Natatawang sinagot ng Kapamilya singer-actress na si Jayda Avanzado ang isang netizen na pinagkamalan siyang anak ng Kapuso TV host-actor na si Dingdong Dantes.
Sa TikTok nitong Biyernes, January 19, 2024, isang netizen ang nag-iwan ng komento sa isang TikTok video ni Jayda.
Dito, pinuri niya ang kagandahan ng dalaga na nahahawig daw sa mister ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes.
Buong komento ng netizen (published as is), “ganda kamukha mo dad mo si dingdong dantes.”
Hindi naman napigilang gawan ng separate video ni Jayda ang komentong ito, kung saan dito ipinaliwanag niya na wala siyang koneksiyon sa Kapuso actor na si Dingdong Dantes.
Read: What if Aljon Mendoza courts her, Jayda Avanzado reacts: "Habang may buhay may pag-asa."
Ngunit hindi rin daw niya masisisi kung mapagkamalan siyang anak ni Dingdong Dantes dahil katukayo nito ang kanyang tunay na ama na si Dingdong Avanzado.
Paliwanag ni Jayda sa video, “Maraming salamat po, pero disclaimer lang, hindi po ako anak ni Dingdong Dantes, ibang Dingdong ang tatay ko.
“Ito po yung tatay ko, si Dingdong Avanzado. Si Jayda Avanzado po ako."
@jedijayda Replying to @Ranmaru Mori Ah eh…okay na po sana…kaso…???? (Pero shoutout talaga kay @Dong Dantes, ang galing nya talaga sa #rewind #rewindmmff ? sa susunod na habang buhay ben and ben - REINA
Si Jayda ang nag-iisang anak ng OPM singer na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.
Read: Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, Ian Veneracion ipinahiya sa social media dahil sa usaping pera
Gayunpaman, nagpasalamat pa rin si Jayda sa pamumuri ng netizen sa kanya.
Binati rin niya sa video si Dingdong Dantes, kalakip nang pag-amin niya na isa siya sa mga tagahanga nito.
Ani Jayda, “Shout out kay Dingdong Dantes kasi naging fan niya ako after ko mapanood yung Rewind, napakahusay na artista talaga.”
Read: DongYan's Rewind is now the highest-grossing film in PH domestic sales