Nagbigay ng reaksiyon ang controversial drag artist na si Pura Luka Vega, Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay, tungkol sa pagkakaaresto sa social media influencer-vlogger na si Toni Fowler noong Biyernes, January 19, 2024.
Ang pag-aresto kay Toni ay kaugnay ng kasong kriminal na isinampa sa kanya ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI).
Read: Toni Fowler reacts to KSMBPI "obscenity" charges
Noong September 27, 2023, sinampahan si Toni ng KSMBPI ng paglabag sa Article 201 of the Revised Penal Code, in relation to Section 6 of Republic Act 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Dahil ito sa umano'y "obscene" o kalaswaan sa music video ng vlogger sa kanyang kantang "MPL."
Sa halagang PHP120,000 nakapagpiyansa naman agad si Toni para sa panandalian niyang kalayaan, habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon bunsod ng kasong isinampa sa kanya.
Read: Toni Fowler posts bail after arrest for alleged cybercrime violation
Sa X (dating Twitter) noong January 20, ipagtanggol ni Pura si Toni at ang iba pang performers na aniya'y naiipit dahil sa panggigipit ng ilang pribadong sektor.
Paninindigan ni Pura, walang masama sa pagpapahayag ng sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga ninanais.
Kinuwestiyon din niya ang depinisyon ng moralidad na iniuugnay ngayon sa pag-aresto sa mga performer dahil lamang sa kanilang pagiging malikhain.
Ani Pura (published as is), “What is your definition of "morality"?
"Why are we going after people who are expressing themselves through their art?
"I’ve said this before and I will say it again, if you don’t like what you are seeing/hearing, then simply move on and find the ones you like."
Read: Hits and misses in Toni Fowler's viral music videos
Isa rin si Pura sa mga sinampahan ng kaso ng KSMBPI noong October 23, 2023, dahil sa kontrobersiyal niyang "Ama Namin" remix drag performance noong July 10, kung saan nagsuot siya ng costume na mala-Poong Nazareno sa isang bar.
Read: "Drag art"? Pura Luka Vega draws flak for "offensive" act of "Ama Namin"
Bukod sa patung-patong na kasong kinaharap ni Pura noong nakaraang taon ay kaliwa't kanang LGUs rin sa bansa ang nagdeklara sa kanya bilang persona non grata sa kani-kanilang lugar.
Read:
- Drag artist Pura Luka Vega arrested for failure to attend preliminary investigations
- Pura Luka Vega appeals for donations for her legal battle
Ilan sa mga lugar na ito ay ang lungsod ng Maynila, Dinagat Islands, Cagayan de Oro, Bukidnon, at General Santos City sa South Cotabato, at munisipalidad sa Floridablanca, Pampanga; Toboso, Negros Occidental; Nueva Ecija; at Coron, Palawan.
Read: Declared persona non grata by 3 more LGUs Pura Luka Vega also faces another criminal suit
READ MORE:
