Si Ashley Melendez ng Puerto Rico ang kinoronahang Miss Global 2023 sa ginanap na grand coronation sa Phnom Penh, Cambodia, nitong Huwebes ng gabi, January 18, 2024.

Dinaig ni Ashley ang 79 pang kandidata na kinatawan ng iba’t ibang bansa, kabilang na ang pambato ng Pilipinas na si Pearl Hung.
Bigong masungkit ni Pearl ang back-to-back win sana ng Pilipinas, pero nakapuwesto pa rin siya bilang third runner-up.

First runner-up si Miss Samoa Haylani Pearl Kuruppu.

Second runner-up si

runner-up naman si Miss Vietnam Thuy Doan.

Si Miss Global 2022 Shane Tormes ng Pilipinas ang nagputong ng korona kay Ashley.
Read: Philippines' Shane Tormes is Miss Global 2022
Samantala, bigo mang maiuwi ni Pearl ang ikalawa sanang Miss Global crown sa bansa ay nagpasalamat pa rin siya sa mga Pilipinong sumuporta sa kanyang laban.
Sa panayam niya sa ABS-CBN matapos ang coronation night, sinabi ni Pearl na wala siyang pinagsisisihan sa kanyang naging performance dahil ibinigay niya ang lahat ng makakaya para sa bansa.
Aniya, “It feels so amazing and I feel so grateful kasi nandito tayo ngayon.
“Imagine, out of 70 candidates, and this is just my second pageant na ginawa ko sa life ko, ever, and nandito tayo sa third runner-up.
“I’m very, very grateful to be here knowing that we experienced a lot, sobrang dami talaga that will really challenge you as a person.
“More than that, I know that I’ve given you the best performance that I can.
“Ang sabi ko nga, isu-surrender ko na lang kung ano yung ibigay sa akin, alam ko lahat ng yon may purpose.
“Masaya ako kasi masayang-masaya ang mga kasama nating Pilipinong nandito.”
Bukod sa mga kandidata ng Miss Global 2023, inabangan at tinutukan din ang coronation night ng pageant fans dahil sa mga host nitong sina Miss Universe 2023 first-runner up Anntonia Porsild at Italian actor-model Nico Locco.
Read: Michelle Dee, Anntonia Porsild comfort each other after Miss Universe 2023
