Pumayag si Enrique Gil na matanong tungkol sa buhay pag-ibig.
Sa kanyang pahayag, ibinahagi ni Enrique kung ano ang naging kasunduan nila ni Liza Soberano.
Napabalita noong nakaraang taon na hiwalay na umano ang dalawa.
Pero sa recent interviews, may mga pahayag si Enrique na indikasyong sila pa rin ni Liza.
Ang host na si Regine Velasquez ang nagtanong kay Enrique ukol sa love sa February 12, 2024 episode ng Magandang Buhay.
“Can I ask about love?” pasintabi ng Asia’s Songbird.
“Puwede naman po,” mabilis na sagot ni Enrique, na ipinu-promote ang upcoming movie niyang I Am Not Big Bird.
Ani Regine kay Enrique, “Are we ready for love? Are we looking for love?”
Maingat na sagot ng aktor, “Well, not really looking. Not really looking…
“But, you know, yeah, I’m happy. I’m at peace. I’m happy,” tumatangu-tangong sagot ni Enrique.
Saka niya ipinasok ang pangalan ni Liza sa sumunod niyang pahayag.
“Me, I’m focusing on this [I Am Not Big Bird]. Liza is also focusing on her own production company, on her own projects…
“So, I’m just really happy that we’re both focused on ourselves first.
“Because we were so caught up on the two of us so much.”
Isinunod niyang binanggit ang napagkasunduan nila ni Liza.
“So, parang we talked na nga, ‘I think were not…’ this is also really good for us to go on our own path in our career, just to be able to grow.
“It’s just really exciting for me, right now, what we’re going to be doing and giving to the industry. So, yeah, yeah…”
Matutukoy na hindi tahasang sumagot si Enrique kung single o committed siya, at binanggit pa ang pangalan ni Liza.
Pero ang tiyak ay ang pagkakasundo nila ng aktres na humiwalay sa kanilang kilalang love team na LizQuen para sa individual careers.
Si Liza ay nasa U.S. ngayon para sa kanyang nagsisimulang Hollywood career.
THE BREAKUP ISSUE
Nabanggit sa Cabinet Files, ang column sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong December 2023 na inamin ni Liza sa isang unaired interview na break na sila ni Enrique.
Read: Liza Soberano inaming break na sila ni Enrique Gil sa isang unreleased interview
Taliwas ito sa recent interviews ni Enrique. Dalawang beses na siyang natanong kung magkarelasyon pa ba sila ni Liza.
Positibo ang sagot ni Enrique, pero kapansin-pansing may kasamang pag-iingat sa kanyang mga sagot.
Sa isang February 1, 2024 interview, diretsang tinanong si Enrique kung sila pa ba ni Liza.
Sagot ni Enrique: "Yeah, yeah, we're happy. We're just really busy.
"I think we just realized na, in life, parang we shouldn't always be centered around each other.
"We can do more, grow more, achieve more. And it just makes us better."
Read: Enrique Gil confirms he and Liza Soberano are still together
Muling natanong si Enrique kung sila pa ba ni Liza ng PEP contributor na si Melba Llanera noong February 9, 2024.
Magiliw na thumbs up lang ang isinagot ni Enrique, tsaka siya mabilis na nagpaalam. Hudyat ng pagtatapos ng interview.
Read: Enrique Gil speaks about long-distance relationship with Liza Soberano
