Engaged na ang Kapuso stars na sina Edgar “EA” Allan Guzman, 34, at Shaira Diaz, 28.
Bukas, Pebrero 17, 2024, ay ipagdiriwang nila ang ika-11 taon ng kanilang relasyon.
Ngayong Biyernes ng umaga, Pebrero 16, isiniwalat nila sa publiko na engaged na sila mula pa noong Disyembre 25, 2021.
Read: Is Edgar Allan Guzman ready to propose to longtime girlfriend Shaira Diaz?
Isinapubliko ng dalawa ang importanteng pangyayari sa kanilang buhay sa Unang Hirit, ang pang-umagang programa ng GMA-7 na kinabibilangan ni Shaira.
Bisita naman si EA na nag-promote ng bagong proyekto niya sa Kapuso network, ang Lilet Matias, Attorney-at-Law, na mapapanood simula sa Marso 4, 2024.
“Yes, mga Kapuso and mga UH family, Shaira and I are engaged,” rebelasyon ni EA habang naluluha sa tabi niya ang kanyang fiancée.
Dagdag pa ng aktor, “I respect Shaira a lot. Kung puwede lang naming isa-isahin.
"Pero I respect Shaira a lot so ni-respect ko lang yung time niya.
“I know na kapag nag-propose ako, baka mag-no ito sa akin, that’s the truth.
"Pero naniniwala ako sa pagmamahal niya and alam niya na kapag nag-propose ako sa kanya, pag nag-yes siya, I’m willing to wait.
"Maghihintay ako sa kanya. Sa right time niya, sa gusto niyang goal namin na pupuntahan… I’ll wait for her."
Bakit ngayon ang tamang panahon para aminin sa publiko ang kanilang mahigit sa dalawang taong engagement?
Sagot ni Shaira, “Ngayon ko lang na-feel talaga na reding-ready na ako, ready na akong gumawa ng pamilya in the future. Makasama siya habambuhay.
“So, sobrang ready na ako, gusto ko nang ipagsigawan sa mundo kung gaano kami nagmamahalan. Kung gaano ko siya kamahal.
“Itong naganap pong proposal, first time namin ise-share dito sa Unang Hirit, na sobrang mahal na mahal ko itong pamilya na ito, itong show na to.”
SHAIRA AND EA PREVIOUS INTERVIEWS
Sa previous interviews ng dalawa ay itinago nila ang katotohanang engaged na sila.
Sa pinakahuling panayam kay Shaira na nailathala sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong November 21, 2023, sinabi nitong pinag-uusapan na nila ni EA ang kasal pero hindi pa sila engaged.
Gusto raw muna nilang mag-ipon at tatapusin muna ni Shaira ang kanyang pag-aaral.
Read: Shaira Diaz reveals reason she is not engaged to Edgar Allan Guzman yet: 'Aral muna bago kasal'
Ganito rin halos ang sagot ng aktres nang makausap siya ng PEP Troika sa mediacon ng pelikulang Without You noong February 2023.
Nang tanungin naman kung sakaling mag-propose ay sinabi niyang handa na siya, bagamat noong panahong iyon ay engaged na pala sila.
Saad ni Shaira, “Ready naman na po. Pero alam naman niya po kasi ang mga kondisyones ko.
"Sabi ko, kailangan ko munang maka-graduate. Kailangan ko munang makabili ng ganito, ganyan.
“Nirerespeto naman po niya yun. So, no rush po kami parehas, lalo na’t ang gaganda na ng mga nangyayari sa career niya, hindi siya nawawalan ng trabaho. Ganundin po sa akin.
"Sana po, habang nandiyan, so yun po.”
Read: Shaira Diaz, handa na sa marriage proposal ni Edgar Allan Guzman pero...
Sa exclusive interview ng PEP.ph noong September 2022, tahasan ding sinabi ni Shaira na magnu-"no" siya kapag nag-propose sa kanya si EA noong panahong iyon.
Sabi niya, “Alam ko naman na magye-yes at magye-yes ako sa kanya.
“Pero alam niya kasi na kung anytime soon, like, kunwari ngayong taon na ito, magno-no pa ako.
“Pero sinasabihan ko kasi siya. Sabi ko sa kanya, ‘Huwag ka muna magpro-propose ha, kasi gusto ko pang mag-graduate, gusto ko pang magkabahay nang sarili ko.
“Gusto ko may something ako for myself tsaka sa pamilya ko.”
Sinabi pa ni Shaira na matatagalan pa siguro bago siya umoo kapag nag-propse sa kanya si EA.
Pero ang totoo ay halos siyam na buwan na palang silang engaged noon.
Read: Is Shaira Diaz ready to settle down with Edgar Allan Guzman?
Matagal ding inamin nina EA at Shaira sa publiko ang pagkakaroon ng relasyon.
Ito ay sa kabila nang matagal nang usap-usapan at marami na ang nakakaalam tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Inamin lamang ito ni EA noong 2019.
Paliwanag ng aktor: “Matanda na po kasi ako, e.
“Kumbaga, it’s time, kasi ang tagal ko ring itinago.
“Kumbaga, hindi naman niya deserve na itago.
“Sa ganda niyang iyon, sa galing niya, na I’m proud of her, kasi ang dami niyang achievements ngayon and maraming natutuwa sa kanya.
“Kumbaga, parang nagpe-pay off yung pinaghirapan niya, yung matagal na panahon na hinintay niya, para lang makuha yung mga breaks na ganun, so…
“I’m happy kasi, wala, para sa akin, nag-decide ako, it’s time kumbaga na makita, marinig naman ng mga tao na nagmamahal din ako. Di ba?”
Inamin din ni EA na para sa kanilang career kaya itinago nila ang kanilang relasyon sa mahabang panahon.
Read: Edgar Allan Guzman explains decision to finally admit relationship with Shaira Diaz