Hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya actress-singer na si Maris Racal, 26, na ang dati lang niya noong iniidolong si Rico Blanco, 50, ay nobyo na niya ngayon.
Noon pa man ay bukas na si Maris sa pagsasabi kung gaano niya hinahangaan si Rico bilang isang musician.
Ngunit ang hindi alam ng karamihan ay may nangyari palang manifestation kay Maris kung kaya't nagkakilala at nagkaibigan sila ng Rivermaya co-founder na si Rico.
Read: Daniel Padilla, Maris Racal, Sarah Geronimo spotted at Rivermaya reunion concert
Sa YouTube vlog ni Dra. Vicki Belo noong Febuary 19, 2024, ikinuwento ni Maris kung paano nagsimula ang love story nila ni Rico—mula sa pagpapansin niya sa musikero sa pamamagitan ng pagpu-post sa kanyang social media accounts.
Lahad ni Maris, "Bata pa lang ako, idol ko na si Rico Blanco.
"May band kasi yung kuya ko na super fan siya ni Rico. Then yung mga ate ko, super fan [din]. So ako, nakiki-fan na din.
"Then, noong nag-artista na ako, siguro mga ilang taon na rin ako sa showbiz nun, may nagtanong sa akin, 'Anong type mo sa lalaki?'
"[Sagot daw niya] 'Ewan ko, pero parang gusto ko yung Rico Blanco na look tapos gusto ko na mahilig siya sa music.'
"Actually, gusto ko ng younger version ni Rico."
Hindi raw sukat-akalain ni Maris na diringgin ng Diyos ang kanyang hiling na mapansin ni Rico, na noon ay bahagi lang ng kanyang paniniwala sa manifestion at law of attraction.
Ito ay ang konsepto na nata-translate sa realidad ang mga bagay na madalas tinututukan ng pag-iisip at pakiramdam ng isang tao.
Lahad ng aktres, "I kept posting on my private Facebook na, 'Lord, bigyan mo naman ako ng younger version ni Rico.'
"Super crush ko talaga siya.
"Hindi ko naman in-expect na siya yung ibibigay ni Lord, hindi yung younger version!"
FIRST MEET
Ayon kay Maris, December 7, 2018 nang mag-tweet siya tungkol sa paghahanap ng makaka-collaborate sa isinulat niyang kanta.
Marami naman daw musicians ang kumontak sa kanya, ngunit ang gusto raw talaga niyang maka-collab noong mga panahong iyon ay ang ultimate crush niyang si Rico.
Lahad ni Maris, "When I was 21, mga ganon, I was really planning na to take music seriously na talaga.
"May mga songs na rin akong nasulat at that time, and I really want to collaborate with somebody.
"Dati pa lang, whenever I'm writing songs, kapag natapos ko siya, parang sabi ko, 'Oh, my God, magugustuhan to ni Rico!'
"Ang kapal talaga ng mukha ko, kasi feeling ko talaga ayon yung mga tipong music na magugustuhan ni Rico. Kaya nag-tweet talaga ako.
"May mga ilang musicians na nag-reply, pero ang target ko talaga, e, si Rico.
"Tapos my fans know na idol ko si Rico. Tinag nila si Rico, and then Rico replied.
"So, ako talaga, napaka, 'Oh my God! Totoo ba to?!'
"And yun na, nag-set kami ng date para mag-meet para ma-play ko sa kanya yung music.
"Doon na ako tumalun-talon on the way to his house... sa studio niya."
Read: Maris Racal on working with Rico Blanco: "Amazing is an understatement."
Nang sa wakas ay makita niya nang malapitan at personal si Rico, animo'y nag-slow mo raw ang mundo ni Maris.
Paglalarawan niya, "Para siyang nakaka-tense na situation, as in para siyang movie.
"Pagpasok talaga [ni Rico] sa room, parang nag-slow mo talaga yung mundo ko.
"Nagulat ako kasi akala ko si Rico, astig na brusko, akala ko talaga bad boy siya.
"Pagpasok niya, sabi niya agad, 'Hi!' And ako, ganun pala siya magsalita, malumanay and very conyo.
"Pero kasi at that time, hindi ko naramdaman yung super crush thing. Parang more on fangirling, tapos I was earger to play my music in front of him.
"When I played the song naman, nagustuhan niya."
MARIS-RICO'S FIRST COLLAB
Nagtuluy-tuloy raw ang usapan nina Maris at Rico, at dito na nila napagdesisyunang gawin ang kaunaha-unahan nilang collab — ang kantang "Abot Langit."
Kuwento ni Maris, "We met mga early December, pero just before New Year, na-record na namin yung song. Pero pang-guide lang, hindi pa siya yung pang final recording.
"Nag-Christmas and New Year na, sabi ko sa kanya, 'Tuloy pa ba yon?' Ako yung nagme-message, ako yung nangungulit.
"Sabi naman niya, 'Yes.'
"And yun na, ni-record na namin, ginawan na namin ng music video, ginawan ko na ng dance, ni-release ko na."
Read: Iñigo Pascual happy for Maris Racal's relationship with Rico Blanco
Nang matapos daw nila ang project, doon na siya niyaya ni Rico lumabas na sila lang dalawa.
Ngunit pag-amin ni Maris, wala siya noong ine-expect na magugustuhan siya ni Rico. Ang tanging alam lang daw ng aktres noon ay masaya siyang kasama ito.
Kinikilig na kuwento niya, "Then one day, bigla na lang siyang nag-aya na pumunta sa play ng Eraserheads. In-invite kasi siya, ta's in-invite din niya ako, kasi music event nga.
"Ako na nagsabi na nahihiya ako... Sabi ko na lang sa kanya, 'Punta na lang tayo sa event ni Rambo [Nuñez],' kasi common friend namin si Rambo.
"Ang cute ng moment na yon kasi kinikilig pa si Rambo.
"Kasi at that time, nagkakamabutihan sila ni Ate Maja [Salvador] so sobrang sabay namin together.
"Bigla na lang nagka-develop-an... and the rest is history."
Read: Maris Racal reveals how she and Rico Blanco settle misunderstandings
PRIVATE RELATIONSHIP
Pag-amin ni Maris, halos dalawang taon nilang itinago sa publiko ang relasyon nila ni Rico.
Natakot daw kasi sila sa sasabihin ng iba dahil sa magkalayong agwat ng kanilang edad.
Noong mga panahong iyon ay 21 si Maris, habang si Rico naman ay 45.
Read: Maris Racal not bothered by comments about age gap with boyfriend Rico Blanco
"Yung quiet two years na yon, it was one of the happiest two years na na-experience ko. Kasi totoo lang siya, there was no pretention, masaya lang kami," saad ni Maris.
March 2020, unang umugong ang balitang may namamagitan sa kanila dahil sa ipinost ng dalaga na duet nila ni Rico sa Instagram.
Nasundan pa ito noong March 17, 2021, nang batiin ni Maris si Rico nang nagdiwang ito ng 48th birthday.
Ani Maris, marami siyang na-realize noong kasagsagan ng pandemic, na nagtulak sa kanya para isapubliko ang pagmamahalan nila ni Rico.
Read: Maris Racal reveals relationship with Rico Blanco started before pandemic
Pagbabalik-tanaw ng Can't Buy Me Love star, "Nung nagka-pandemic, nagka-lockdown, and then ang daming nangyayari sa mundo, it was a very sad moment sa mundo.
"Doon ko na-realize, ang nagma-matter ay yung mga taong mahal mo talaga.
"It's not your career or whatever worldly possessions you have—it's the people you love.
"Tapos sabi ko, I don't wanna keep on hiding. I don't want to leave this world na itinatago ko yung mahal ko.
"So, noong birthday niya, I posted about him. It wasn't a very long caption, like, 'Happy birthday Rico.' It was very simple... and then people speculated.
"Nagulat din si Rico pero happy siya. He didn't force me naman kasi he agreed naman sa conditions ko na I love my career."
Read: Is Maris Racal ready to tie the knot with Rico Blanco?
