PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda fondly recalls working with the late Jaclyn Jose

"Iba yung lungkot na naramdaman...meron kasi akong dream project din with her."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 6, 2024
Vice Ganda reveals dream project with Jaclyn Jose
TV host-comedian Vice Ganda (right) mourns death of multi-awarded actress Jaclyn Jose (left): "Nakakalungkot na nawala siya... Iba yung lungkot na naramdaman ko bukod sa siyempre, wala na siya, meron kasi akong dream project din with her, na pinitch ko sa Star Cinema."
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Star Cinema YouTube

Lungkot at panghihinayang ang nararamdaman ng It's Showtime host na si Vice Ganda sa biglaang pagpanaw ng multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.

Noong March 2, 2024, sumakabilang-buhay si Jaclyn, sa edad na 60, dahil sa atake sa puso sa mismong bahay niya sa Marikina City.

Read: Andi Eigenmann reveals mom Jaclyn Jose died of heart attack

Ikinabigla ito ng publiko, lalo na ng pamilya at mga kasamahan sa showbiz industry ni Jaclyn.

Read: Angel Locsin, Barbie Forteza, Kylie Padilla, Andrea Torres, more celebs mourn death of Jaclyn Jose

Sa panayam ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe nitong Martes, March 5, inalala ni Vice ang masasayang pinagsamahan nila ni Jaclyn nang magkatrabaho sila sa MMFF (Metro Manila Film Festival) 2018 entry na Fantastica at sa 2008 ABS-CBN fantaserye na Dyosa.

Karangalan daw para sa kanyang makatrabaho si Jaclyn na hindi lang daw magaling sa drama kundi maging sa komedya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Vice, "Nanay ko siya dun [sa Fantastica]. Noong simula, nahihiya pa ako tapos nag-aalinlangan ako kung paano ko siya pi-play time-in.

"Pero siya talaga yung nagsabi, 'Gawin mo kung ano gusto mong gawin.'

"Tapos maraming punchlines doon na on the spot na nasasabi, tapos payag siya. Payag siya, tumatanggap siya.

"Meron din siyang... magugulat [ka na lang], may mga sundot siya. Marami siyang, kahit yung meron siyang sinabi doon na, 'Yan, gusto ko yang acting na yan, diyan ako nanalo sa Cannes Film Festival.'

"Wala yun sa script. So, nagpapa-dogshow din siya."

Read: Andi Eigenmann pens tribute to late mom Jaclyn Jose: “Wala na ang sakit. Wala na ang takot.”

Aminado si Vice na noong una ay nakaramdam siya ng kaba dahil ang makakaeksena niya sa Fantastica ay isa sa tinitingala at iniidolo niyang artista.

Kuwento ni Vice, "Noong simula, siyempre si Jaclyn Jose siya, di ba? Iba yung Jaclyn Jose e. Icon siya sa showbiz. Isa siya sa mga pinakamahuhusay na aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, may ano ka din, 'Okay kaya yung ganoon?' Pero hindi siya naging problema kasi simula pa lang, naging open talaga siya.

"Binigyan niya ako ng [assurance na], 'Okay lang, gawin mo ang gusto mong gawin.'

"Tapos naging close kami.

"Pero actually before that, nagkasama na kami. Kasi naging sidekick niya ako sa Dyosa bilang Salaminsim. Ako yung inuutus-utusan niya doon.

"So, mayroon na talagang kaming relationship noon pa man din."

Sundot na tanong ni MJ, "Pero off-cam, kumusta si Jaclyn?"

Sagot ni Vice, "Mabait siya, bakla. Kasi Wen Deramas family kami kaya parang kahit hindi kami madalas magkita, mayroon kaming certain connection.

"Mabait siya talaga, madaling pakisamahan, hindi siya nakakatakot, at mapagbigay siya. Kaya nakakalungkot na nawala siya."

Ang pumanaw na direktor na si Wenn Deramas ang nagdirek ng karamihan ng blockbuster films ni Vice.

Siya rin ang direktor ng teleseryeng Mula Sa Puso, kung saan tampok si Jaclyn.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jake Ejercito pays homage to late Jaclyn Jose: "I surely wouldn't have survived those years of fatherhood without your guidance."

VICE GANDA'S DREAM PROJECT WITH JACLYN JOSE

Nagpadagdag pa raw sa lungkot ni Vice na hindi na matutupad ang pangarap niyang proyekto na kasama muli si Jaclyn.

Nais daw kasi niyang gumawa ng "indie-type movie, pero comedy" na sila ang bida ng namayapang aktres.

Nanghihinayang na pagbabahagi ni Vice, "Iba yung lungkot na naramdaman ko bukod sa siyempre, wala na siya, meron kasi akong dream project din with her, na pinitch ko sa Star Cinema.

"Gusto ko yung parang indie type na movie, pero comedy. Comedy na drama na serious na indie type na magnanay kami.

"Maganda yan, sabi nila [Star Cinema], for a change. Sabi ko, gusto ko ito, gusto kong magkaroon ng ganitong pelikula. E, hindi na siya matutuloy.

"Nakakapanghinayang, kasi gusto ko talaga yung dalawa kami, yung dalawa kaming bida."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gina Alajar, Vina Morales, Jean Garcia, more celebs pay homage to showbiz icon Jaclyn Jose

Noon pa man ay gustung-gusto na raw ni Vice maging nanay sa pelikula si Jaclyn.

Aniya, "Ang gusto kong project, dalawa kaming bida na magnanay na may kakaiba kaming dynamics.

"Kasi napanood ko iyong Kalel, 15, gustung-gusto ko yung pagiging nanay niya doon.

"Sabi ko, gusto ko na magkaroon ng ganyang nanay sa pelikula. Yung nanay na minumura ako, yung ganoon."

Ang Kalel, 15 ay 2019 indie movie na idinirek ni Jun Lana. Gumanap si Jaclyn dito bilang ina ng bidang si Elijah Canlas.

Hindi man natupad ang pangarap na proyekto ni Vice, hinding-hindi raw mawawala sa kanyang puso't isipan ang mga alaala nilang nabuo ni Jaclyn noong ito'y nabubuhay pa.

Sabi ni Vice, "One yung pride, babaunin ko yung pride na yon na nagkasama kami sa mga proyekto at nagkaroon kami ng relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakilala ko siya at ganon din siya, nakilala niya ako. May natanggap kaming kabutihan at pagmamahal sa isa't isa."

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host-comedian Vice Ganda (right) mourns death of multi-awarded actress Jaclyn Jose (left): "Nakakalungkot na nawala siya... Iba yung lungkot na naramdaman ko bukod sa siyempre, wala na siya, meron kasi akong dream project din with her, na pinitch ko sa Star Cinema."
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Star Cinema YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results