PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dimples Romana: Angel Locsin Happy, Away from Limelight

Dimples: "Kapag nakita niyo siya, yung face niya maaliwalas."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 17, 2024
Dimples Romana shares update on best friend Angel Locsin
Dimples Romana (left) on best friend Angel Locsin (right) taking a long break from social media and showbiz: "I will tell you na sa nangyayari sa buhay ni Gel, naturuan niya ako na hindi lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa buhay mo has to be posted online."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Angel Locsin Facebook

Hindi na bago kay Dimples Romana na siya ang tanungin kung kamusta na ang buhay ng matalik niyang kaibigan na si Angel Locsin.

Lagpas isang taon nang walang paramdam sa social media at hindi nagpapakita sa publiko si Angel, kaya ganoon na lamang siya ma-miss ng fans.

Madalas pa ngang mas aktibo sa social media ang mister niyang si Neil Arce, pero kahit sa mga post nito ay hindi niya ipinapakita si Angel.

Read: Angel Locsin “enjoys” life away from limelight, social media

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling reporters si Dimples sa Luxe Skin's Collavera mediacon, sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig, noong January 15, 2024, muling inusisa si Dimples kung kumusta na si Angel.

Tinanong din kay Dimples kung may anak na ba si Angel sa tagal nitong pamamahinga sa showbiz, makaraang magpakasal sila ni Neil via civil wedding noong August 21, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Neil Arce reacts to fake news of his separation from wife Angel Locsin over Maxene Magalona

"Wala, wala pa po," tipid na sagot ni Dimples.

Kung mayroon man daw, siya raw ang unang makakaalam nito lalo na't madalas silang nagkikita ni Angel para magkamustahan.

Ani Dimples, "Kung marami ang nakaka-miss sa kanya, ako rin nami-miss ko rin siya."

Read: Dimples Romana answers this question: "Where is Angel Locsin?"

Matagal nang magkaibigan sina Dimples at Angel.

Isa si Dimples sa unang nakatrabaho ni Angel nang lumipat ang dating GMA-7 star sa ABS-CBN noong 2007. Gumanap silang mag-best friend sa teleseryeng Lobo na umere sa Kapamilya network noong 2008.

Read: Dimples Romana thrilled paragliding scene ala CLOY of bestie Angel Locsin gone viral

Pagtitiyak ni Dimples sa mga taghanga ni Angel, maayos ang kalagayan ng kaibigan at masaya ito sa kung ano at kung anong meron siya ngayon.

Pagbabahagi niya, "Hindi [siya lumalabas] pero nandito lang siya [sa Pilipinas].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okay naman po siya, very happy siya. I saw her, she felt very light.

"Nagkukulitan kami, kumakain kami together. Nakikita niya ang mga bata kasi kapag dinadala ko yung kids ko.

"I’m very happy on how she’s doing with her life because she’s showing a lot of people that, 'Okay, we make choices, and this is my choice. This makes me happy and you don’t know all about it.'"

KEEPING PERSONAL SPACE PRIVATE

Kung mayroon man daw natutunan si Dimples sa pagiging MIA o missing in action ni Angel, ito ay ang pagpapahalaga sa personal na buhay at trabaho.

Lahad ng Kapamilya actress, "I will tell you na sa nangyayari sa buhay ni Gel, naturuan niya ako na hindi lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa buhay mo has to be posted online.

"And nakita ko yung value na itinuro sa akin ni Gel na happy siya. I got to see her, I get to see her anytime.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"She doesn’t hold her phone, she doesn’t reply to anybody.

"I’m sure kahit kay Neil yan, ewan ko ha, pero feeling ko ganon, e. Kasi she detoxified herself from social media.

"And alam mo, ang galing niya, e, kasi for the longest time she’s been under the magnifying glass.

"Kaya naisip ko, ‘Oo nga, 'no, puwede tayong maging masaya na hindi lahat naka-post yon.’"

Read: Dimples Romana says Angel Locsin “very much aware” people look for her

Ang siste, unti-unti na rin daw ginagawa ni Dimples ang natutunan niya kay Angel, lalo na't ito rin ang gustong mangyari ng non-showbiz husband niyang si Boyet Ahmee.

Saad ni Dimples, "Ang galing, e. So, tuloy, natutunan ko na ako rin, for example, parts of my family life I don’t post online anymore.

"Kasi feeling ko, bugbog na bugbog na kami sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.

"Ang dami na nilang alam tungkol sa pamilya ko, how I do my job.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, mostly now, the one I would post is about the children.

"Every now and then, Boyet will be there. Si Boyet kasi naging shy overtime, lalo na nung pandemic.

"Because siyempre nakita niya na parang I post about Cap [Callie], I post about Alonzo, lalo na si Elio, especially when he came out, lalo na halos mga artista yung mga ninong at ninang niya.

"So, si Boyet, he always reminds me to keep our family and privacy to honor it kasi siya yung padre de pamilya.

"He said, ‘Ito lang yung puwede mong i-post, huwag mo na i-post yung ganito.’ He grounds me talaga.

"Nirerespeto ko naman yon kasi ayoko naman na, yung parang because I am the artista, parang automatic na sina Boyet will have to adjust to my lifestyle.

"Mali naman yon."

Read: Celebrities touched by Dimples Romana's reunion with daughter Callie Ahmee in Australia

ANGEL TAKING TIME OFF FROM SHOWBIZ

Samantala, natanong din si Dimples kung nababanggit ba sa kanya ni Angel ang pagbabalik-showbiz nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Dimples, "Hindi po namin pinag-uusapan yan. Kasi kapag nandoon po ako sa kanila, ang pinag-uusapan namin ay mga anak ko, kamusta ako, ganon siya, e.

"Kasi nga, hindi naman na siya ganon ka-updated na sa social media. Ano siya talaga, detox.

"Gusto ko yung ganon siya, kasi ang ganda ng effect sa kanya. Kapag nakita niyo siya, yung face niya maaliwalas."

Read: “Angel Locsin” resurfaces on Facebook months after absence

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dimples Romana (left) on best friend Angel Locsin (right) taking a long break from social media and showbiz: "I will tell you na sa nangyayari sa buhay ni Gel, naturuan niya ako na hindi lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa buhay mo has to be posted online."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Angel Locsin Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results