose ng full scholarship for board-exam review.
Nagtapos si Anne Rose ng BSED Mathematics sa Bago City College sa Negros Occidental.
Read: VIRAL: Estudyanteng nagyapak sa graduation dahil ipinahiram ang sapatos sa ina
JEEPNEY DRIVER NA NAKASAGI NG VAN, NIREGALUHAN PA
Nakakaantig din ang isa pang nag-viral na kuwento ng isang may edad na jeepney driver na aksidenteng nakasagi ng rental van sa Pampanga.
Ang kuwento ay ipinost ni Kamz Alvarez, isang overseas Filipino worker sa Canada.
Ang kanyang shop at rental van sa Pilipinas ay mina-manage ng kanyang kapatid.
Hindi sinasadyang naurungan ng isang 74 anyos na jeepney driver ang rental van nina Kamz.
Hinarap naman ng matanda ang kampo ni Kamz dahil sa insidente. Nakipag-usap siya sa kapatid ni Kamz para akuin ang nangyari.
Ipinadala kay Kamz ng kanyang kapatid ang picture ng driver.
Nahabag si Kamz sa itsura ng matanda at sinabihan ang kapatid na huwag nang singilin ang matanda para sa danyos perwisyo.
Natuklasan nilang nakikipasada lang ang matanda at two weeks prior ay na-ospital ito dahil sa tubig sa baga.
Kinabukasan, bumalik sa shop ang matanda at nagdala ng prutas at gulay para sa kapatid ni Kamz bilang pasasalamat.
May iniabot namang grocery items, bigas, at kaunting cash ang kampo ni Kamz.
Sabi ni Kamz sa isang interview, “May this remind us that small act can make big impact. Minsan, hindi mo kailangang maging tama. Minsan kailangan mo lang ng pang-unawa.”
Read: Jeepney driver na nakasagi ng van, binigyan pa ng bigas at groceries ng van owner
A VERY EXPENSIVE WEDDING
Yayamaning wedding naman ang kuwento ng couple mula sa Surabaya, Indonesia, nito lamang early December.
Ang pa-souvenir lang naman para sa 2,000 guests ay Hermes plates na nagkakahalaga ng $150 o mahigit PHP8,000 each.
Ang special guests and performers ay mga kilalang international artists, gaya nina Brian McFadden ng '90s boyband na Westlife, Keith Duffy ng Irish boyband na Boyzone, at Nicole Scherzinger ng The Pussycat Dolls.
Trivia about the wedding, ang expenses ay umabot ng $4.8 million o tinatayang PHP268 million.
Walong buwan ang pagpaplano at tumagal ng anim na araw ang pagse-set up sa reception na ginawa sa The Westin Surabaya.
Ang rich couple ay sina Ryan Harris, 35, at Gwen Ashley Widodo, 19.
Si Ryan ay anak ng dating presidente ng AirAsia Indonesia na si Pin Harris.
Si Gwen, isang fashion designer, ay anak ng kilalang property tycoon sa Surabaya na si Markus Widodo at ng kilalang Indonesian fashion designer na si Warren Tjandra.
Ang wedding ay ikinumpara pa nga sa kilalang book-to-big-screen na Crazy Rich Asians, isang romantic story na tumatalakay rin sa lifestyle of a rich family in Singapore.
Read: "Crazy Rich" wedding includes Hermès souvenirs, international pop stars as guests

Couple Ryan Harris and Gwen Ashley Widodo (left photo) with guests at their wedding, Nicole Scherzinger ng The Pussycat Dolls (right photo, top) and Keith Duffy of Irish boyband Boyzone beside Brian McFadden of '90s boyband Westlife (right photo, bottom).
