Kinumpirma ni Dingdong Dantes na pagkatapos ng blockbuster movie na Rewind, kung saan nakapareha niya ang asawang si Marian Rivera, may kasunod na movie na ang Kapuso actor para sa Star Cinema, ang movie arm ng Kapamilya network.
Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time
Hindi man nagbigay ng mga detalye sa upcoming project, hindi maitago ni Dingdong ang excitement na ang makakasama niya rito ay ang beteranang aktres at ABS-CBN execuive na si Charo Santos.
Read: Pagsasama nina Charo Santos at Dingdong Dantes sa pelikula, matutuloy na sa wakas
Ayon kay Dingdong, "Matagal ko nang pangarap na makasama si Ma'am Charo sa isang pelikula, sino ba namang hindi?
"Alam niyo napapanood lang natin siya sa TV, I know her body of work.
"Especially pag nag-uusap kami, much respect and always in awe pag kaharap ko siya.
"Isang napakalaking privilege to work with Ma'am Charo and I'm sure it's one exciting project."
Kinumpirma ni Dingdong na gaya ng Rewind, co-producer din siya ng pelikula nila ni Charo.
Ayon pa sa Kapuso actor-TV host, sila talaga ni Charo ang original cast ng pelikulang ito at pre-pandemic pa nang nabuo ang konsepto ng proyekto.
"Hindi ko na ma-recall, e, pero magmula naman nung ma-conceptualize yung project, yun na talaga, kami na talaga yung team.
"Walang ibang casting. It was really written with us in mind.
"Medyo nag-slow lang siya nang kaunti kasi the script had to go through some revisions, may kaunting pagbabago."
Pero ngayon ay nakatakda na raw nilang simulan ang shooting ng pelikula.
"Heto, reding-ready na siya, mag-uumpisa na kami.
"Pre-pandemic pa ito. Working title is Love After Love, di ko lang alam kung mababago.
"Genre? Ayoko muna, isa yun sa unique sa pelikulang ito, ayaw naming magbigay ng definition kung anong genre."
Ang pelikula ay ididirek ni Irene Villamor.
Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Dingdong sa 50th anniversary ng MOWELFUND na ginanap sa UP Bahay Alumni sa UP Diliman noong March 15, 2024.
INTENDED FOR MMFF?
Dahil naging blockbuster ang Rewind at nanguna sa takilya sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023, marami ang nag-aabang kung isasali ba sa MMFF ngayong taon ang pelikula nina Dingdong at Charo.
Saad ni Dingdong, "Kahit naman nung ginawa siya [Rewind] dati, hindi naman talaga siya intended for that, but of course lahat nagbabago.
"Wala sa ating mga kamay yan. Ang mahalaga naman for us is telling a beautiful story, yun naman ang objective.
"Hindi na natin hawak kung saan lumanding yun."
Dalawang buwan nang natapos ang showing sa mga sinehan ng Rewind, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Dingdong sa tagumpay ng pelikula nila ni Marian.
Read: Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kinilala sa Senado
Pagbabahagi niya, "Not at all.
"Hanggang ngayon lang, nag-uusap kami nila Marian, nila Direk Mae [Cruz-Alviar], siyempre nag-hope kami na maging successful siya, sino ba hindi sa isang pelikula?
"Pero it really went beyond and exceeded our expectations.
"Ang bottomline talaga nito, these things are out of our control, everything comes from the Lord.
"Ika nga, laging sinasabi sa akin ng tatay ko, lahat kami instrumento lang kami para siguro sabihin itong napakagandang kuwento na ito. Pati outcome niya, e, lahat design ng ating Panginoon."
Ipalalabas na ang Rewind sa Netflix sa March 25.
MOWELFUND BOARD OF TRUSTEES
Kasama ang kapwa Kapuso na si Alden Richards, ipinakilala si Dingdong bilang isa sa bagong miyembro ng board of trustees ng MOWELFUND o Movie Workers Welfare Foundation.
Proud na proud ang aktor sa tungkuling ipinagkatiwala sa kanila ng institusyon.
"Siyempre ang mako-commit namin dito is 100 percent, kung anuman ang aming expertise, kung anuman yung aming kakayahan, at higit sa lahat ang aming oras at commitment.
"Di ba, napakahalagang pagkakataon, especially 'cause it's the 50th, it's not just a milestone not just for the institution but for the industry.
"Di pa ako pinapanganak, nandito na ang MOWELFUND
"Sa tingin ko, di tatagal nang ganito kung hindi dahil sa solid groundwork na ginawa at binigay ng ating leaders doon, tulad nina Tita Boots [Anson Roa-Rodrigo], Tito Rez Cortez, and all the past and present board of trustees.
"Dahil doon ay mayroon tayo ngayong framework, di ba, para mag-isip ng bagong programs, and we appreciate the trust that was given to us.
"We can think of so many good ideas especially para sa kapakanan ng ating industriya. Pero kung wala yung inspirasyon galing sa ating mga founders and leaders, e, hindi natin magagawa kaya we're really very grateful to them."
