Tila unti-unti nang nagiging bukas sa publiko si Kylie Padilla na ipakilala ang lalaking nagpapatibok ngayon ng kanyang puso.
Ito'y matapos siyang maispatan sa isang shopping mall kamakailan kasama ang isang lalaking mahaba ang buhok, nakaputing damit, at maraming tattoo sa braso.
Read: Kylie Padilla spotted with rumored boyfriend in a mall
Kinilala agad ito ng kanyang fans na si Jinno John Simon, isang tattoo artist.
Pahapyaw rin itong kinumpirma ni Kylie nang makausap siya sa TikTok ng celebrity fitness coach na si Francis Simon nitong Martes, January 23, 2024.
Sa video na in-upload ni Francis, tinanong niya si Kylie ukol pagkakakilanlan ng lalaking kasama niya sa mall
Tanong ng fitness coach sa Kapuso actress, "Meron akong itatanong, nagkakagulo [kasi] ang lahat, nagtatalo sila, e.
"Sino ba yung kasama mo sa mall, yung nakaputi [at] long hair?”
Mabilis na sagot sa kanya ni Kylie, "Ah, ayun ba? [Siya] yung nagpapasaya sa puso ko. Yun yon.”
Sundot na tanong sa kanya ni Francis, "Kilala ko ba yon?"
Natatawang sambit naman ni Kylie, "Ay, parang kilala mo, kuya. Parang kamukha mo nga e."
@fjtsimonthemafia Ano daw @Kylie Padilla ???? ? original sound - fjtsimon
Read: Kylie Padilla reflects on breakup with husband Aljur Abrenica: "I have been so afraid of life."
Hindi man pinangalanan ni Kylie ang lalaking tinutukoy nila ni Francis, kumpiyansa ang kanyang followers na ang tinutukoy nila ay si Jinno.
Nakumpirma pa ito nang may isang netizen ang nag-iwan ng komento sa TikTok video ni Francis para tanungin kung kaanu-ano ng fitness coach ang tattoo artist na si Jinno.
Mababasang comment ng isang netizen (published as is), "Kapatid po ninyo ung kasama ni Kylie [laughing in tears emoji]."
Reply dito ni Francis, "Yes po."

Hirit pa ng isa, "Bagay sila ni Kylie lakas ng dating ni Jinno."
Nireplayan din ito ni Francis, "Hehe."

Hindi ito ang unang pagkakataong naispatan si Kylie na kasama si Jinno.
Noong December 31, 2022, kasama rin ito ni Kylie nang magbakasyon siya sa Thailand, makalipas ang isa't kalahating taon mula nang maghiwalay sila ng asawang si Aljur Abrenica.
Samantala, sa eksklusibong panayam ni Kylie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Gala 2023 noong July, ipinagtapat niyang masaya ang estado ng puso niya.
Ngunit sa lahat ng kanyang pinagdaanan sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Aljur ay mas gusto muna raw niyang gawing pribado ang usapin ng kanyang love life ngayon.
Aniya, "After kasi ng everything, gusto ko na munang i-private yon.
"Hanggang Instagram-Instagram muna kayo, guys."
Read: Kylie Padilla keeps mum about love life but admits "masaya ang puso ko"
Hindi naman dito sang-ayon ang estranged husband ni Kylie na si Aljur dahil gusto raw nitong makausap at makilala nang personal ang nababalitang boyfriend ni Kylie.
Ipinunto ni Aljur na si Kylie ay ina ng dalawang anak nilang sina Axl at Alas kaya dapat masiguro niyang kilala niya ito nang husto.
Paliwanag ni Aljur: "On that part, gusto ko talagang malaman kung sino siya, what he's doing sa personal na buhay niya.
"Siyempre, hindi naman puwede na makasama siya na di ko siya kilala. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya, kung ano ang pinaggagawa niya.
"Hindi ko siya kilala. On that part, I'm trying na magtanong kung sino yan. Hindi ko siya kilala, yun ang wino-worry ko ngayon."
Read: Aljur Abrenica wants to meet Kylie Padilla's boyfriend; reacts to Kylie defending AJ Raval
Gusto lang daw niyang may idea siya kung sino ang nakakasama ng kanyang mga anak.
Ani Aljur, "Basta sa akin, hindi siya okay, sa totoo lang.
"On my part, kilala nila si AJ. Ito, di ko siya kilala. Sasabihin ko na, hindi ako okay dun."
Ang "AJ" na tinutukoy ni Aljur ay ang kanyang girlfriend ngayon na si AJ Raval.
Read: AJ Raval reveals convo with Aljur Abrenica before they became a couple
