Umiiyak na humarap sa media si Andi Eigenmann ngayong Lunes ng hapon, March 4, 2024, upang magbigay ng pahayag sa biglaang pagkamatay ng kanyang ina, ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose o Mary Jane Guck sa totoong buhay.
Kasama ni Andi ang nakatatandang kapatid sa ama na si Gabby Eigenmann.
Ayon kay Andi, sumakabilang buhay ang kanyang ina sa edad na 60 noong umaga ng March 2, Sabado, dahil sa myocardial infarction o heart attack.
Maging sila ay ikinagulat daw ang nangyari.
Pahayag ni Andi, "It's with great sadness that I announce the untimely passing of my nanay, Mary Jane Guck, better known as Jaclyn Jose, at the age of 60, on the morning of March 2nd, due to a myocardial infarction or heart attack."
Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60:
Kasunod nito, pinasalamatan ni Andi sa mga nagpaabot ng pakikiramay sa kanilang pamilya.
Nakiusap din siyang irespeto ng publiko ang privacy ng kanilang pamilya sa oras na ito ng kanilang pagdadalamhati.
Umiiyak na mensahe ni Andi, "We'd like to thank everyone who has since extended their prayers and condolences to us.
"As our family is trying to come to terms with this unfortunate incident, please provide us the respect and privacy to grieve and we hope this would put all speculations to rest.
"We'd just like to say that her undeniable legacy will definitely forever live on through her work, through her children, grandchildren, and the many lives she's touched.
"As she herself, her life itself was her greatest obra maestra."
Read: Phillip Salvador, Alfred Vargas, Adolf Alix Jr. nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose

Bukod kay Andi, naulila rin ni Jaclyn ang isa pa niyang anak na si Gwen Guck.
Si Andi ay anak ng multi-awarded actress sa namayapa na ring aktor na si Mark Gil.
Read: Andi Eigenmann, namana ang husay sa pag-arte sa mga magulang na sina Jaclyn Jose at Mark Gil
Habang si Gwen naman ay anak ni Jaclyn sa miyembro ng bandang The Dawn na si Kenneth Ilagan.
Read: Angel Locsin, Barbie Forteza, Kylie Padilla, Andrea Torres, other celebs mourn death of Jaclyn Jose
