Ang aktres, TV host, at comedienne na si Pokwang ay isa lamang sa maraming nalungkot sa breakup nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Related Stories:
- CONFIRMED: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
- Bea Alonzo, Dominic Roque mutually end their engagement
- Why did Bea Alonzo and Dominic Roque call off their engagement?
Dahil pareho niyang kaibigan sina Bea at Dominic, nalungkot ba siya sa balita?
Saad niya, “Siyempre naman. Mabuting tao sila pareho and I love them both.
“Nag-pray ako na sana maayos pa, sana.
"Kung talagang ano, sila naman magde-decide at mas alam nila ang mga nangyayari sa paligid nila at wala ako sa posisyon.
“Basta, ang alam ko ay mahal ko sila pareho.”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang komedyana pagkatapos niyang sumalang sa stage bilang guest entertainer sa grand launch ng The New Music Box sa Timog Avenue Quezon City, nitong nakaraang Biyernes, February 9, 2024.
POKWANG SHARES ADVICE TO BEA
May mabibigay ba siyang advice para kay Bea na siguradong matindi ang dinaramdam ngayon?
Payo ni Pokwang, “Relax, kalma-kalma ka muna.
“Hinga ka muna, inhale and exhale.
"Masyado rin kasing busy iyan, maraming ginagawa kasi masipag na tao iyan, so baka magsabay-sabay yung pagod at daming iniisip kaya kalma ka muna.
“Punta ka sa bahay, ipagluluto kita!”
Kuwela rin ang hirit ni Pokwang nang banggitin naming tila sunud-sunod na nababalitang showbiz breakups nitong mga nakaraang buwan.
"Oo nga, e. Inumpisahan namin. Charot!
“Inumpisahan namin iyan, e,” pabirong pagtukoy niya sa controversial breakup nila ng kanyang estranged partner na si Lee O'Brian.
Read: Pokwang and Lee O’Brian broke up in November 2021—Ogie Diaz
Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian
POKWANG SHARES BREAKUP SURVIVAL TIPS
Dahil tila naka-move on na siya at maituturing na expert na sa breakup, ano naman ang advice niya sa mga naghihiwalay na showbiz couples?
Ayon kay Pokwang, “Ganun talaga ang buhay.
“Sabi nga nila, kapag may nakalaan sa iyo na hindi pa iyan, may mangyayari at mangyayari na masasaktan ka para kapag dumating yung tamang tao, buung-buo ka na.
“Ako, nasaktan ako, sobrang sakit talaga kung alam niyo lang yung mga gabing hindi ako nakakatulog at umiiyak ako — not for myself, but for my daughter.
“Iniisip ko na lang na hindi siya yung tamang guy at iniisip ko na lang na may darating. Iyong pain, hayaan mo lang iyan dahil pagtitibayin ka niyan.”