PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dominic Roque slams spread of fake quotes attributed to him

No, he did not take a swipe at ex-fiancée Bea Alonzo.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 22, 2024
Dominic Roque laments spread of fake quotes attributed to him
Dominic Roque clarifies he did not issue any Twitter post (right) about warning guys not to choose a girl "na dumidepende sa yaman na meron ka at hindi sa pagmamahal na kaya mong i-offer."
PHOTO/S: Dominic Roque Facebook

Isa-isa nang tinutugis ni Dominic Roque ang mga maling impormasyong kumakalat ngayon sa social media tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Kabilang sa mga inalmahan ni Dominic ay ang isang Facebook page na gumawa at nagpapakalat ng pekeng balita tungkol sa kanya.

Read: Bea Alonzo and Dominic Roque: A Relationship Timeline

Sa pekeng post, pinalabas ang animo'y X (dating Twitter) post ni Dominic tungkol sa pagbibigay niya ng paalala sa mga kalalakihang naghahanap ng karelasyon.

Mababasa rito, "Guys never ever choose a girl na dumidepende sa yaman na meron ka at hindi sa pagmamahal na kaya mong i-offer. I should have known this from the start. Lesson learned."

Mabilis itong pinabulaanan ng aktor.

Aniya, hindi sa kanya galing ang nasabing pahayag at wala siyang ganitong pahayag na ipinu-post sa kanyang X account.

Saad niya sa caption ng kanyang Facebook post, nitong Miyerkules, February 21, 2024 (published as is), "Philippines No.1 Page FAKE NEWS!!![cross mark emojis] FAKE NEWS!!![cross mark emojis] FAKE NEWS!!![cross mark emojis]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito ang unang pagkakataong pinabulaanan ni Dominic ang mga kumakalat na espeskulasyon matapos nilang isapubliko ang hiwalayan nila ni Bea.

Noong February 6 nang magwakas ang relasyon ng dalawa—o halos pitong buwan matapos mag-propose si Dominic kay Bea.

Simula nito, marami nang nagsusulputang hindi beripikadong impormasyon sa dahilan ng kanilang breakup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dominic Roque breaks silence amid breakup with Bea Alonzo

DOMINIC REFUTES "BENEFACTOR" ISSUE

Hanggang noong February 20, naglabas ng official statement si Dominic kaugnay ng mga alegasyong ibinabato sa kanya ng veteran showbiz talk show host na si Cristy Fermin.

Kabilang na rito ang pahiwatig na may ugnayan si Dominic sa kapwa lalake, partikular na sa mga politician na sina Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos at former Quezon City Congressman Bong Suntay.

Read: Mga politikong pinagbibintangang "sugar daddy" ni Dominic Roque, nagsalita na

Sa pahayag ng aktor na inilabas ng kanyang legal counsel na Fernandez & Singson law office, mariin niyang kinondena ang "malicious and defamatory public statements" ni Cristy.

Wala raw katotohanan ang mga iyon.

Ayon kay Dominic, nagbato umano si Cristy sa YouTube vlog nito ng akusasyon "under the guise of entertainment news without any effort from her to confirm the same from Mr. Dominic Roque."

Nilinaw rin ng legal counsel ni Dominic na ang condo unit na tinutuluyan ng aktor ay pagmamay-ari ni Bullet, at nirerentahan daw iyon ng binata.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malisyoso raw ang pinapalabas ni Cristy na "benefactor" ni Dominic si Bullet.

Read: Dominic Roque's camp condemns "malicious and defamatory public statements" of Cristy Fermin

Dagdag pa sa pahayag, “He is embarrassed and apologizes to Mayor Bullet Jalosjos and his family for being dragged into the public conversation because of the malicious, defamatory public innuendos of Ms. Fermin."

Sinagot din sa statement ang tungkol kay dating Congressman Bong Suntay, na ikinakabit din sa pangalan ni Dominic.

“By making such a statement, Ms. Fermin made the innuendo that unreasonably casts doubt on the sexuality of former Congressman Bong Suntay."

OTHER ISSUES

Sabi pa sa statement ng abogado ni Dominic, “Furthermore, Mr. Dominic Roque does not own a Clean Fuel gas station; in fact, all Clean Fuel gas stations are company-owned."

Read: Cristy Fermin denies calling politicians Bullet Jalosjos and Bong Suntay "benefactors" of Dominic Roque

Tinalakay rin sa statement ang tungkol sa major issue na naikabit na dahilan umano ng hiwalayan nina Dominic at Bea — ang prenuptial agreement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo, Dominic Roque issue statement mutually ending their engagement

Samantala, kasunod ng paglabas ni Dominic ng statement ay nagsalita na rin sina Bullet at Bong para linisin ang kanilang mga pangalan sa pagkakadawit sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Dominic.

Read: Politicians Bullet Jalosjos and Bong Suntay clarify condo, gasoline station issues with Dominic Roque

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Roque clarifies he did not issue any Twitter post (right) about warning guys not to choose a girl "na dumidepende sa yaman na meron ka at hindi sa pagmamahal na kaya mong i-offer."
PHOTO/S: Dominic Roque Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results