PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FDCP's Tirso Cruz III, Joey Reyes React to MIFF Awards Night

FDCP Chair Tirso Cruz III and Joey Reyes relate experience attending MIFF.
by Jerry Olea
Published Feb 16, 2024
joey reyes tirso cruz III fdcp
PHOTO/S: Jerry Olea

Bilang technical consultant ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), sinamahan ni Direk Jose Javier Reyes si FDCP Chairman Tirso Cruz III sa pagdalo sa inaugural Manila International Film Festival (MIFF) na ginanap noong Enero 29-Pebrero 2, 2024, sa Los Angeles, California.

Kumusta ang experience doon ni Direk Joey?

“Nakakapagod!” natatawang bulalas ng multi-awarded scriptwriter-director matapos ang open forum sa FDCP mediacon nitong Pebrero 15, Huwebes, sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“P*t*ng ina, dumating kami, Linggo ng umaga. Umalis kami, Biyernes. Lahat yon, meron kaming ginagawa!

“Talagang kung kailan jejetlag-jelag na nadodoleng-doleng ka pa, pauwi ka na. More jetlag!”

Nagseryoso kapagkuwan si Direk Joey, “Masaya na… iniintindi ko na lang na una pa lang iyon. Birth pains pa rin yon.

“Ang dami pang puwedeng gawin sa mga susunod. At mas malaki yata next year dahil 50th anniversary ng MMFF.”

Ipinalabas sa unang MIFF ang sampung official entries ng 49th Metro Manila Film Festival, kung saan isa si Direk Joey sa labing-isang hurado para sa Gabi ng Parangal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit may sarili pang awards iyong MIFF? Ano ang point niyon?

Read: MIFF Awards Night: Dingdong Dantes, Piolo Pascual tie for Best Actor; Vilma Santos wins Best Actress

“I cannot answer that. Kasi, juror ako dito. I cannot answer that,” pagmamatwid ni Direk Joey.

“Unang-una, wala ako noong awards night nila na I heard, may kung anu-anong kaek-ekan, no? Nasa airplane na ako pabalik.

“Ewan ko kung bakit meron pa rin silang awards night doon. Hindi ko alam.

“Siguro ang hinahanap ko lang doon nang pumunta is… ang American press coverage. Not only the Fil-American press.

“Sinabi ko na sa kanila, iba yung international film festival sa isang barrio fiesta. Di ba? Iba yon. Iba.”

MANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

Natapos na ang TV interview kay FDCP Chair kaya lumapit ito sa amin at nakitsika na rin kaugnay sa MIFF.

Pahayag ni Chair Tirso, “Manila International Film Festival? Wala, naimbita lang kami para mag-present ng round table.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na yun, yung sinabi ni Direk, nabanggit niya dahil siya yung… nung nagsalita siya, wala nang nagtanong, e. Tatlong points lang ang prinesent niya.

“Yung sustainability lang na ano, saka yung sinabi nga niya, ‘Nanonood ba kayo ng pelikula na dala-dala namin?’

“Tapos nun, parang gusto na nilang umuwi,” natatawang pakli ng veteran actor.

Read: Film industry representatives nag-dialogue sa government officials tungkol sa MIFF

Bakit may sarili pang awards ang MIFF, considering na may naideklara nang winners sa MMFF?

Tugon ni Chair Tirso, “Well, it was their show. Kaya nga kami, sabi nga namin, e, di ba… ang papel lang naman namin dito is to present a round table.

“Pero andami nating inupuan, no? Biglang nakasali kami sa ibang events na wala naman kami doon sa program.”

Pakli ni Direk Joey, “Alam mo, Pip, baka next year, hindi na tayo isasama.”

Part si FDCP Chair Tirso ng MMFF Executive Committee. Para sa 49th MMFF, nagbigay ang FDCP ng tig-P500,000 sa sampung opisyal na kalahok.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Chair Tirso, “Ang pinaka-part ng FDCP is yung tulong na ibinibigay namin sa mga film na pam-promote, na hindi naman ganun kalaki.

“Hindi ba? Para masabi lang na somehow, in partnership?”

Totoo bang hindi in-acknowledge ang FDCP sa souvenir program ng MIFF?

“Ha? Hindi nga,” sambit ni Chair Tirso. Pero imbitado sila, di ba?

“May magagawa pa ba kami? Di ba, kung hindi kami nabanggit. Baka naman it slipped their mind na kasama kami,” sabi pa ni Chair Tirso.

Sambit ni Direk Joey, “In fairness naman, tatlong beses kong binasa yung program. Hinahanap ko. Wala.”

ON CHRISTOPHER DE LEON SNUB FOR BEST ACTOR

Nagtabla sina Dingdong Dantes (Rewind) at Piolo Pascual (Mallari) bilang best actor sa MIFF.

Ang tatlo pang nominadong best actor sa MIFF ay sina Cedrick Juan (GomBurZa), Dante Rivero (GomBurZa), at Alden Richards (Family of Two: A Mother and Son Story).

Ano ang masasabi ni Chair Tirso na ni hindi na-nominate na best actor si Christopher de Leon sa MIFF?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pang-iisnab ng MIFF jurors kay Christopher de Leon, inalmahan ng When I Met You In Tokyo producer

Kahit maraming pinagkakaabalahan si Christopher, nagsakripisyo siya para maging kinatawan ng pelikulang When I Met You In Tokyo, tapos ay babalewalain pala ng mga hurado ang kanyang pagganap bilang leading man ng MMFF and MIFF best actress na si Vilma Santos?

Read: Vilma Santos saddened by Christopher de Leon MIFF snub

Natigilan sandali si Chair Tirso bago nagwika, “Well, yun nga, sabi nila, kung minsan… ako kasi, natatandaan ko… kasi, kahit na baguhan pa lang ako dito sa pelikula… ha! Ha! Ha! Feeling ko, ang kapal ko! Hindi.

“Nung araw kasi, pagka festival, ako, sanay ako… para bang out of respect, lahat yung leading yung cast, nominated lahat sa kanya-kanyang category.

“E, dito, may umabot sa aking balita na because na-promote yata siya, he was considered as a director, so hindi na kinunsider yung pagiging artista niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ba, pinakiusapan siya ni Ate Vi, di ba, na maging ano siya, associate director? Dahil alam niya na malaki talaga ang maitutulong ni Christopher de Leon, di ba?

“Kaya lang, sabi ko nga, di ba… kung ako ba’y kasama sa hurado, I would have a voice and speak out.

“But since hindi naman kami kasama, that was their show, wala kaming masasabi.”

Kasama si Chair Tirso sa cast ng When I Met You In Tokyo. Bilang fellow actor, ano ang naramdaman niya sa pang-iisnab ng mga hurado ng MIFF kay Christopher?

Napabuntong-hininga si Chair Tirso, “Ako, I’m not being particular. Best friend ko yan, e, BFF ko yan.

“At saka ako kasi… you’re talking of Christopher de Leon. I mean, yung taong ito, sanay na ito, e. It’s not a matter of winning or what, di ba?

“Dahil baka pag binuksan mo yung lalagyan ng trophy ng mamang ito, malibing ka, e. Hindi na niya kailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero yun nga, sana man lang… na-recognize yung trabaho niya. He may have been asked by Vilma to be a director, but siya pa rin ang leading man, e.

“And as a leading man, di ba, iba yung trabaho ng direktor, iba yung trabaho ng artista, ng leading man.”

Pagtatapat ni Direk Joey, “May nagsabi sa akin na, ‘Kasi yung mga jurors dun, kahit mga Fil-Ams, mga Amerikano na. Wala na sa kanila yung mga sense of obligation.’

“Sabi ko, OK, that’s their choice. But it’s hurtful for Christopher. Pagod na pagod siya!”

PROMOTING FILIPINO FILMS ABROAD

Pakiwari ni Direk Joey, “Feeling ko talaga, next year, hindi na tayo kasama sa MIFF. Kasi nga, round table lang ang ipinunta namin dun.”

Dagdag ni Chair Tirso, “At saka yun yung sinabi sa atin, di ba? Nung miniting kami ni Chairman Artes, ang ano talaga, the target was the round table to invite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang intensyon pa nga, to invite the Fil-Ams, na dito sila mag-shoot sa Philippines. Yun lang.”

Si Chairman Don Artes ang concurrent acting chairman ng MMDA, at chairman ng MMFF ExeComm.

Noon pa ginagawa nina FDCP Chair Tirso sa mga international filmfest ang paghihikayat sa filmmakers abroad na magsyuting sa Pilipinas.

Pagbabalita ni Direk Joey, “Pero ngayon, may dalawa na pupunta, mag-i-inquire, ganyan-ganyan. OK, if ever may dalawang pumunta e di sulit naman yung ipinunta namin din.

“Pero yun lang talaga ang partisipasyon namin. So, hindi ako nakakasiguro, hindi kami nakakasiguro na next year, imbitahin pa kami.”

Susog ni Chair Tirso, “Pero marami tayong ginawa. Aside from the…”

Singit ni Direk Joey, “Diyos ko, Lord! Andaming chuba-chuba dun na pinaupo kami na diskusyones.”

Nakita ni Chair Tirso na matagumpay ang pagpapalabas ng Filipino films sa MIFF.

Kuwento ni Tirso, “Andaming nanood. Nakakatawa nga, yung iba, nilalapitan nga kami. Gaya nung kay Boyet nga sa When I Met You In Tokyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“‘Sir, Sir, gawan nyo naman ng paraan! Pahinging tiket!’ For a showing, yung isang showing.

“Sabi ko, ‘As much as I’d like to help you, wala ho kaming tiket saka sold out. Sold out yung screening na yon.’”

Patotoo ni Direk Joey, “As in wala kaming tiket kasi hindi kami bahagi talaga ng main festival.”

Sabi ni Chair Tirso, “Guest lang kami for the round table.”

Ang round table discussion ng FDCP ay isa sa mga event ng MIFF. Naka-schedule iyon noong second to the last night. Guests sila pero hindi man lang binigyan ng tiket para makapanood ng pelikula sa MIFF?

Sagot ni Direk Joey, “Well, may mga VIP pass kami pero ang priority, yung may tickets.”

“Oo,” pag-ayon ni Chair Tirso.

Nilinaw rin nina Direk Joey at Chair Tirso na ang FDCP ang nagbayad ng kanilang airfaire papunta sa L.A. at pauwi sa Pilipinas.

Paglilinaw pa ni Direk Joey, “Ang binayaran nila, yung hotel namin. Yun lang. In fairness, maganda ang hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi pagsilip namin, nakikita namin yung ‘HOLLYWOOD.’ Naiyak ako. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results