PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sen. Bong Revilla: Walang Matigas Na Pulis Season 2

Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, hitik sa action at artista.
by Rommel Gonzales
Published Feb 4, 2024
bomg revilla walang matigas na pulis
Bong Revilla on second season of Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis: "Yung pinakamahirap talaga is to surpass the first one, pero sa tingin ko na-surpass natin yung Season 1. At sa galing ng mga artista natin, mas kabagang na ng bawat isa, galaw pa lang alam na, nasamahan pa tayo ng ibang magagaling na artista…”
PHOTO/S: Instagram

Malaki ang pasasalamat ni Senator Bong Revilla sa GMA-7 dahil sa pagbabalik ng kanyang action-comedy weekly series na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, para sa second season nito.

Read: Bong Revilla tells why he can’t commit Walang Matigas Na Pulis as a daily program

“At least yung ating project for the Season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay eto na, naibalik natin, and I’m very thankful sa GMA dahil sa tiwala na ibinigay nila sa akin.

“At mas pinalaki na Walang Matigas Na Pulis ang binigay nila. Palakpakan natin ang GMA,” saad ni Bong sa grand mediacon ng kanilang palabas na ginanap sa Seda Vertis North Hotel, sa Quezon City, noong Enero 26, 2024.

Dagdag pa niya, “And of course yung mga kasama natin, nakikita niyo ang mga naggagandahang mga naririto na mga bituin, I’m sure mamaya madilim ang kalangitan dahil ang mga bituin lahat nandirito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuri rin ni Bong ang kanyang leading lady sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na si Beauty Gonzalez.

“Sa performance ni Beauty Gonzalez, dito wala akong masasabi, talagang na-surpass niya yung Season 1, e.

“Iyon yung pinakamabigat na challenge for us, ‘no, to surpass the first one.

“And I think, at sinabi ng mga bosses natin sa GMA, na na-surpass natin iyong ating Season 1.”

Isang malaking tagumpay ang Season 1 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis. Nape-pressure ba silang higitan o pantayan man lang ang sakses ng unang season?

Sagot ni Bong, “Siguro naman sa nakita niyo [sa trailer], ‘no, ang laki ng Season 2 natin, mas pinaganda…

"Yung pinakamahirap talaga is to surpass the first one, pero sa tingin ko na-surpass natin yung Season 1.

“At sa galing ng mga artista natin, mas kabagang na ng bawat isa, galaw pa lang alam na, nasamahan pa tayo ng ibang magagaling na artista…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bong Revilla aksidenteng tinamaan ng baril sa mata sa Walang Matigas Na Pulis

Pinasalamatan din ni Senator Bong ang mga direktor ng kanilang show na sina Enzo Willliams at Rechie del Carmen, at iba pa niyang co-stars.

“Thank you sa inyo, sa lahat ng hirap natin sa proyektong ito, maraming-maraming salamat.”

May pagkakaiba ba ang karakter ni Tolome sa unang season at dito sa pangalawang season?

“Well, definitely iyon pa rin, ander de saya pa rin siya!” natawang sabi ni Bong.

“Pero naiba dahil, kasi ayoko namang maging spoiler ano, pero makikita niyo naman, magbabaligtad kami ng character ni Beauty.

"Nakita niyo naging pulis siya,” pagtukoy ni Senator Bong sa mga eksenang ipinakita sa trailer ng serye during the mediacon.

Pagpapatuloy pa ng senador, “So, abangan na lang natin iyon. Marami kaming twist sa story na ipapakita at maraming matututunan na aral.

“Iyan ang goal natin, hindi lang tayo magpapatawa at magpapakita ng malalaking aksyon, kumbaga may mga moral lesson din na mapupulot dito sa ating kuwento.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Action-comedy man ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay may lesson daw na matututunan dito ang televiewers.

Wika ni Bong, “Well, ang moral lesson naman palagi, di ba, sa relationship ng mag-asawa kailangan yung tiwala, ‘no, pagmamahal sa isa isa’t isa.

"Dahil kung puro selos katulad ni Gloria [Beauty], mapatingin lang ako nang konti sa mga hitsura nila Herlene, nila Celeste, konting ano lang, nandun na agad si ‘Tolome!!!’

“Yung mga ganun dapat ano, yung tiwala sa asawa.”

Nasa cast din ng ikalawang season ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ang beauty queens na sina Herlene Budol (Miss Philippines Tourism 2023) bilang si Mia at Celeste Cortesi (Miss Universe Philippines 2022) bilang si Diamond Ricci.

Nasa cast di ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2 sina Carmi Martin as Lucing, Jestoni Alarcon as Police Colonel Gener Alberto, Ejay Falcon as Police Captain Ace Catacutan, Liezel Lopez as Jacqueline “Jacq” Dela Torre, Niño Muhlach as Sergeant Sylvester Salonga, Dennis Padilla as Police Major Vincent Policarpio, Maey Bautista as Kapitana Candida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanmdiyan din sina Raphael Landicho as Kiko, Nikki Co as Dustin, Angel Leighton as Master Sergeant Pretty Competente, at Jeffrey Tam as Onofre “Bunso” Batumbakal.

Special guest stars naman sa serye sina Max Collins as Elize, Kelvin Miranda as Gary, Dion Ignacio as Blake, Lianne Valentin as Atty. Loretta Montecillo, Mika Salamanca as Megan Espinosa, at Sanya Lopez as Mildred Darlene Yabut.

Pati na rin sina Ramon Christopher Gutierrez as Redentor Pigsart, ER Ejercito as Juancho “Kamao” Dehado, Roi Vinzon as Vito Poblete, Jay Manalo as Pancho Blanco, Antonio Aquitania as Rafael “Paeng” Advincula, Brent Valdez as Alfred, MJ Ordillano as Harry, at Michael de Mesa as Luther Abueva.

Kapag naging isang malaking tagumpay rin ang kanilang Season 2, naiisip na ba nilang isunod ang movie version ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis at isali sa Metro Manila Film Festival 2024 sa Disyembre?

Napangiti muna si Bong bago sinabing, “Meron kaming pinaplanong panlaban sa Metro Manila Film Festival, sorpsesa iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta dito muna tayo [sa WMNPSMNM]. Basta ang masasabi ko lang, siguro naman nakita niyo na yung ibang scenes natin at umasa kayo na hindi mapapahiya ang GMA sa proyektong ito.

“That’s why I’m very thankful to GMA sa suportang ibinigay nila.”

Magsisimula na ang second season ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ngayong Linggo, February 4.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bong Revilla on second season of Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis: "Yung pinakamahirap talaga is to surpass the first one, pero sa tingin ko na-surpass natin yung Season 1. At sa galing ng mga artista natin, mas kabagang na ng bawat isa, galaw pa lang alam na, nasamahan pa tayo ng ibang magagaling na artista…”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results