Trending na usap-usapan ngayon sa social media ang love scene nina Elijah Canlas, 23, at Xyriel Manabat, 19, sa latest episode ng iWantTFC drama series na Senior High.
Sa serye, si Elijah ay gumaganap bilang si Archie, habang si Xyriel naman ay si Roxy.
Sa episode ng Senior High kagabi, January 2, 2024, naganap na ang pag-amin ni Archie kay Roxy na may gusto siya rito, matapos ipagtanggol ni Archie si Roxy sa lalaking balak magsamantala sa kanya sa bar.
Read: Xyriel Manabat opens up about going to therapy after "sexual assault" on her photos
Dito rin nangyari ang intimate scene ng dalawa nang magprisinta si Archie na ihatid si Roxy sa bahay nito.
Read: Former child actress Xyriel Manabat back to acting in daring role
NETIZENS REACT
Sa X (dating Twitter), mabilis na nag-trending ang "ROXCHIE LANDIAN DAY" matapos silang kakiligan ng netizens.
"RoxChie" ang nabuong pangalan sa tambalan ng dalawa.
Tweet ng isang netizen (published as is), "Grabe naman ang best actress at best actor ng kani-kanilang henerasyon. Xyriel and Elijah Mothering, Fathering and Mouth Watering sharoooot."
Saad ng isa, "archie na siga sa lahat pero laging tiklop kay roxy soft for this scene huhu,,, kung ako yan di ka pa nagsosorry apology accepted na agad archie ROXCHIE LANDIAN DAY."
Sabi pa ng isa, "we’re so used to getting little to no crumbs now they gave us a whole ass meal. lmao mas grabe pa to sa landian. masyado naman ata ginalingan ni archie??!! ROXCHIE LANDIAN DAY"
Read: Elijah Canlas, first time mag-plaster para sa daring scenes sa Livescream
Bukod sa kanilang chemistry, hinangaan din sina Elijah at Xyriel sa galing ng mga ito sa acting at pagbibitaw ng linya sa isa't isa.
Sabi ng isang netizen, "Sana bigyan sila ng big break ng abs!!nakakakilig silang dalawa sa SH!"
"aside from xyriel and elijah’s chemistry, the reason why i find their pairing to work so well is the fact that they are great actors individually. both of them can deliver their scenes w/o having one carry the other," dagdag pa ng isa.
Read: Xyriel Manabat on having big breasts: "Sa totoong buhay po, masakit sa likod."
